Dani Barretto on worsening family rift: “Wala akong masasabi kasi, like I said, issue nila ’yan. Labas kami diyan.”

Dani Barretto on her feelings about her Lolo Mike and Lola Inday’s latest statements disowning her mother Marjorie and aunt Gretchen: “Siyempre, nasaktan kami. Sino bang hindi masasaktan sa mga nangyayari, di ba? Magkakapamilya kami, and all throughout we’re very close siyempre. Masakit, but wala e, our life has to go on. We cannot stop our lives because of that one pain. It may hurt but it’ll pass. For now, move on and go on with our lives, yun lan


Pagkalipas ng mga sunud-sunod na panayam sa magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto tungkol sa di matapos-tapos na isyu sa kanilang pamilya, natanong din ng kanyang saloobin ang isa sa mga apektado ng giriang ito—si Dani Barretto.

Si Dani ay panganay na anak ni Marjorie sa dating boyfriend na si Kier Legaspi.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dani noong Oktubre 1, sa Close Up Forever Summer press launch, na ginanap sa Prive The Fort, ibinalita nitong maayos na ang pakiramdam ng ina.

Aniya, “My mom is okay. We’re all okay. We’re happy. We’re okay. It’s behind us now, whatever kung anuman yun.”

Makikita rin sa kanilang Instagram accounts na palagi silang nagpa-family bonding.

Kuwento ni Dani, “Yeah, kasi family-oriented naman talaga kami, e. We’d rather stay together and enjoy family time.”

Paano nila nalagpasan ang isyu noon ng ina na nasangkot sa isang photo scandal?

Lahad nito, “We simply just moved on. Yun lang yun. Nag-move on lang kami kasi alam naman namin na everyone will go through that, may time sa life natin.

“And right after, we just stand up again and then move on and life goes on. Yun lang ang ginawa namin.”

BASHERS AND HATERS. Ilang buwan na ang nakakaraan mula nang may nag-bash sa Instagram account ng kanyang ina tungkol sa nakababatang kapatid nitong si Julia.

Sinabi ng basher na si Gretchen daw ang nagpapaaral kay Julia sa isang international school.

Paliwanag ni Dani, “Natawa na lang kami dun. Sobrang natawa na lang kami dun.

“Wala akong maiku-comment dun kasi it’s really not true.

"Nung lumabas yung issue, tumawa na lang kami kasi halatang walang magawa yung mga tao. Gumagawa na lang ng mga isyu.”

Sinabi rin ng basher na dapat daw ay magtrabaho na lang si Marjorie nang hindi na raw umasa kay Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dani, “Yeah, sabi ko nga ano na lang… Kasi ang mommy ko, she’s a very, very strong woman. She’d rather take all the pain kaysa kami ang masaktan. I would say it, nagiging protective talaga siya.

“We all know the truth kaya di namin kailangang kabahan or masaktan or whatsoever kasi, ewan ko, haters will be haters.

“Nandiyan sila at hindi sila mawawala, and we cannot please everyone so all we have to do is ignore.”

HURTING BUT… Bilang panganay na anak ni Marjorie at isa sa mga apo nina Inday at Mike Barretto, inamin ni Dani na nasaktan siya sa pagtakwil ng kanyang lolo’t lola sa mommy niya at sa iba pa nitong kapatid.

Saad niya, “Siyempre, nasaktan kami. Sino bang hindi masasaktan sa mga nangyayari, di ba?

“Magkakapamilya kami, and all throughout we’re very close siyempre.

"Masakit, but wala e, our life has to go on. We cannot stop our lives because of that one pain.

"It may hurt but it’ll pass.

“For now, move on and go on with our lives, yun lang talaga.”

Ngunit nilinaw ni Dani na hindi raw sila nangingialam sa gulo ng pamilya dahil hindi daw sila kasali dito.

Paliwanag niya, “Kasi its none of our business, hindi kami kasali dun sa away. So as much as possible hindi namin kailangang mangialam.

“So, ano kami, nasasaktan kami. Siyempre, kapamilya namin sila. Pero otherwise, quiet lang kami.

“I really don’t know what to say about that pero masakit. Pero, with us, we’d rather stay out of it kasi wala kaming alam.”

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang sumagot naman ang kanyang pinsang si Dominique, ang anak ni Gretchen at Tonyboy Cojuangco, sa isang basher nito sa Instagram.

Sinabihan kasi itong illegitimate child.

Kuwento ni Dani, “Si Dominique kasi, palaban talaga yun. She’s like my Tita Gretchen. She’s really palaban. And si Dominique, she’s also strong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro that’s what… hindi naman sa pagmamayabang about our family—walang mahina sa amin. Lahat kami matatapang, so I just told her to ignore it.

“We know the truth and we know that bashers and haters, hindi naman sila mawawala e.

"Kilala yung family namin, so wala kaming choice.

“Kahit ayaw namin, kahit nakakainis, nakakaasar, sometimes ayaw mo na lang mag-Instagram, but mas naiinis sila kapag nakikita nila kaming masaya. So life goes on.”

Umaga rin nitong nakaraang Martes, October 1, sinabi ng tiya ni Dani na si Claudine Barretto, sa presscon nito sa Rembrandt Hotel, na dapat palitan na nina Marjorie at Gretchen ang kanilang apelyidong Barretto.

Ano ang masasabi niya rito?

Tugon ni Dani, “No comment. Wala akong masasabi, kasi like I said, issue nila yan, labas kami diyan.

“But for me, family is family, nasasaktan ka talaga.

“In your own opinion, hindi mo rin alam na ganun yung mangyayari. Pero, with us, may kanya-kanya na kaming buhay, may kanya kanya na kaming ginagawa, so yun yung pinagtutuunan namin ng pansin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN