Derek Ramsay on breakup with Cristine Reyes: “We are giving each other space.”

Derek Ramsay on speculations about reason for breakup with Cristine Reyes: “We’re fine. There are so many speculations. But I would not talk about what people are saying. That is their opinion. We have decided to end the relationship, and I’m going to be very private about it.”


Mas gustong pag-usapan ng TV5 leading man na si Derek Ramsay ang kanyang bagong show sa Kapatid network kaysa mausisa pa tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Cristine Reyes.

Ang bagong TV5 primetime teleserye ni Derek ay ang romance-drama na For Love Or Money, na isa sa mga ni-launch sa TV5 Everyday All The Way campaign.

Makakasama ni Derek sina Ritz Azul at Alice Dixson. Mula ito sa direksyon ni Mac Alejandre.

Ito ang ikatlong primetime series ni Derek sa TV5 pagkatapos ng Kidlat at Undercover.

Marami ang gustong makakuha ng statement kay Derek mula nang kumalat ang balita—na unang kinumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Setyembre 30—na hiwalay na sila ni Cristine matapos ng isang buwang relasyon.

Ngunit kahit na anong pakiusap ni Derek, hindi pa rin siya tinantanan ng media tungkol sa nangyari.

Paano na ang pelikulang pinagsasamahan nila na Trophy Wife sa ilalim ng Viva Films? Tuloy pa rin ba siya sa naturang pelikula?

Walang nagawa si Derek kundi magbigay ng kahit na konting sagot na hinihiling ng mga taga-media, na dumalo sa trade launch ng mga bagong TV5 primetime shows noong Oktubre 2, sa NBC Tent, The Fort, Taguig City.

“We’re fine. With regards to the movie that we are doing, we’re going to be professional about that.

“There are so many speculations. But I would not talk about what people are saying. That is their opinion,” panimulang pahayag ni Derek sa PEP.

Pero kahit nagtapos na ang relasyon nila, para kay Derek ay magkaibigan pa rin sila ni Cristine.

“We’re actually going to Hawaii for a show. Matagal nang naka-schedule iyon.

“Kaya magkakasama pa rin kami. We’re both being professional sa trabaho namin,” dugtong pa niya.

Haka-haka ng marami na ang cause diumano ng break-up nila ni Cristine ay dahil masyado raw silang naging kumportable sa isa’t isa. Kumbaga, “too close for comfort” ang nangyari raw sa kanila ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito naman ang maiksing pahayag ni Derek: “We are giving each other space.

“We have decided to end the relationship, and I’m going to be very private about it.”

Bago naman naghiwalay ang dalawa, nag-tweet pa si Derek ng mga magiging biyahe sana nila ni Cristine ngayong taon at sa susunod na taon.

Magseselebra sana sila ng Halloween sa Hong Kong at magpa-Pasko naman sa Palawan.

Tapos, sa 2014 ay lilipad sana sila patungong Brazil para manood ng World Cup.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN