Gretchen Barretto on Instagram: “I believe it is Claudine bashing me using multiple accounts."

Gretchen Barretto (upper right) on her bashers and haters online: “I believe it is Claudine bashing me using multiple accounts. Schizophrenia is playing its part. I pray that her very disturbed state will soon calm down. This is also a manic episode that she is experiencing. I will keep strong & will certainly speak only the truth.” J.J. is on the left photo, Claudine is on the lower right.


Hindi masyadong naging aktibo sa pagpu-post sa kanyang Instagram account si Gretchen Barretto ngayong siya ay nasa London, England.

Doon na mag-aaral ng college ang anak nila ni Tonyboy Cojuangco na si Dominique, na nag-high school naman sa British School sa Bonifacio Global City complex, Taguig City.

Kaiba noong panahong nasa Pilipinas si Gretchen, na tulad ng napakamaraming Instagram users, ay masipag magpu-post ng mga litrato ng pagkain, party, at iba pang kaganapan sa buhay niya, ng pamilya, at ng mga kaibigan.

Pero sumasagot pa rin si Gretchen sa mga nagkukumento sa kanyang Instagram account.

Noong October 1, sa isang post ng aktres at celebrity endorser ay may sinagot itong dalawang followers.

Una ay ang isang may handlename na @bratinella2118.

Sabi nito: “@gretchenbarretto and @marjbarretto Never respond to rudeness, when people are rude to you they reveal who they are, not who u are, don’t take it personally be silent…”

Sagot ni Gretchen: “@bratinella2118 silence is not always the answer to all. I guess at some point, we need to speak up.”

Ayon naman kay @ajyellow: “Yung mga fans ni Claudine hate na hate nila si ms Gretchen for them si Claudine ang kawawa inaapi but the truth is opposite naman stay strong ms Gretchen.”

Tugon ni Gretchen: “@ajyellow I believe it is Claudine bashing me using multiple accounts. (schizophrenia) is playing its part )) I pray that her very disturbed state will soon calm down. This is also a manic episode that She is experiencing. I will keep strong & will certainly speak only the truth.”

Kagabi naman, nag-post si Gretchen ng photo note na ganito ang nakasulat: "Honesty is a very expensive gift, don’t expect it from cheap people."

MARJORIE BARRETTO. Samantala, limang araw na ang nakalilipas mula nang magbuhos din ng sama ng loob, sa kanyang sariling Instagram account, ang isa pang Barretto daughter, si Marjorie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay matapos sabihin ni Claudine sa kanyang press conference noong October 1, na palitan na ng mga kapatid ang apelyido nilang Barretto.

Nagpahayag na ng mas mahabang reaksiyon si Marjorie, sa isang two-part interview na ibinigay niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na lumabas dito noong October 2.

Samantala, sa kanyang photo note sa Instagram, bandang 7:49 p.m. noong October 1, tinawag niya ang nakababatang kapatid na si Claudine ng "Little Girl.”

Nakasaad dito: “Little girl…Who gave you the right to DICTATE to us…To ME ‘PALITAN NA RIN NILA ANG APELYIDO NILA” I am a BARRETTO! I am legally allowed to USE Barretto. You are the one that is a Santiago now. I was a Barretto even before you were born.…YOU ARE NOT the head of this family. I don’t take orders from you Little girl. I will not take orders from you.”

Kasunod nito ang mahaba-habang caption, kung saan sinabi ni Marjorie na hindi sila nirerespeto ng nakababatang kapatid.

Aniya: “Hurtful! You are the youngest in this family but you treat us all so disrespectfully. From the eldest to the youngest you have never respected us. Enough is enough. I have kept my peace all these time. But this is too much. You have hurt me enough to last a lifetime. You can fool the world and make them believe that we are bad sisters. But you little girl…You cannot fool God. In time…We will be vindicated.”

Bandang 8:14 ng gabi naman, isa pang litrato ang muling ipinost ni Marjorie. Ang tanging caption dito ay "God is watching."

Nakasaad sa post: “I am removing all power you have on me to hurt me…I’m tired of your blackmails. You have caused me many many sleepless nights and I have cried too many tears for you. You little girl…You can not hurt or harm me again. Never again. This is the last time I will cry over you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



J.J. BARRETTO. Sa official Instagram account naman ni Joaquin Jose Barretto, aka J.J., na @jjbarretto, sinabi nitong gusto lang niyang magbalik na ang dating Claudine.

Si J.J. ay naging malapit kay Claudine sa mahabang panahon. Sa interbyu ni J.J. sa YES! Magazine ilang buwan na ang nakaraan, sinabi nitong mahal niya si Claudine at utang niya sa kapatid ang pagbabagong-buhay niya.

Matagal ding nalulong si J.J. sa drugs, at inamin niya sa YES! na si Claudine pa ang nagdala sa kanya sa rehab. Kaya nga raw, gusto niyang suklian ngayon si Claudine nang pagdala naman sa bunsong kapatid sa rehab.

Sa isang video post nito dalawang linggo na ang nakakaraan, may isang follower na nag-comment tungkol sa pagkunsinti raw nina Mike at Inday Barretto sa bunsong anak na si Claudine.

Ayon pa sa may handle name na @bethyalong23: “@jjbarretto kung hinde kinunsinti ng parents nyo si claudine hinde sana umabot sa ganyan ang pamilya ninyo..nkakalungkot tlga na may mga magulang na imbes protektahan ang mga anak sila pa mismo yung mani2raat gumagaw ng hnde tama..Sana matauhan na ang parents nyo bago mhuli ang lahat kay @claubarretto.”

Ang @claubarretto ay official Instagram account naman ni Claudine.

Tugon ni JJ, “@bethyalong23 thank you.we need prayers.it doesn’t matter anymre to me what may parents say about me.i just want my old sister Claudine back. GODBLESS YOU.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN