Enchong Dee laughs off rumored cellphone sex video with model Sebastian Castro

Enchong Dee (left) on alleged sex video with singer, model and Youtube sensation Sebastian Castro (right): “Astig, may video scandal pala ako?? Paki post naman para mapakita ko sa magulang ko habang nasa bakasyon kami…bilis ang daming naghahantay.”


Tinawanan lang ng Star Magic talent na si Enchong Dee ang kumakalat na balita ngayon sa mga social networking sites na may sex video raw sila ng singer, model at Youtube sensation na si Sebastian Castro.

Ayon sa sites, halos sampung segundo lamang ang naturang sex video na kuha umano sa cellphone, pero kitang-kita raw ang maselang ginagawa ng dalawang binata.

SORRY TO DISAPPOINT. Sa kanya namang Twitter account na @sebastianslife, sinabi ni Sebastian Castro na sigurado siyang wala siyang anumang sex video.

Sa tweet ng model noong October 1, sinabi nito: “Sorry to disappoint. I’m about 90% sure I don’t have a sex vid. Unless my ex secretly taped us, in which case someone will die very soon.”

Kasunod nitong tweet, may litrato ng kanyang mga kaibigang nagtatanong sa Twitter at Facebook tungkol sa sinasabing cellphone sex video.

Mensahe ni Sebastian sa kanila: “So I open mg fb twitter and find dozens of ppl telling me I have a sex scandal but no one bothers to send me a link.”

Sa kanya namang Instagram account na @thesebastiancastro, sinabi nitong kung meron man siyang ganoon ay papangalanan niya itong Bubble.

Ang "Bubble" ay pamagat ng viral Youtube video ng singer-model.

Aniya: “If i ever did make a porno, it would probably be some hot viral shit with a kick ass song playing in the background. And id probably call it bubble.”

ASTIG, MAY VIDEO SCANDAL PALA AKO?” Kasalukuyan namang nasa China si Enchong, kasama ang mga magulang at kapatid, para magbakasyon.

Sa post niya sa kanyang Twitter account noong October 3, sinabi nito na kung meron siyang video scandal ay ipapakita niya ito sa kanyang mga magulang.

Aniya: “Astig, may video scandal pala ako?? Paki post naman para mapakita ko sa magulang ko habang nasa bakasyon kami…bilis ang daming naghahantay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN