Kristoffer Martin happy that fans accept his loveteam with Julie Anne San Jose

Iwas muna si Kristoffer Martin na pag-usapan ang estado ng relasyon nila ng real-life girlfriend na si Joyce Ching. Saad niya, “Basta okey kami ni Joyce, wala kaming problema. Wala kaming ikinababahalang mga nangyayari.”


Natutuwa si Kristoffer Martin sa positibong pagtanggap ng mga manonood sa pinagbibidahan nilang primetime series ni Julie Anne San Jose sa Kapuso network, ang Kahit Nasaan Ka Man.

Maganda rin ang nagiging rebyu sa acting ng buong cast, partikular na kina Kristoffer at Julie Anne.

Pahayag ni Kristoffer sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sobrang natutuwa ako dahil maituturing na experimental yung soap.

“Tapos, bagong loveteam nga kami ni Julie Anne.

“Nababasa ko sa Twitter at sa mga diyaryo na maganda nga yung reviews at pati feedbacks ng mga tao. Nahu-hook daw sila doon sa soap.

“So, sobrang nakakataba ng puso.

"At sana, magpatuloy lang yung pagsuporta at panonood nila.”

POSITIVE RECEPTION. Ikinatutuwa rin ni Kristoffer na madaling natanggap ng viewers ang tambalan nila ni Julie Anne.

Ano sa palagay niya ang mayroon sa loveteam nila at kinagat kaagad ng fans?

Sagot niya, “Ang pinakapuhunan kasi namin, yung soap, e. Iyon yung mamahalin ng tao.

"Hindi naman yung bilang kami as loveteam—yung soap.

"At saka yung mga character namin bilang sina Leandro at Pauleen.

“So, para sa akin, hindi naman kailangan na mahalin nila kami personally ng kaming dalawa, e.

“Siyempre, may fans siya [Julie Anne], may fans din ako. Masaya kami parehas.”

May pressure pa ba siyang nararamdaman ngayong tinatangkilik na ng viewers ang loveteam nila ni Julie Anne?

“Ngayon, wala na, wala na,” pagsisiguro ni Kristoffer.

“Kasi ang pressure lang naman sa akin, noong first week ng soap. Hindi naman tumatagal sa akin.

“And, maganda yun. Maganda yung feeling na yun dahil naeengganyo kang magtrabaho nang mabuti.

“At saka, hindi naging mahirap para sa amin ni Julie Anne na magkaroon kaagad ng magandang rapport.

“Kasi, magkakilala na naman kami since Party Pilipinas pa. Tapos ngayon, sa SAS [Sunday All Stars].

“Okey naman kami. Mabilis naman kaming nag-bond, mabilis naman kaming nagkasundo. Sobrang wala nang ilangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First day namin na magkasama, hindi na kami naiilang sa isa’t isa.

“At saka si Julie ano… may strong personality kasi siya. Ayaw niyang basta-basta makilala siya ng iba.

“Kikilalanin mo muna talaga siya. Iyon naman ang maganda.

“And, kapag once na nakilala mo na siya, sobrang sarap niyang kasama, sobrang gaan niyang kasama.

"Sobrang… walang hassle talaga.”



NEW LOVETEAMS. Dating ka-loveteam ni Julie Anne si Elmo Magalona, na nakabuo ng masugid na JuliElmo fans.

Advantage ba sa bagong tandem nina Kristoffer at Julie Anne ang pagpapareha ng GMA kina Elmo at Janine Gutierrez sa gagawing remake ng Villa Quintana?

“Hindi ko alam, e. Ayokong mag-comment!” nangiting pag-iwas ni Kristoffer.

“Kasi actually, hindi ko alam, e. Hindi ko alam talaga kung ano’ng isasagot ko diyan.

“Pero ang mga fans naman, hindi naman sila totally sa loveteam lang, e. Sinusuportahan din nila ang mga artista, individually.”

Umiiwas na rin ngayon si Kristoffer na pag-usapan ang girlfriend niyang si Joyce Ching.

Panay ang pakiusap nito sa press na huwag na munang magtanong tungkol sa relasyon nila.

Aniya, “Basta okey naman kami, iyon na lang ang masasabi ko.

"Okey kaming dalawa, sobrang supportive namin sa isa’t isa.

“Supportive ako sa soap niya na Dormitoryo. Tapos, siya naman sa akin dito sa Kahit Nasaan Ka Man.

“Basta okey kami ni Joyce. Wala kaming problema, wala kaming ikinababahalang mga nangyayari.”

Ngayon siguro, mas masusubukan ang tatag ng pagmamahalan at relasyon nila?

“Siguro. Nandito na kami sa stage ngayon ng pagiging matatag talaga at patuloy kaming magiging matibay,” pahayag ni Kristoffer.



BASHERS. Dati ay binabasa pa ni Kristoffer ang mga hindi magaganda at negatibong komento ng ilang bashers. Pero ngayon, iniiwasan daw muna niya ito.

“Oo. Ako kasi yung taong sensitive sa lahat ng bagay.

“Sobrang sensitive kong tao, lalo na sa words.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yun, hindi muna ako nagtu-Twitter, para hindi lang ma-distract.

“Ang binabasa ko na lang sa Twitter, yung mga positive. At marami rin naman nakaka-appreciate ng soap namin.

“Kahit yung mga matatanda, pati yung mga nanay, nahu-hook sa panonood, e.”

Tungkol naman sa mga pumupuri sa kanyang pag-arte sa soap, “Every soap kasi na gawin mo deserves the best that you can do naman talaga sa performance mo.

“Maski si Julie, o kahit si Lucho, lahat kami, ibinibigay namin ang best namin for the soap."

Si Lucho Ayala ay gumaganap na karibal ni Kristoffer sa puso ni Julie Anne sa Kahit Nasaan Ka Man.

Patuloy niya, “Dahil nga sobrang experimental, sobrang kailangang alagaan, sobrang kailangang lahat mabusisi.”



RECOGNITION. Maraming magagandang pangyayari ngayon sa karera ni Kristoffer bilang isang sumisibol na young drama actor.

Una na ang acting recognition na nakuha niya sa ginawang indie film, ang Oros.

Kamakailan naman ay tumanggap siya ng Young Achievers’ Award sa Golden Globe Annual Awards for Business Excellence. Dalawa sila ng kapwa niya Kapuso star na si Derrick Monasterio na ginawaran ng nasabing parangal.

Ayon kay Kristoffer, “Kay Derrick, yung sa pagiging youth ambassador niya.

"Sa akin naman, yung nanalo ako sa Oros bilang best supporting actor.

“Nakakatuwa dahil naa-acknowledge nila kaming nasa field ng arts. Kasi, for business award kasi iyon, e.

“And it serves as an inspiration to me.

“Siyempre, iyon ang nagpu-push sa akin para patunayan ko ang sarili ko dito sa industriyang ito."

Dagdag niya, “Kasi, in the first place naman, noong unang-una, ayoko naman talagang mag-artista.

“Pero noong napasok ako, minahal ko na ang propesyong ito.

“So, ibig kong sabihin, si God, inilagay ako dito kasi may purpose ako.

“At nagpapasalamat ako siyempre kapag sinasabing nakikitaan ako ng husay bilang artista.

“Kasi napapansin nila yung paghihirap ko, na ibinibigay ko yung best ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang nakakataba ng puso, sobrang mas ginaganahan akong umarte.

“At base naman sa nangyayari sa takbo ng career ko, may pinapatunguhan naman, e."

GIVING HIS BEST. Masaya raw si Kristoffer na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA ang lead role sa Kahit Nasaan Ka Man.

“At hindi ko naman sila bibiguin dito. Ibinibigay ko rin naman ang best ko.

“Kahit hindi ako ganoon kagaling kumanta, pinipilit kong kumanta.

“So, lahat naman ng ibigay sa akin ng network, basta kaya ko at kaya kong patunayan ang sarili ko, gagawin ko.

“Masaya ako ngayon. Masaya ako sa soap namin. Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko.

“Dahil okey naman ang kinalabasan noong soap nga. Tapos, ang ganda ng storyline."



GOOD BREAKS. Aminado si Kristoffer na natagalan ang pagkakaroon niya ng magandang break at projects.

Kuwento niya, “Matagal din akong naghintay bago ko nakuha ang ganito kaganda at kalaking break.

“Twelve years old pa lang ako noong nagsimulang mag-artista. Nasa kabilang istasyon pa ako noon.

“Marami rin akong ginawa na puro support muna ako, e."

Sumali noon si Kristoffer sa talent search ng ABS-CBN na Little Big Star.

Pagkatapos nito ay nagkaroon siya ng ilang proyekto sa Kapamilya network, gaya ng Kung Fu Kids, Ligaw Na Bulaklak, at Pare Koy.

Patuloy niya, “And siguro ano… ayoko namang… kasi, parang ang yabang ko kung sasabihin kong deserved ko ito, e.

“Ang sa akin lang, happy ako. Happy ako dahil may trabaho ako.

“At sa soap namin, lead role ako with Julie, kaya happy ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN