Daniel Matsunaga dismisses rumor linking him to Kris Aquino

Imbes na kiligin ay nagpapasalamat si Daniel Matsunaga sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad ni Kris Aquino na makasama sa morning show nitong Kris TV.


Matapos ang kanyang pagganap bilang isa sa leading men ni Ritz Azul sa mini-series na Misibis Bay, wala pa raw bagong project sa TV5 ang Brazilian-Japanese model at aktor na si Daniel Matsunaga.

Pero ibinalita ni Daniel PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may dalawang shows na ino-offer sa kanya ang Kapatid network.

Habang naghihintay ng kanyang panibagong TV project ay marami pa rin naman daw siyang pinagkakaabalahan ngayon.

Saad ni Daniel, “Ang dami kong ginagawa. Busy ako sa mga shows—mall shows, out-of town-shows… mga rakets.

“Basically, that’s where I am busy now.”

May kontrata ba siya sa TV5?

“Yes, I have a guaranteed contract, non-exclusive. So, puwede ako sa ABS-CBN, GMA-7.

“And, I think, meron pa akong one more year with the network.”



KRIS AQUINO. Ang non-exclusive contract na ito ni Daniel ang rason kung bakit napapanood siya nang madalas sa daily magazine-talk show ni Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Kris TV.

Dahil napapanood lagi si Daniel sa show ni Kris, may mga nagtatanong kung bakit tila "malakas" siya sa Multimedia Queen.

Pahayag ni Daniel, “Hindi naman malakas, e. We’re friends and lagi lang ako nagge-guest.

“It’s a great opportunity na mai-guest ako sa show niya.

“Always mabait [si Kris], and I really appreciate the all blessings God has been given to me.

“I’m thankful na naging part ako ng Kris TV and I really enjoyed the show.”

Walong episodes na raw ang nagagawa ni Daniel sa Kris TV, pero tiniyak niyang hindi ito makakaapekto sa standing niya sa TV5. Ipinaalam naman daw nila ito sa management ng Kapatid network.

“Alam nila, and they’re talking to my manager. Sila na ang bahala,” paniniguro pa niya.



NOT TRUE. Dahil nga sa pagsasama nila sa Kris TV, nali-link ngayon si Daniel kay Kris. Mabilis naman itong pinabulaanan ng model-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, hindi totoo. Tsismis lang ‘yan.”

Sa kabila nito, hindi itinanggi ni Daniel ang balitang nilalagyan pa raw ni Kris ng pagkain ang plato niya.

“Oo, kasi we were in a farm. Nagti-taping kami doon,” sabi niya.

Ano ang nararamdaman niya at personal siyang inaasikaso ni Kris?

“No, I know the truth, you know. She is just doing her job and I’m doing my job.

“It’s a blessing. For me, it’s a blessing being part of Kris TV.

“I’m very honored. I’m very happy to be part of it, you know.

“It’s such a great opportunity, and I really thank her, and thank God also for all the blessings.”

Hindi ba siya naiilang dahil kapatid ng Presidente ng Pilipinas ang nali-link sa kanya?

Sagot ni Daniel, “No, I don’t feel awkward.

“She’s really nice. Why would I feel awkward?”

Kinikilig ba siya kapag naririnig ang balita tungkol sa kanilang dalawa?

Natawa si Daniel at sinabing, “Bakit kinikilig ako?

“I know she’s super-super famous and everything, alam ko ’yan.

“I’m very thankful. Hindi ako kinikilig, I’m very thankful.

“Thankful ako sa mga opportunities she’s been giving to me.

“I even said to her, ‘Thank you. Thank you talaga.’”

Paano kung ipagpalagay ng mga tao na nagkakamabutihan na sila?

“That’s showbiz,” maikli niyang sagot.

Naisip niya ba ang posibilidad na ma-link sila ni Kris nang maging madalas ang pagge-guest niya sa Kris TV?

“No, that’s not true. Well, for me, I heard about that tsismis.

“And for me, hindi yun totoo. We’re friends.”



HEART EVANGELISTA. Tinanong din ng PEP si Daniel tungkol sa ex-girlfriend na si Heart Evangelista.

“I’m happy for her. I’m happy for Heart and Chiz,” pagtukoy niya sa boyfriend ngayon ng aktres, na si Senator Chiz Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy for her, that she’s been doing a lot of tapings and everything.

“Right now, she’s enjoying her life and I’m really happy for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN