Miriam Quiambao engaged to author Ardy Roberto

Habang nagdya-jogging noong Linggo ng umaga, October 6, sinorpresa ni Ardy Roberto, isang author, entrepreneur, at motivational speaker, ng marriage proposal si Miriam Quiambao. Tinanggap ng beauty queen (1999 Miss Universe first runner-up), actress, at TV host ang proposal.


Engaged na ang beauty queen/actress/TV host na si Miriam Quiambao sa author/entrepreneur/speaker na si Ardy Roberto.

Naganap ang proposal ni Ardy kay Miriam noong Linggo ng umaga, October 6.

Habang nagdya-jogging si Miriam ay sinorpresa siya ni Ardy at ng mga kinuntsaba nitong mga kaibigan, kabilang na ang mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa.

Ang mga kaibigan nila ang naghawak ng white banner na may nakasulat na: "Miriam (Babe), Will You Marry Me? Ardy"

Tinanggap ni Miriam ang proposal ni Ardy.

Inanunsiyo ni Miriam ang kanilang engagement sa pamamagitan ng pagpu-post ng ilang mga larawan sa kanyang Instagram account (miriamq888) noon ding araw na iyon.

Ayon kay Miriam, ang proposal sa kanya ni Ardy ay "answered prayer."

Nag-post din ang 1999 Miss Universe 1st runner-up ng isang photo collage.

Sa isang larawan ay makikita sina Miriam at Ardy na magkayakap, habang may hawak-hawak na bulaklak ang 38-year-old beauty queen turned actress.

Dalawang larawan naman ang nagpapakita ng kumpol ng mga bulaklak na ibinigay ni Ardy kay Miriam.

At ang isa ay ang magkadaupang-palad nilang mga kamay, kunsaan makikita sa daliri ng isang kamay ang engagement ring.

May caption ito na berso mula sa Bibliya, 1 John 4:18: "There is no fear in love."

WHO IS ARDY? Si Ardy ang may-akda ng mga librong Heart of Healing Ang Pera Na Hindi Bitin, at Real Men Are Pogi.

Co-writer din siya ng kanyang ama na si Ned Roberto sa business column ng isang broadsheet.

Chief executive officer at founder din siya ng Salt and Light Ventures. Ang nasabing grupo ang nagdadala sa Pilipinas kay John Maxwell, kilalang inspirational speaker at book author, para sa ilang speaking engagements.

Si Ardy ay isang biyudo. Ang kanyang maybahay na si Margot Pelaez Linsangan Roberto ay pumanaw noong January 2013 dahil sa sakit na lupus. Nagsama sila sa loob ng 17 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Miriam naman ay unang ikinasal noong 2004 sa Italian businessman na si Claudio Rondinelli sa pamamagitan ng isang beach wedding sa Boracay. Ngunit pagkatapos ng dalawang taon ay naghiwalay sila.

CONGRATULATORY MESSAGES. Pagkatapos kumalat ng engagement nina Miriam at Ardy ay bumuhos ang pagbati mula sa kanilang mga kaibigan, kabilang na ang celebrities na sina Iza Calzado at Coney Reyes.

Ani Iza sa kanyang Instagram account na @missizacalzado, "Ate @miriamq888 not sure if you got my message but just want to say that I’m super happy for you! Kinikilig ako!!!!"

Sa Twitter account naman ni Coney na @ConeyReyes, sinabi niya, "@miriamq Miriam!!! Heard about your engagement...I’m SO happy for you and Ardy!!! :)))) God bless you both and all your plans :))))"



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN