Secretary Edwin Lacierda reacts to Robin Padilla’s call for Senator Franklin Drilon’s resignation

Ito ang sagot ni Secretary Edwin Lacierda sa panawagan ni Robin Padilla na bumaba sa puwesto si Senate President Franklin Drilon dahil sa pagkakasangkot umano nito sa pork-barrel scam—"Bilang isang mamamayan, ang tanungin natin sa bawat mambabatas, sa bawat government official: ’Paano niyo ginamit ang kaban ng bayan. Ikaw ba ay nagnakaw?’"


Nagbigay na ng pahayag ang Malacañang hinggil sa panawagan ng aktor na si Robin Padilla na magbitiw sa puwesto ang kasalukuyang Senate President na si Franklin Drilon.

Ito ay dahil sa pagkakasangkot umano ni Senator Drilon sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork parrel scam.

(Read: Robin Padilla calls for resignation of Senate President Franklin Drilon and other senators)

Sa ginawang press briefing sa Palasyo kahapon, October 8, naitanong kay Presidential Spokesperson Secretary Edwin Lacierda ang tungkol sa panawagan ni Robin.

Sagot ni Secretary Lacierda, “Alam mo, ang dapat pagtuunan ng pansin ni Robin Padilla, and with all due respect to Robin Padilla, is, like what we’ve been saying, bilang isang mamamayan, ang tanungin natin sa bawat mambabatas, sa bawat government official: ’Paano niyo ginamit ang kaban ng bayan. Ikaw ba ay nagnakaw?’

"So, yun ang pagtuunan ng pansin, ’Did you steal from the people’s…from the taxpayers? Did you steal from these funds that were coursed through you in confidence, in trust and confidence by the people?

"Yun po ang dapat pagtuunan ng pansin. Huwag po dahil kaibigan.

"Kung talaga pong may kaso po, dapat yun ang pagtuunan ng pansin po ni Robin Padilla.

"Sino ba sa ating mga hinalal, nahalal, or mga government officials na in-appoint ang nagnakaw?

"Yun po talaga ang basic issue po dito, e. Yun po ang tanging issue na dapat sagutin ng bawat taong nagnakaw, ipaliwanag nila.

"Huwag po tayo mag-DOM.”

Ang "DOM" ay terminong ginagamit ni Secretary Lacierda na nangangahulugang "Deny, Obscure, and Misdirect."

Dagdag pang tanong ng media kay Secretary Lacierda ay kung may galit ba si Robin kay Senator Drilon, na siyang nakaupong Justice secretary nang makulong ang aktor sa kasong illegal possession of firearms noong 1995.

Tugon niya, “Ay, hindi ko po alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Narinig ko po ’yan, yun po ang nasabi niya, na ’ako’y ikinulong mo.’

"Pero as to… is not a reason for going against Senator Drilon."

Giit pa ni Secretary Lacierda, "I think Robin Padilla should refocus and direct himself to the issue—who stole the people’s money?

"They should be responsible, they should be prosecuted.”

Masasabi ba niyang walang basehan si Robin na hingin ang resignation ni Senator Drilon or magbakasyon muna ito?

Sagot ni Secretary Lacierda, “Ay, siya... tanungin niya si Senator Drilon.

"Magandang gawin niya, tanungin si Senator Drilon, ‘Nagamit niyo ba nang maayos ang pondo?’

"Kung masasagot ni Senator Drilon na maayos ang paggamit ng pondo, ma-identify niya yung mga projects, e, di sana magkaayos sila at balikan ang focus—sino ang nagnakaw ng pera ng bayan.”



ROBIN REACTS. Ilang oras pagkatapos ipalabas sa news programs kagabi ang mga pahayag ni Secretary Lacierda, nagbigay naman ng reaksiyon si Robin sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Nag-post ang aktor ng litrato ng presidential spokesperson, na may nakasulat na: "Don’t hate what you don’t understand!" at "BE SINCERE. Allah knows what’s in the heart."

Ang "Don’t hate what you don’t understand" ay isang pamosong quote mula kay John Lennon, ang pinaslang na miyembro ng The Beatles.

May caption din si Robin dito na: "Maraming Salamat po sa inyong paalala sa akin at bilang ako po ay isang Pilipino at ASO ni Pnoy hindi BUWAYA magpaalala din po ako sa inyo mula naman po kay john lennon at sa banal na Quran. Mabuhay ang mapayapang rebolosyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN