Sheena Halili confirms having a suitor: “Merong nagpapakilig sa akin, merong nagpapasaya sa akin.”

Tampok si Sheena Halili sa isang episode ng Magpakailanmantungkol sa isang babaeng nakaligtas pagkatapos sunugin nang buhay ng kanyang karelasyon. Sabi ni Sheena tungkol sa kanyang role, “Ipinagpi-pray ko kay God na huwag naman akong mapunta sa ganoong sitwasyon, di ba? Ang lesson lang doon sa story na yun, siguro huwag tayong masyadong magtitiwala.”


Blooming si Sheena Halili nang makasalamuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos ng guest appearance niya sa Startalk noong Sabado, October 5.

Hindi tuloy maiwasang itanong sa kanya kung totoong may masugid siyang manliligaw ngayon na parang gusto na niyang sagutin.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring nagiging boyfriend si Sheena mula nang nag-break sila ni Rocco Nacino.

Sabi ni Sheena, “Merong nagpapakilig sa akin, merong nagpapasaya sa akin. Pero wala pa akong boyfriend.

“Basta, gusto ko munang i-enjoy yung pagiging single, and yung… masarap kayang nililigawan, di ba?”

PREPARATIONS. Hindi raw lovelife ang priority ni Sheena kahit ngayong naghihintay siya ng panibagong project na pagkakaabalahan.

“Siyempre, kailangan ko pa ring i-improve ang sarili ko. And marami akong tina-try na…

“Like, nagwu-workout ako para ma-maintain ko yung figure!” sabay tawa niya.

Dagdag ni Sheena, “Nagbabalak din akong mag-swimming lessons. Kasi dati, ito yung parang takot akong gawin.

“Marunong naman akong mag-swim, pero takot ako sa malalim.

"So, parang feeling ko, kailangan ko rin iyon sa work ko and para sa sarili ko rin.

“Gusto ko ring ma-involve ngayon sa hiking, aakyat ako ng bundok.

“Balak namin, this December, aakyat ako ng Mt. Batulao. And by January next year, sa Mt. Pulag din.”

MAGPAKAILANMAN. Bukod sa walang siyang boyfriend, gusto raw ni Sheena na mag-recharge muna pagkatapos ng kanyang unang lead role sa Binoy Henyo.

Kuwento niya, “Sabi ng management sa akin, may plans sila for me.

“And next year pa yata yung sunod na big project ko, na parang kagaya ng Binoy Henyo.

“E, ako naman, hindi naman ako namimili ng role.

“And I’m happy din nga na nagkaroon ako ng chance na mag-portray ng isang very challenging role recently sa Magpakailanman.

Itinampok sa drama anthology ng GMA ang isang babaeng dumanas ng matinding physical at sexual abuse, na nakaligtas mula sa lalaking karelasyon na nagsunog sa kanya nang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sheena ang gumanap sa pangunahing papel.

May epekto ba ang karakter na ginampanan niya sa Magpakailanman sa pagkilatis ng susunod niyang makakarelasyon?

Tugon ni Sheena, “Alam mo kasi, kahit maging mapili ka, hindi mo naman alam kung saan ka ilalagay ni God, di ba?

“Siyempre, kailangan muna nating ipag-pray.

“And katulad nga noong sa kuwento ng babaeng nasunog, hindi naman niya ginustong mangyari sa kanya iyon.

“Ipinagpi-pray ko kay God na huwag naman akong mapunta sa ganoong sitwasyon, di ba?

“Ang lesson lang doon sa story na yun, siguro huwag tayong masyadong magtitiwala.”



FAMILY VACATION. Nagkuwento rin si Sheena tungkol sa bakasyon nila ng kanyang pamilya sa Singapore kamakailan.

“Two years ago pa yung huling out of the country namin, bago itong sa Singapore recently… and masaya.

“Although nagkikita kami every weekend, nagtse-Church together, iba pa rin talaga yung nasa ibang lugar kayo.

“And kahit papa’no, kahit sobrang tagal na ninyong magkakasama, may madi-discover pa rin kayo sa bonding ninyo, e.

“Masaya na nakakapagod, siyempre.

“Actually, yung vacation namin na yun, for my mom. Birthday niya at sinorpresa lang namin siya.

“Hindi niya alam na magsi-Singapore kami, so inayos na naming lahat.

“Papunta pa lang kami doon, yung dad ko, dinala na lang sa isang hotel si mommy.

“Sabi niya, ‘Yung mga anak natin, busy na, kasi nagwo-work na sila.’

“Akala ni Mommy, wala na kaming plan para sa birthday niya.

“So noong 4 a.m. na, pag pack-up ko sa Magpakailanman taping ko, tuloy na ako sa bahay, naligo ako.

“Tapos, nagpunta na ako sa hotel. Sinabi na namin kay Mommy na pupunta kaming lahat sa Singapore.

“Nagulat siya. Hindi niya akalain na inayos na naming lahat pati pag-empake ng mga damit niya.

“Ang sarap din ng feeling na makapagbakasyon kasama ang pamilya.

“At yung isang importanteng tao sa buhay ko, yung mom ko, na-surprise namin at napasaya sa birthday niya,” lahad ni Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN