Daniel Matsunaga denies anew the rumors linking him to Kris Aquino

"She’s the one, for me, is the person who complete me, from my worst to my best. Also, like the person that doesn’t really care so much about money..." paglalarawan ni Daniel Matsunaga sa "the one" para sa kanya.


Kasama ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga sa latest offering ng Star Cinema, ang She’s The One, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Enrique Gil at Bea Alonzo.

Sa presscon ng pelikula kagabi, October 7, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, tinanong ng entertainment editor na si Eugene Asis ang male cast members kung paano nila malalaman kung “she’s the one” na ang isang babae para sa kanila.

Sagot ni Daniel sa tanong: “Siguro it takes time for me to say she’s the one.

“Kasi yung gusto ko, to know the person muna. Yung inside the person muna, not just the outside, yung look.

“So, for me, it would take time.”

Dagdag niya, “Well, she’s the one, for me, is the person who complete me, from my worst to my best.

“Also, like the person that doesn’t really care so much about money or everything that, you know...

“Somebody who can trust God before anything else.”

Inakala ba niya noon na ang ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista na ang “the one” para sa kanya?

“Dati, naisip ko, si Heart yung ‘she’s the one.’

“Pero, you know, mali pala ako! Mali, e. Hindi natuloy.

“So, mali yung inisip ko!” natatawang sabi ni Daniel.

Nagtawanan din ang mga miyembro ng media sa sagot na ito ni Daniel.



KRIS AQUINO. Muli namang pinabulaanan ni Daniel ang pagli-link sa kanila ni Kris Aquino.

Bagamat may non-exclusive contract si Daniel sa TV5, regular kasi siyang napapanood sa morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Kris TV.

Dahil dito ay may espekulasyon ang ilan na may namamagitan sa kanila.

Sabi ni Daniel, “Hindi totoo yung tsismis na ‘yan, a!

“Kris Aquino, sobrang mabait siya. Kasi, she gave me a big opportunity to be in Kris TV, sa show niya.

“Hindi totoo po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN