Sunshine Cruz denies making "unreasonable financial demands" on Cesar Montano

Idinetalye ni Sunshine Cruz kung anu-ano ang suportang pinansiyal na natatanggap niya mula sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano. "Yung rent [ng bahay] binabayaran niya, nakaka-two months na. Yung tuition ng mga bata, bayad na niya hanggang matapos, and driver ng mga bata, yun lang,” saad ni Sunshine sa ginanap na presscon para sa kanyang bagong endorsement ngayong araw, October 8.


Pinabulaanan ni Sunshine Cruz ang akusasyon ng kampo ng estranged husband niyang si Cesar Montano na marami siyang hinihinging financial demands sa gitna ng kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bilang katibayan, nagsalita si Sunshine tungkol sa hatian nila ni Cesar ng ilang conjugal assets, sa kanyang presscon bilang endorser ng Ever Bilena, ngayong araw, October 8.

Nang magdesisyon siyang hiwalayan ang asawa noong Enero, nagkasundo raw sila na ang aktor ang magbabayad ng monthly rent ng nilipatan niyang townhouse sa Quezon City.

Hindi raw hiningi ng aktres na mapunta sa kanya ang conjugal home nila sa Tivoli Royale, dahil dito rin nakatira ang ilang kamag-anak ni Cesar.

Pahayag ng aktres, “Para lang to set the record straight. Nag-agree sila sa certain allowance para sa akin at para sa kids ko.

“Si Buboy [palayaw ni Cesar] naman, ang sinabi ng lawyer niya—of course they can always deny this, pero ako, wala naman akong record sa showbiz na nagde-deny.

"Sinabi ng lawyer niya na hindi ibibigay ni Buboy yung Bellissimo Ristorante sa akin. Sabi ko, ‘Fine, sa kanya na.’

“Yung bahay, hindi akin. Okay lang sa akin, kasi it’s too big.

"At the same time, meron siyang relatives na nakatira dun. And how can I move on kung nakikita ko yung relatives niya?

“I have nothing against the relatives. Mababait sila, especially si Nanay Emma [Cesar’s mom]. Mahal na mahal ko ‘yan si Nanay Emma.

"Pero siyempre, kung gusto mo maka-move on, ayaw mo silang makita lahat.

“So, sinabi ko sa lawyer na okay lang din sa akin. Magre-rent na lang ako ng place.”

THE AGREEMENT. Ito raw ang maayos na kasunduan ni Sunshine, ng kanyang abugadong si Atty. Bonifacio Alentajan, at abugado ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer, nang mag-meeting sila sa Sulu Hotel ilang buwan na ang nakakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw naisasampa ni Sunshine ang kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act o R.A. 9262 laban kay Cesar noong panahong iyon.

Ngunit sa loob daw ng halos sampung buwan na hiwalay sila ni Cesar ay may mga pagkakataong nakakaligtaang mabigay ng sustento ng aktor.

Lahad ni Sunshine, “Nag-agree sila sa certain sustento, na nag-provide naman si Buboy, in all fairness, for four months.

"Hiwalay na kami for nine months, magte-ten months na. Nag-provide siya ng four months.

“And then, nung nag-hearing kami [last August 15], ang napagkasunduan, he will pay for our rent. Yung 55,000 pesos a month.

"Nakaka-two months na siya.

"Pero kasi, sa October 11, may hearing ulit kami about the custody case, so aayusin ulit yun.”

Payag naman daw si Sunshine sa napagkasunduan nilang financial support na karapatan niyang makuha mula sa asawa.

Hindi lang daw niya maintindihan kung bakit inirereklamo pa ng kampo ni Cesar ang pagsagot ng aktor sa ibang gastusin niya at ng kanilang mga anak.

Saad ni Sunshine, “So, ako, para matapos na lang, sige, okay naman sa akin.

"Kasi ang niri-reason out nila, I should be the one giving and sharing for our children, kasi nagtratrabaho daw ako.

“Pareho nung sa rent, dapat daw, at least kalahati, dapat daw ako ang magbayad.

"Sabi ko, ‘Teka, e, di ba ikaw nga nag-decide na mag-rent kami ng mga bata? Why do I have to share?’

“Sabi naman nung judge, ‘Ok lang, bayaran mo na, Buboy, rent lang naman ‘yan.

“Yung rent, binabayaran niya, nakaka-two months na.

"Yung tuition ng mga bata, bayad na niya hanggang matapos, and driver ng mga bata, yun lang.”

Ang pang-araw-araw na gastusin at iba pang incidental expenses ay sagot na raw ni Sunshine.



P25-MILLION HOUSE. Matatandaan na umalma ang kampo ni Cesar dahil diumano sa ipinabibiling magarbong bahay ni Sunshine at iba pang “financial demands” nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang katotohanan, ayon kay Sunshine, si Cesar ang mismong nag-alok na bilhan siya ng bagong bahay na nagkakahalaga ng P25 million.

Sa katunayan, may kopya raw ang aktres ng mga larawan ng bahay na gusto sanang bilhin ni Cesar para sa kanya noon.

Aniya, “Meron siyang sinabi about the house. Nakakatawa nga, kasi before, nanliligaw-ligaw pa si Buboy, e.

“He was really trying. Pine-pursue niya pa ako.

"Sabi niya, ‘O, sige, humanap ka ng bahay.’ Siya raw ang bahala. Tutulungan niya raw ako.”

Sa kabila nito, nag-offer daw si Sunshine na unti-unti niyang babayaran si Cesar kaysa mangutang siya ng pera sa banko para pambili ng bahay.

Patuloy na kuwento ni Sunshine, “Ang sabi ko naman, ’Kahit mag-loan na lang ako sa ’yo. I’ll pay you monthly.’

"Hindi kasi ako makapag-loan sa banko kasi I need a three-year contract to a certain station. Wala naman akong kontrata.

“Ako naman si tanga-tanga, hanap nang hanap ng bahay. Tapos ina-update ko sila na, ‘Meron akong nakitang bahay.’

“Siya naman, meron siyang gustong bilhing bahay sa amin. May picture pa ako, may e-mail, worth P25 million.

"Sabi ko, ‘It’s too big. That’s too much for us. We just need a simple house na maganda para sa mga bata, at safe.’

“So, tingin-tingin ako sa Filinvest. May nakita akong worth ten million. May nakita akong worth 13 million.

"So, nire-report ko sa kanya at sa lawyer."

Hindi raw akalain ni Sunshine na ang alok ni Cesar na bilhan siya ng bahay ay gagamitin ng abugado nito laban sa kanya.

“Ginamit ng lawyer. Sinabi na nagpapabili raw ako at hindi ibinigay ni Buboy kaya raw ako nagagalit.

"Sabi ko, ‘Oh my god! That’s not true!’” mariing tanggi ni Sunshine.



MOVING TO PARAÑAQUE. Sa ngayon, aminado si Sunshine na hindi pa sapat ang kanyang kinikita para makabili ng bagong bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thirteen years na wala akong trabaho!” natatawang sabi ng aktres nang usisain tungkol sa pagrerenta niya ng townhouse sa Quezon City.

Ayon kay Sunshine, balak niyang lumipat sa dati niyang bahay sa Parañaque, na kasalukuyang tinitirhan ng kanyang ina.

“Meron pang isang bahay si Mama. So, next year, I’m planning to transfer to that house habang nag-iipon muna, kasi in-offer naman sa akin ng mom ko.

"Kasi pag natapos kami dito by February, saan ako, saan yung mga bata? So, napagdesisyunan ko na dun na lang.

“Grade 6 na rin yung anak ko, magha-high school na.

"So, ang plan ko, ilipat na sila sa La Salle [Zobel] sa Alabang. Konting sacrifice.

"Pero talaga namang nung single ako, taga-South ako.”



NO COMMUNICATION. Nang tanungin si Sunshine kung may pag-asa bang magkabalikan sila ni Cesar, sinabi ng aktres na tinuldukan na niya ang lahat sa kanilang mag-asawa.

“I’m closing the door para sa pagbabalikan,” sabi niya.

“I’ve said my piece sa The Buzz. I don’t really want to discuss it further. Tama na yun.

"As much as possible, tapos na. Nasabi ko na yung gusto kong sabihin. Nasabi ko na rin gusto kong sabihin.

"So, ngayon, ang iniisip na lang namin, kung ano makakabuti sa mga bata.”

Hindi ba siya nanghihinayang sa pinagsamahan nila sa loob ng 13 years?

Sagot ni Sunshine, “Mas panghihinayangan naman natin kung pareho kaming hindi magiging masaya sa buhay.

“Part ‘yan ng moving on. Kung kinakailangan gumastos, e, di pagtrabahuhan.”

Inamin din ni Sunshine na hindi pa sila nag-uusap ni Cesar mula nang sampahan niya ito ng kasong paglabag sa R.A. 9262 at Permanent Protection Order, noong August 13.

Nauna nang na-dismiss ang petition niya for Temporary Restraining Order laban kay Cesar noong July 26.

Nagsampa rin si Sunshine sa korte ng Petition for Child Custody, matapos ipagkait umano ni Cesar na pauwiin sa kanya ang kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa ginanap na court hearing sa Quezon City Regional Trial Court noong August 15, nagkasundo ang magkabilang kampo sa shared custody ng tatlo nilang anak na sina Angelina Isabelle, 11, Samantha Angelene, 8, at Angel Franchesca, 7.

May pag-asa bang maging magkaibigan man lang sila ni Cesar?

Tugon ni Sunshine, “In God’s time, why not? May tatlo kaming anak.

"Pero for now, to be honest with everyone, wala kaming communication.

“For now, parang ang hirap gawin.

"Though, gusto ko talagang baliin yung pananaw na yun na pag naghiwalay kayong mag-asawa...

"Kasi, sabi nila, pag naghiwalay, magiging masalimuot bago kayo maging magkaibigan—I didn’t want to believe that.

“Ang gusto ko sana, maging magkaibigan kami agad-agad. And I really tried. God knows I tried.

“But it was really hard talaga.”

Nakatakda muling magkita ang estranged couple sa korte sa October 11 para sa pagpapatuloy ng pagdinig ng mga kasong isinampa ni Sunshine laban kay Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN