Marian Rivera embraces her "pang-masa" appeal: "Ang masa ang nagluklok sa akin para maging Marian Rivera ako."

Tungkol sa usapang pag-ibig, ayon kay Marian Rivera, “Palaging sinasabi ‘love, trust, and respect…’ Oo, naniniwala ako dun, pero mas naniniwala ako, kung totoong mahal mo ang isang tao, lahat kasi posible.”


Tanggap ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang opinyon ng ilan na mas patok siya sa CD crowd. Sa madaling-salita, pang-masa ang appeal niya.

Sabi niya tungkol dito, “Ay, walang masama sa pagiging masa, dahil ang masa ang nagluklok sa akin para maging Marian Rivera ako.”

Dagdag niya, “Iyon ang hirap sa iba, masyado yung discrimination, e.

“Porke’t masa, ganito ang tingin nila. Porke’t sosyal, ganito.

“Hindi dapat ganun. Dapat mismo tayong mga Pilipino, pantay-pantay.

“Tao naman tayo lahat, e. Depende lang sa the way magsalita, manamit. Hindi ba?”

Masasabi ba ni Marian na siya ang “champion of the masses” ngayon?

“Well, ikaw ang sumagot niyan!” pagbabalik niya sa tanong.



INSTAGRAM ACCOUNT. Mula nang magkaroon ng Instagram account si Marian, @therealmarian, naging aktibo na ito sa pagpu-post ng mga larawan at mensahe.

Pero hanggang saan ang kaya niyang ibahagi sa publiko pagdating sa personal na buhay?

Sabi ni Marian, “Masyadong personal sa akin yung Instagram ko, e.

“Kung mapapansin ninyo, yung mga pictures ko, nung bata ako, kasama ko si Papa at si Mama, ang pinakamamahal kong lola.

“So, gusto kong i-share ’yan sa mga tao, kasi parang iyon na lang yung maibibigay ko sa kanila na pasasalamat sa pagmamahal nila sa akin.

“At wala namang dahilan na… hindi ko ipo-post yun nang hindi ko ipinagmamalaki at ipinagyayabang, na mahal na mahal ko itong mga tao na ito.”



LONG RELATIONSHIP. Ilang taon na ang itinatakbo ng relasyon ni Marian sa kanyang kasintahang si Dingdong Dantes.

Ano ang payo o tip na maibibigay niya sa mga artista para magtagal ang kani-kanilang mga relasyon?

Sabi ni Marian, “Ang pag-a-advise sa relationship, siguro wala akong karapatang mag-advise sa relationship dahil wala namang perfect na tao, e.

“Depende sa personality ng tao, kung ano’ng klaseng partner meron sila.

“Siguro nagkataon na swak kami ni Dong sa lahat ng bagay, at nagko-complement kami sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palaging sinasabi ‘love, trust, and respect…’ Oo, naniniwala ako dun, pero mas naniniwala ako, kung totoong mahal mo ang isang tao, lahat kasi posible.”



JUDGING OTHER CELEBRITIES. Kamakailan ay naging judge si Marian sa musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Ano ang pakiramdam na dyina-judge niya ang performance ng mga kapwa niya artista?

Sagot ng 29-year-old actress, “Kapag nandun ka pala at nakaupo ka, lahat makikita mo, e. Kasi naka-focus ka, e.

“At sa TV kasi, medyo madaya, kasi pag ikaw ang kakanta, sa iyo naka-focus.

“Pero hindi nakikita ng mga tao sa TV yung mga nangyayari kapag wala yung kamera sa tao.

“So, lahat nakikita mo.

“At siyempre, mahirap mag-judge, kasi halos lahat ng taga-SAS ay kaibigan ko.

“So, yung safe lang na sagot na hindi masasaktan, pero totoo.”

Ano naman ang pakiramdam ni Marian kapag tinitingnan o kini-criticize ng kapwa niya artista ang kanyang pag-arte?

Sagot niya, “Siguro, kini-criticize ka in a good way, kasi magiging mas mabuti iyon para sa iyo.

“Para at least ma-improve mo yung sarili mo kung ano yung mali mo.”



TALK SHOW HOST. Noong nagpu-promote si Marian ng pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas na Kung Fu Divas ay nag-guest sila sa morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Kris TV.

Dito ay nakitaan ng husay sa paghu-host si Marian.

Isa ba sa gusto niyang gawin sa GMA ang mag-host ng sariling talk show?

“Wit na, wit na!” bulalas niya.

Natatawang dagdag pa ni Marian, “Sa daldal kong ito, magho-host ako, tapos na yung gap, hindi pa ako tapos magsalita!

“Hindi na muna. Siguro, mas focused ako sa soap opera and sa sitcom.

“Siguro, darating ang araw. Kapag nagkaedad na ako, baka naman magkaroon ako ng ganyang talk show.

“Pero hindi sa pagkakataong ito.”

May napabalita dati na gagawin siyang isa sa mga co-host ng Eat Bulaga!. Ano ang nangyari dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa ako ready! Sinabi ko kay Tatay, hindi pa ako ready,” pagtukoy ni Marian kay Tony Tuviera, aka Mr. T, na isa sa mga nangangalaga ng career niya ngayon at isa sa mga nagmamay-ari ng TAPE, ang prodyuser ng Eat Bulaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN