Jericho Rosales dead-set on marrying Kim Jones next year: “Bago ako pumasok sa bagong kabanata na yun, game na ako.”

Jericho Rosales on girlfriend Kim Jones: “Ako lang palagi yung nasa harap ng camera. But in fact, in real life, she’s the star. She’s a wonderful person. She’s very talented pagdating sa lahat ng gusto niyang gawin.”


Wala na raw atrasan ang planong pagpapakasal ni Jericho Rosales sa girlfriend niyang si Kim Jones sa susunod na taon.

“Bago ako pumasok sa bagong kabanata na yun, game na ako,” sabi ng 34-year-old actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa sarili niya, alam daw ni Jericho na handa na siyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Paano nalaman ni Jericho na si Kim na nga ang babae para sa kanya, sa lahat ng mga babaeng dumaan sa buhay niya?

“Oo nga, siguro isa na rin yun—sa dami ng babaeng nagdaan!” natawang sabi ng aktor.

“Hindi naman… siguro, sa dami kong ano, na-practice ko na rin.

“Well, huwag na lang nating pag-usapan ang exes.

“Pero, siya talaga yung taong nararamdaman ko na kapag up ako, nandiyan siya. Kapag down ako, nandiyan siya.

“Kapag nasa gitna ako at alanganin ako, nandiyan siya, and she’s solid.

“She’s a solid person.

“It’s not all about me.

“Ako lang palagi yung nasa harap ng camera. But in fact, in real life, she’s the star.

“She’s a wonderful person. She’s very talented pagdating sa lahat ng gusto niyang gawin.”

Ano ang mga katangian ni Kim na talagang nagustuhan o minahal niya?

“She’s fun-loving. Not many people know na talagang may pagka-kulokoy rin si Kim.

“At saka, ang pinaka-gusto ko o endearing for me, malapit siya sa tao.

“Siya yung unang punta niya rito, ang na-witness niya, yung mga batang kumakain ng pagpag.”

Ang tinutukoy ni Jericho ay ang mga batang kumukuha ng tirang pagkain mula sa fastfood chains.

“So, sumasama siya sa mga ganoong advocacy.

“And then, sa mga tao, palagi siyang naka-smile.

“And for me, nababansagang pulitiko kapag naglalakad. Bati nang bati sa mga tao.

“She’s very patient.”

Pang-politician’s wife pala si Kim?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun, pero hindi ako magpu-pulitika,” paglilinaw agad ni Jericho.



WEDDING IN 2014. Anong quarter kaya ng 2014 ang petsa ng kasal nila?

“Basta, gusto ko sana bago bumuhos ang ulan,” sagot ni Jericho.

Gusto niya ba ay maraming bisita o kakaunti lamang?

“Kung ako ang tatanungin, at kung ako ay isang hari, gusto ko itong buksan sa buong kaharian.

"Dahil walang dapat itago dun—para sa akin, ha. Gusto ko lahat ng tao, makita.

“But we’ll see. Tinitingnan namin kung ano ang mga possibilities. Kung ano ang okay, di ba?”

Kung desidido na silang magpakasal sa 2014, ang pagkakaroon naman ng anak ay hindi raw muna nila pinagpaplanuhan.

Ayon pa kay Jericho, “So far, ang puwede pa lang naming i-announce ngayon ay beach wedding.”



CARMEN AND HEART. Sa premiere ng pelikula ni Jericho na Alagwa kagabi, October 7, sa SM Megamall, dumating ang dating na-link sa kanyang si Carmen Soo.

Kasama rin sa cast ang Malaysian actress kaya um-attend ito ng premiere ng kanilang pelikula.

Dahil sa pagdating ni Carmen, tinanong si Jericho kung hindi ba nagselos ang kanyang fiancée na si Kim.

Sagot ng Kapamilya actor, “Hindi, hindi… si Kim, hindi selosa.”

Alam na ba ni Carmen na ikakasal na siya?

“Oh, yeah! She actually congratulated me and she messaged me and said, ‘Congratulations, Echo.’

“She’s happy for me because we’re friends.”

Ang ex-girlfriend naman ni Jericho na si Heart Evangelista ay masaya rin daw sa nalalapit na pagpapakasal ng aktor kay Kim.

Nakangiting sabi ni Jericho, “Thank you very much, Heart.

“That’s very nice of her para sabihin na congratulation.

“I mean, I have no way to say hi and hello, but thank you. Thank you for that greeting.”

Nang i-announce ni Jericho na engaged na sila ni Kim ay marami raw mga babaeng tagahanga ng aktor ang nalungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi ko alam kasi, for me, nothing will change.

“I’ll still be friendly. I’ll still do the same thing na kailangan kong gawin.

“But, I guess, at some point, kailangan din makasal ang isang lalaki, di ba?”



NEW TELESERYE. Samantala, may bagong teleseryeng gagawin si Jericho sa Kapamilya network.

Makakasama niya rito, sa unang pagkakataon, sina Angel Locsin at Maja Salvador. Ganun din ang bagong Kapamilya na si JC de Vera.

Ito ang seryeng unang napabalita na si Paulo Avelino dapat ang gaganap, pero tinanggihan nito.

Ayaw nang sagutin ni Jericho kung sino sa kanila ni Paulo ang nasa original cast sa teleserye.

Aniya, “Alam niyo, ganito lang ‘yan, e. The way I look at it, hindi importante kung sino ang pinalitan mo. Kung may pinalitan ka ba o ikaw ang ipinalit or something.

“If it fits for you, it fits for you."

Dagdag niya, “It happened to me so many times.

“Before, I was supposed to do Dekada ‘70. I was supposed to do Piolo’s role. I didn’t do it. I did Pangako Sa ‘Yo.

“But look what happened to Piolo, he won Best Actor, di ba?

Pangako Sa ‘Yo naman went to different countries.

“So, it’s really the timing and the producer’s vision.

“And God’s controlling the situation na, ‘Okay, I have plans for this project, let’s put in this guy.’ Parang ganun.

“So, ako ngayon, hindi ko alam ang history niyan.

“Noong sinabi sa akin na, ‘Echo, I want you to do this role.’ ‘Let’s do it. It’s about time.’

“I was asking for a project with Angel, and then, idinagdag pa si Maja.

“It’s a great ano… kumbaga, idinagdag sa wish ko.”

KRISTINE HERMOSA. Nabanggit na rin lang ni Jericho ang Pangako Sa ‘Yo, ang kapareha niya ritong si Kristine Hermosa ay balitang gusto nang magbalik sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mabibigyan ng pagkakataon na gumawa muli ng teleserye kasama si Kristine o si Heart, kanino siya mas excited makatrabaho?

“Ganun?!” natatawang sagot niya.

“Ang hirap naman… I can’t say. Depende sa project.

"Puwede kong sabihin kung sino ang gusto ko, but I’d rather zip it na lang.

“I don’t want to cause anything…

“Pero, siyempre, our fans, Kristine and I, di ba, they’ve always been there to support me?

“Siyempre, kung pag-uusapan natin ang mga fans namin, siyempre, gusto kong pagbigyan ang mga fans namin ni Kristine.

“They’ve been there to support me. Always, nandiyan sila.

“So, I wanna give back to them. Parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN