FIRST READ ON PEP Robi Domingo’s car robbed in Tomas Morato area

Robi Domingo’s car was robbed while he was at a party.


Kagabi, October 8, nanakawan ang sasakyan ni Robi Domingo na Toyota Fortuner, habang nakaparada ito malapit sa 55 Events Place sa Tomas Morato.

Binasag ang salamin sa right side ng passenger seat ng sasakyan niyang may plate number ROB 127.

Nakuha ang kanyang backpack na may lamang iPad, cell phone, cash, at iba pang gamit.

Hindi raw kinuha ang mga damit na nasa likuran ng sasakyan.

Bandang alas siyete ng gabi dumating si Robi sa birthday party ng Star Magic handler niyang si Luz Bagalacsa.

Bandang 11:30 p.m. na natuklasan ang nangyari sa sasakyan na naka-park nang medyo malayu-layo sa venue.

Nalungkot ang TV host dahil nasa bag daw ang kanyang mga importanteng dokumento, kabilang na ang kanyang schedule.

Nai-report na sa pulisya ang naturang insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN