Sunshine Cruz wants marriage to Cesar Montano annulled: “Mas maganda nga na siya ang mag-file para hindi na ako gagastos!”

The ending of her marriage to Cesar Montano may have burned Sunshine Cruz, but it does not mean she has no spark left for a serious relationship in the future. She said: "I don’t want to grow old alone. It’s lonely, it’s sad. Ayoko and, I think, sa sarili ko, hindi naman po sa pagmalalaki o pagmamayabang, I think, I deserve to be loved and respected.”


Mabilis na ang mga sagot ni Sunshine Cruz kapag tinatanong kung desidido na talaga siyang makipaghiwalay sa asawang si Cesar Montano.

Pero, inaayos na rin ba nila ang legalidad ng kanilang paghihiwalay?

“Meron na akong plano. And I’m sure, he knows na may plano.

"Pero, hindi ko pa puwedeng i-discuss,” sabi ng 36-year-old actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media sa press conference niya bilang endorser ng Ever Bilena, kahapon, October 8.

Gusto niya na talagang ma-annul ang kasal nila ni Cesar?

Sagot ni Sunshine, “Yes, we have to move on. And I wish him happiness na hindi ko naibigay. Kailangan siyempre maging maligaya siya.”

Pakiramdam ba ni Sunshine ay hindi niya naibigay ang “happiness” na yun kay Cesar sa loob ng labintatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa?

“Sa tingin n’yo?” balik-tanong niya.

Pero yung annulment, siya ba ang dapat mag-file?

“Mas maganda nga na siya ang mag-file para hindi na ako gagastos!” natawang sabi ni Sunshine.

Hindi ba nila napag-usapan ni Cesar kung sino ang dapat mag-file ng annulment?

“Hindi kami nag-uusap, e. Pero sana, eventually for our kids’ sake, mag-usap kami. Pero ngayon, hindi na muna.”

Mula raw nang magkaroon sila ng kaso laban sa isa’t isa ay hindi na sila nag-uusap ni Cesar.

Ayon kay Sunshine, “Siyempre, tama rin naman yun. Kung mamaya, sa pag-uusap namin, mapasama lang.

"Mas maganda rin na, sa ngayon, yung proseso, doon muna sa mga lawyers namin."

CUSTODY BATTLE. Umabot na rin sa pagsasangguni sa korte ang kustodiya ng tatlong anak na babae nina Sunshine at Cesar, matapos magdesisyon ang aktres na hiwalayan na ang asawang aktor.

"Sa totoo lang, I had to do what I had to do.

"Kasi, nami-miss ko na yung mga anak ko. Magti-three weeks halos na hindi ipinakita sa akin. Kaya lang ako napilitang gumawa ng ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung maaari nga lang na ayusin nang tahimik. E, alam niyo naman ako, hangga’t maaari, gusto ko, tahimik na lang nga sana.”

Ang tinutukoy ni Sunshine ay ang desisyon niyang ilapit sa korte ang paghingi ng kustodiya ng mga anak nila ni Cesar.

Lagot daw sila kay Judge Jose Bautista Jr. ng Quezon City Regional Trial Court kapag hindi sila sumunod sa arrangement nila sa mga bata.

Ngunit paglilinaw ni Sunshine, “Hindi ko naman ipagkakait at wala naman akong balak ipagkait sa kanya ang mga bata."



REALIZATIONS. Kapag nakikita ni Sunshine ang sarili ngayon, pagkatapos niyang magdesisyong hiwalayan si Cesar, ano ang mga naging realization niya?

“Unang-una, yung pagmamahal, hindi ko naman pinagsisihan na nagmahal ako nang sobra-sobra.

"Masarap kayang magmahal. Masarap ma-in love. Masarap yung nagseselos-selos ka paminsan-minsan.

"’Yan ang isang bagay na na-realize ko, na it’s good to love.

“At kung anuman yung mga pagsubok na ibinibigay sa atin, kakayanin natin ‘yan. Kasi, wala namang ibinibigay ang Diyos na trials na hindi natin kinakaya.

“Like me, I was thinking before na hindi ko kakayanin.

"Parang mamamatay ako... first love, e. Parang ikakamatay ko kapag nawala sa akin ‘tong lalaking ‘to.

"Pero, na-realize ko, wala talagang pagsubok na ibibigay na hindi natin kakayanin.”

Alam naman daw ni Sunshine na kahit masakit pa rin, kailangan niyang matutong magpatawad sa mga nangyari.

Sabi niya, “Bilang Kristiyano, kailangan marunong tayong magpatawad, e.

"Nandoon pa rin yung pain. Siyempre, masakit.

"Kasi, parang hindi na matapos. Parang kapag may sinabi akong ganito na isang beses lang akong magsalita, lalaban.

“Parang dug-dug-dug… parang sunud-sunod.

“Basta ako, I’m praying for it na, totally, 110 percent, mag-heal at mapatawad ko siya.”

Paano kung hilingin ng mga anak nila na magkabalikan sila ni Cesar?

Sagot ni Sunshine, “Ay, hindi ganun ang dialogue ng mga anak ko, hindi. Naiintindihan nila and they wish me happiness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi nga nila sa akin na I deserve to be happy and respected.

"That sooner or later, sana raw, makahanap daw ako ng someone who will love and respect me, at mamahalin din daw sila.”

FINDING NEW LOVE. Nakahanda na rin ba si Sunshine na magkaroon ng bagong relasyon o boyfriend?

“Hindi pa,” mabilis niyang tugon.

“Mag-iipon pa tayo, e. Kasi, ang buhay, dapat alam mo ang prayoridad mo.

"Ako, alam ko ang prayoridad ko dahil ngayon lang tayo nabibigyan ng proyekto ulit.

"Mga anak ko, ililipat ko kasi sila ng eskuwelahan. Lilipat ako ng bahay next year, so doon muna ako naka-focus.

“Yung lovelife, ano, e, darating naman ‘yan sa tamang panahon.

"Kapag ibinigay sa ‘yo, ibinigay. Kapag hindi, okay lang.

"Wala namang problema. Darating ‘yan kung ibibigay ng Diyos sa atin.

"Kung hindi, okay lang. I have my three beautiful children who love me unconditionally.

“Doon tayo naka-focus talaga.”

Hindi naman niya nakikita ang sarili na tumanda nang single?

“I don’t want to grow old alone. It’s lonely, it’s sad," sabi ni Sunshine.

"Ayoko and, I think, sa sarili ko, hindi naman po sa pagmalalaki o pagmamayabang, I think, I deserve to be loved and respected.

"And I want to feel it, bago man lang ako mawala sa mundong ‘to.”

Pero may mga nanliligaw o umaaligid na ba sa kanya?

“Wala talaga,” giit niya.

“At saka, siyempre, natatakot din sila. Unang-una, maton ang ex ko, e. Pangalawa, I have three kids.

"It’s not easy to love someone who has three kids. Ano yun, package deal agad? Para kayong train.

"So, hindi ko muna iniisip and wala munang lalaking iniisip.”

OPPORTUNITIES. Nang makipaghiwalay si Sunshine kay Cesar, doon naman dumating sa kanya ang napakaraming oportunidad.

Hindi pa man nagtatapos ang Dugong Buhay, na una niyang naging teleserye sa ABS-CBN sa pagbabalik niya, isinama siya sa cast sa ipinalit ditong programa, ang Galema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa rito ang endorsements niya, tulad ng pagkuha sa kanyang muli ng Ever Bilena pagkatapos ng labinlimang taon.

Ano ang pakiramdam ni Sunshine sa mga oportunidad na dumarating sa kanya?

“I think, it’s a sign for me to really move forward.

"Before, I’m having a hard time moving on kasi, ang feeling ko, wala naman akong career. Wala akong tatakbuhan. Wala akong trabaho.

“So, nandoon ang fear mo.

“I don’t think I can still go back to showbiz because I feel old and I feel I’m already ugly. Ang dami nang magaganda riyan, magagaling.

"So, nandoon yung wala akong confidence.

"And sa awa ng Diyos, ibinigay sa akin ng Diyos, inaayos ng Diyos ang buhay ko talaga.

“From the projects, from my kids, and from my friends I’m knowing right now, and for people trusting me, I couldn’t ask for more.

"Parang napakalungkot ko namang tao at napakasama ko namang tao kung ang iisipin ko ay yung mga pangit na dumating at dumarating sa akin.

“So ngayon, naka-focus ako sa positive at natutuwa ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.

"Na despite sa maraming pagsubok na dumarating sa atin, marami pa rin ang nagtitiwala at nagmamahal sa atin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN