Lorna Tolentino: “Forever na talagang gusto kong maging single na lang. Oo, nagsasalita ako nang patapos—yes!”

Ngayong pinasok na rin ng dalawang anak ni Lorna Tolentino na sina Rap at Renz Fernandez ang showbiz, nais ng aktres na magtagumpay ang mga ito. Sabi ni Lorna, "Gusto kong maging successful sila. Kasi, successful ang tatay nila! Dahil ang puso nila, nandito na sa industry, nandito na sa business na ‘to."


“Wala na niyan, Dyusko naman!”

Ito ang natatawang tugon ng aktres na si Lorna Tolentino sa tanong kung ayaw na ba niya talagang magka-lovelife o magkaroon ulit ng partner in life.

Limang taon na kasi ang nakalilipas mula nang pumanaw ang asawa niyang si Rudy Fernandez noong 2008.

“Forever na talagang gusto kong maging single na lang. Oo, nagsasalita ako nang patapos—yes!” deklara pa ni Lorna.

Bakit ayaw na niyang umibig muli?

“Unang-una, matanda na ako! Matanda na ako. Sorry!” sabay ngiti ng 51-year-old actress.

“Pangalawa, yung mga anak ko, siguro doon ko na lang siguro sa kanila ibubuhos ang atensiyon, panahon, at pagmamahal ko.

“Pangatlo, may apo na ako."

Dalawa ang anak na lalaki ni Lorna—sina Rafael at Renz na pareho na ring nag-aartista ngayon.

May isa naman nang apong babae ang aktres sa kanyang panganay na anak na si Rafael o Rap.

Patuloy ni Lorna, “So, mas okey pa sa akin at mas nakakapagbigay pa sa akin ng challenge at energy yung apo ko, na makakarga ko, maipapasyal ko.

“Iyon ang mas nagbibigay sa akin ng motivation to really be fit and healthy, dahil gusto ko siyang abutan nang hanggang sa lumaki siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Lorna Tolentino sa grand launch ng bagong primetime series ng GMA-7, ang Genesis, kagabi, October 8, sa Sequoia Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City.



NEW LOOK. Nakakapanibago man ang maikling hairstyle ngayon ni Lorna, marami naman ang nagsasabing bagay ito sa kanya.

“My hair, it started with Burgos,” pagtukoy ni Lorna sa indie film na ginawa niya recently.

“Kasi true-to-life story yun. And si Mrs. Editha Burgos, maikli talaga yung hair niya. So, doon nag-start.

“And then, after noon, dumating itong offer na ito na role ko sa Genesis."

Gumaganap si Lorna bilang Presidente ng Pilipinas sa Genesis, kung saan tampok si Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Which is bagay naman, kasi wala namang presidenteng mahaba ang buhok.

“Sa dalawang babaeng naging presidente natin, parehong maikli ang buhok nila.”

Ang tinutukoy ni Lorna ay sina dating Pangulong Cory Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.



BIG BREAKS. Ang bunsong anak ni Lorna na si Renz Fernandez ay Kapuso na rin ngayon.

Maganda ang nakukuhang feedback sa pagiging ka-love triangle nito kina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Maraming salamat naman at nagkaroon na siya ng magandang break na bagay sa kanya!” natutuwang reaksiyon ni Lorna.

“Maraming salamat sa GMA.

"Actually, siguradong nakangiti si Daboy [Rudy Fernandez]. Dahil talagang binigyan nila ng chance si Rafael at saka si Renz.

“Si Rafael din, under GMA. Pipirma pa lang sila pareho ng kontrata, nauna lang si Renz.

“Pero lumabas na si Rafael with Mark Anthony," pagtukoy ni Lorna sa kanyang stepson na si Mark Anthony Fernandez, anak ni Rudy kay Alma Moreno.

Nagkasama sina Mark, Rap, at Renz sa “Lubog Sa Putik” episode ng Magpakailanman.



MOM’S INFLUENCE. Ano ang advantage ng kanyang mga anak sa pagpasok ng mga ito sa showbiz?

Sabi ni Lorna, “Kasi yung mga bata, talagang on their own, nagwo-workshop sila, e.

“Uma-attend sila sa lahat ng mga workshops, like yung kay Laurice Guillen.

“Talagang gusto nilang matuto. Nagbabasa sila ng libro, pinag-aaralan nila.

“Minsan, kapag nagkakausap kami, minsan may frustration sila sa eksenang ginawa nila na parang nakulangan sila.

“Sinasabi ko naman, ‘Hindi, huwag mong isipin na ganoon. Kasi may mga eksena naman na hindi mo kailangang umiyak.

“’May mga eksenang yung tao ang iiyak para sa ‘yo, e. Pero ikaw, hindi mo kailangang umiyak.’

“Kasi nga, mas mahirap for them. It’s a guy thing, I think. Na hindi ka naman dapat iyak nang iyak all the time.

“Si Renz, kawawa nga yun. Prinsipe na nga ng umaga ang tawag ko sa kanya!” sabay tawa ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Lorna, “E, 6 a.m. to 6 a.m. kung magtrabaho. Sabi ko naman, ‘Ganoon talaga, mga bata pa kayo, kaya ninyo ‘yan.’

“Maski ako noong bata ako, ganoon din kami. Pero ngayong may edad na ako, may cut-off na.

“Kapag location, 12 midnight. Kapag Metro Manila, 2 a.m.

“Kaya nga ayoko munang tumanggap ngayon ng ibang projects, ito na lang munang Genesis.

“Wala na, hindi na kaya ng powers ko!

“Siyempre, may family time pa ako. Tapos, may farming time pa ako.”


May naipundar na farm si Lorna na dini-develop niya upang maging events place at pahingahan, kasama ang ilang matalik na kaibigan.



GUY THING. Noong mag-on pa sina Renz at Maxene Magalona, very vocal si Lorna sa pagsasabing boto siya sa actress-TV host.

Ngunit sa paghihiwalay humantong ang dating maganda namang takbo ng relasyon ng mga ito.

Noong brokenhearted na si Renz dahil sa breakup nila ni Maxene, lumapit ba ito sa kanya?

Sabi ni Lorna, “Hindi. Kasi siyempre, it’s a guy thing again! Oo, it’s a guy thing!

“Ang nakita ko lang sa kanya, mas lalo siyang nagpursigi na i-develop yung sarili niya.

“Like, nagra-running ‘yan. Sa isang araw na free siya, magra-running ‘yan, magba-boxing ‘yan, magwe-weights pa ‘yan.”

May nasabi si Renz sa isang interview na gusto nitong maging hunk. At game din daw siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash kapag na-achieve na ang body built na hangad niya.

“O, di ba?” natatawang reaksiyon naman ni Lorna, na nung kapanahunan niya ay kinilalang isa sa pinaka-sexy na aktres.

“Gusto kong maging successful sila [Ralph and Renz]. Kasi, successful ang tatay nila!

“Dahil ang puso nila, nandito na sa industry, nandito na sa business na ‘to.

“Siyempre, gusto ko ring makita ng marami yung development nila as an actor, unang-una.

“Na mas magtagal din sila dito,” pahayag ni Lorna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN