Paolo Bediones says Amy Perez resigned from TV5 without a heavy heart

Iginiit ni Paolo Bediones na walang malaking isyu sa pag-alis ni Amy Perez sa TV5. Sabi niya, “Ang maganda, noong nagpaalam siya na aalis na siya sa network, it’s all above board. Wala siyang itinago sa amin, wala siyang itinago sa boss. Basically, she just felt na it’s time for a new environment.”


Itinanggi ni Paolo Bediones na may kinalaman ang pag-alis ni Amy Perez sa TV5 sa pagre-reformat ng morning show na Good Morning Club at ng iba pang programa ng Kapatid network.

“No naman. The reformat is going to happen with or without Amy,” sabi ni Paolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“In fact, in the original concept, kasama si Amy sa mix, doon sa parang balitaktakan ng mga babae.

“But then, after the recent development and her decision to pursue other interests, it’s with a heavy heart, kaming lahat ay nagpaalam rin kay Tiyang [Amy]. Yun.

“Being the professional that she is, tatapusin niya yung stint niya with the Good Morning Club until October 11 [Friday].”



MISUNDERSTANDINGS. Lumikha ng ingay ang pag-alis ni Amy sa TV5.

May mga reklamo raw ang TV host sa istasyon at sa ilang mga nakasama niya sa programa.

Sabi ni Paolo tungkol dito, “Alam mo, I don’t wanna call it grievances. Kasi, parang ang nangyari, from my point of view, very simple lang ‘yan.

“There was an opportunity for Amy to really explore other avenues, e.

“And for her, I think with what she did and accomplished sa Face To Face, parang, I think, she feels like graduate na siya doon. And she wants to do probably something else.

“And, napatunayan naman niya na kaya niya yung ganoong format.

“So, parang ang kuwento niya sa amin, ‘Well, Pao, tapos na ako sa noontime show. Feeling ko, tapos na rin ako sa ganoong klaseng format, Face To Face, and I wanna try other things.’

“Unfortunately, yung format na yun was not present sa network and, I guess, she’s going to pursue it elsewhere.”



NO DEMANDS. Itinatanggi rin ni Paolo na may demands si Amy na hindi kayang ibigay ng Kapatid network.

Pagtatanggol nito sa kaibigan, “No, no, walang demands. Hindi naman ganoon si Amy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Amy is the type na kapag binigyan mo ng good project… Pag wala, she’ll wait.

“Ganoon ang attitude niya, ganoon ang pagkakilala namin sa kanya."

Patuloy pa ni Paolo, “Medyo sumama lang ang loob naming lahat dahil may mga konting negative press na lumabas.

“And we felt na it’s very unfair, kasi kilala namin si Amy, e.

"We know her as a person, we know her as a co-worker.

“You know, she’s always first on the set, she knows her lines, she knows her script.

“Ssiya ang dapat tularan na morning host, para sa amin.

“So, noong may konting negative publicity, na kesyo demanding, kesyo ganyan-ganito, masama ang loob… Wala.

“You know, ang maganda, noong nagpaalam siya, na aalis na siya sa network, it’s all above board.

“Wala siyang itinago sa amin, wala siyang itinago sa boss.

"Basically, she just felt na it’s time for a new environment.”

Mariing itinanggi ni Paolo na masama ang loob ni Amy sa TV5.

Aniya, “No talaga. If you watch nga kami sa morning, you’ll see how happy we are.

“And I know, until our very last day, she’ll be very, very happy to be with the Good Morning Club.

"And I know for a fact na mami-miss niya talaga.

“But, you know, she’s been exploring a lot of things.

"She’s taking up Culinary now. A cooking show would be perfect for her.

“Pero wala namang cooking show sa block namin, walang ganoong thrust ang network, if you see the lineup of shows.

“So, I think, that’s one of the things na elsewhere makikita niya yung ganoong opportunity.”



REPLACEMENT. Wala ba talagang kasamaang loob si Amy, gaya ng napabalitang nagkaroon daw ng tensiyon sa pagitan ng TV host at ng staff ng Face To Face?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Paolo, “I think, sa Face To Face, there’s a small understanding… ano ‘yan, sa panganganak.

“Galing siya sa panganganak niya. Siyempre, meron pang konting [post-partum] depression.

“And then, parang they wanted her to do four shows a day. Nakiusap siya na tatlo muna.

“And then, she felt na noong hindi niya pinagbigyan, sumama ang loob sa kanya.

“Pero siya naman, pumasok pa rin siya. You know, as a required of her.

“Pero when it came to a point, like si Gelli [de Belen], to cover for a while, noong pumalit sa kanya for a while, doon niya [Amy] nakita na, ‘A, okay, I can leave the show with Gelli kasi it’s in good hands na.’

“So, walang samaan ng loob. Kung meron man, I don’t think na malalim.

“Maaaring tampuhan, which always happens.

"Kami, nagkakatampuhan kami ng staff kapag minsan hindi kami nati-text for a particular segment.

“Nagmumukha kaming eng-eng pag hindi kami prepared sa segment.”

REFORMATTING. Binanggit din Paolo sa PEP ang mga pagbabagong magaganap sa morning show nilang Good Morning Club.

Kuwento niya, “Yung morning show, magri-reformat tayo.

“Imi-maintain yung title na Good Morning Club at magsisimula siya ng 6 a.m., at ang magho-host noon ay sina Erwin Tulfo at Martin Andanar.

“Yung show nila sa radio na Punto Asintado will be aired on TV.

“So, yung format na yun na balitaktakan sa TV, yun ang magiging segment nila, from 6 a.m. up to 7 a.m.

“Then, from 7 a.m., iyon naman yung parang baliktaktakan naman ng mga babae—may pagka-Kumare Club.

“Tuesday Vargas, Cheryl Cosim is there, and then may segment doon si Christine Bersola on mga negosyo tips.

“Si Twink Macaraeg is also part of the team, at si Grace Lee.

“So, ang pinakangarag diyan ay si Grace Lee dahil meron siyang… if I’m not mistaken, fifteen or so segment sa live show nina Erwin and Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, itutuloy niya yun with the show naman ng mga babae.”



LAST EPISODE. Ang last episode daw ng existing format ng Good Morning Club ay sa October 11.

Sa susunod na Lunes, October 14, dito na mapapanood ang reformatting ng morning program.

Nililinaw rin ni Paolo na hindi si Tuesday Vargas ang pumalit kay Amy sa show.

Paliwanag ng news anchor, “There was no replacement.

“Parang ang nangyari, they were looking at four to five girls and they have a lineup already.

“So, it would have been great if Amy was part of that lineup, e, kung isinama mo na siya doon.

“It was not na si Tuesday ’pinasok dahil may replacement—si Tuesday pinasok dahil matalino siyang komedyante.

“Kasi sa balitaktakan, may ibang anggulo naman. Kasi si Twink, medyo hardcore journalist. Si Cheryl, hardcore journalist, di ba?

“And then, Grace is very knowledgeable din siya, she speaks her mind.

“So, tamang-tama lang ang kumbinasyon sa pagpasok ni Tuesday sa show.”

CLARIFICATION. Nang pumasok si Paolo sa Kapatid network, sa pagkakaintindi ng press ay mayroon siyang managerial position dito.

Kaya nilinaw niya na sa kanyang trabaho ngayon sa TV5, wala siyang kaugnayan sa pagma-manage ng ibang shows.

“In as far as Good Morning Club is concerned, ang pinaka-focus ko is the news, e.

“When it comes to the content at kung sino ang iinterbyuhin, yun ang sakop ko.

“So, pag sa morning show, news lang. Pag sa mga features, merong ibang executive producer doon.

“I can suggest, I can give my criticisms to some of the segments, but I don’t have a hand in it.

"Doon sa news, meron.

“Same way sa News Pilipinas, at sa gabi, meron din."

Ibinalita rin ni Paolo na magkakaroon ng dalawang bagong shows ang TV5.

Aniya, “Sa two shows na gagawin ko na bago, yung Demolition Job at Astig, yung dalawang shows na yun, talagang very, very active ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Rescue 5, very active ako doon.

Face to Face is entertainment, wala akong ano doon.

“And the only show that I ever did for entertainment was Extreme Makeover Home Edition Philippines.

“Naka-focus ako ngayon talaga sa news ang public affairs.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN