Ritz Azul sees Derek Ramsay as boy-friend material, but insists there is nothing going on between them

Ritz Azul says, as a friend, she stood by Derek Ramsay during the actor’s breakup with Cristine Reyes.


Aminado ang Kapatid Princess at TV5 Talent Center artist na si Ritz Azul na kay Derek Ramsay niya naranasan ang ilang first experience niya sa showbiz.

Kay Derek niya raw kasi naranasan ang first on-screen kiss niya sa heroserye ng TV5, ang Kidlat.

Ngayon naman, higit pa sa kiss ang mayroon sila sa bagong weekly primetime drama series, ang For Love Or Money. Kay Derek din naranasan ni Ritz ang kanyang first bed scene, dahil gumaganap sila rito bilang mag-asawa.

Pero tila nailang si Ritz na panoorin ang bed scene nila sa isinagawang screening ng first episode ng For Love Or Money sa presscon ng show, na ginanap noong Oktubre 7, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Paliwanag ni Ritz dito, “Well, kapag pinapanood ko yung sarili ko, actually nahihiya talaga ako, lalo na yung sa scene na iyon, kasi first time ko iyon.

“First kiss and first bed scene ko kay Derek, so sobrang… ayun, hindi ako sanay.

“First kiss ko po siya sa Kidlat, tapos first bed scene po dito.”

Thankful nga si Ritz kay Derek at sa direktor nilang si Mac Alejandre dahil inalagaan daw siya ng mga ito sa naturang delicate scenes.

Gentleman at very supportive daw si Derek sa kanya.



SUPPORTING DEREK. Samantala, pagkatapos ng presscon ay inusisa ng PEP si Ritz kung nagulat ba siya nung nag-break si Derek at ang girlfriend nitong si Cristine Reyes.

Saad niya, “Actually, sa taping kasi, si AA [Cristine], pumupunta talaga, dumadalaw siya.

“Hindi ko naman nakikita na may problema sila kasi laging magkasama. Huli kong nakita si AA, siguro a week before sila nag-break.

“Parang nakikita ko sa mata ni Derek na matamlay siya and malungkot, parang may problema, hindi ko masabi kung ano.

“Pero siyempre, ayoko namang pasukin o makialam.”

Pero tinanong niya ba si Derek?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtanong ako sa kanya. Magkaibigan din naman kami. Ayun, nag-open siya kahit papaano.

“Thankful ako sa kanya kasi naging isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya kahit na short period of time na magkaibigan kami.”

So, inamin sa kanya ni Derek na break na sila ni Cristine?

“Nung time na iyon, hindi pa niya sinabi na naghiwalay sila. Ayoko na lang idetalye,” iwas ni Ritz.

Paano niya naman sinuportahan si Derek?

“Kasi, alam naman niya na hindi ako eksperyensado sa relationship, pero medyo may alam naman ako. Medyo nagsalita ako ng konti.

“Sabi ko, kung saan siya masaya, kung anong tingin niya na mas gugustuhin niya… hindi ko na madetalye.

“Basta, sinabi ko lang na nakasuporta ako sa kanya.”



BOYFRIEND-MATERIAL. Ngayong single na ulit si Derek, posible kayang mabaling sa kanya ang atensiyon ng aktor?

“Naku, hindi ko naman nakikitang posible yun, kasi sobrang magkaibigan kami,” sabi ni Ritz.

Sina Derek at Cristine din naman ay matagal naging magkaibigan bago nag-level up sa pagiging magkasintahan. So, hindi rin imposibleng mangyari ito sa kanila ni Derek?

“Tingnan natin. Hindi ko alam. Pero parang hindi naman possible!” natatawang sabi ng young actress.

Nakikita niya bang boyfriend-material si Derek?

Sagot ni Ritz, “Oo naman, kasi actually, parang siya yung peg ko sa magiging boyfriend ko.

“Yung gentleman, marespeto, matipuno, at saka guwapo, di ba?”

So, may pag-asa si Derek kung sakali?

“Naku, friends lang talaga,” diin ni Ritz.

Pinapayagan na ba siya ng mga magulang niya na magka-boyfriend, lalo na’t laging nakabantay sa kanya ang tatay niya?

“Yun ang gusto ko na laging nandiyan si Papa, kasi doon ko nate-test kung talagang gusto ako ng lalaki o hindi!” sabay tawa ni Ritz.

“At saka si Papa naman, open naman siya. Lalo na si Nanay, kasi lagi niya akong tinatanong kung may nanliligaw na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Nanay pa nga ang nagsasabi na, ‘Eto ang gusto kong lalaki…’

“Ako yung nagsasabi na, ‘Nay, wala pa sa isip ko iyan.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN