PEP EXCLUSIVE. Kim Jones on fiancé Jericho Rosales: "He is God’s greatest gift to me."

Ngayon pa lang ay excited na ang ina ni Kim Jones na makita siyang ikasal sa Kapamilya star na si Jericho Rosales. "My mom’s very vocal about how much she likes Echo. I think she likes him more than me. She’s been very supportive. How can you not love Echo? They get along really well," sabi ng Fil-British TV host/fashion blogger sa panayam ng PEP.


Magtatatlong taon nang naninirahan ang Filipino-British na si Kim Jones sa Pilipinas.

At sabi niya, hindi raw niya akalain na makakapangasawa siya ng isang Pinoy—sa katauhan ng aktor na si Jericho Rosales.

“I thought I was going back to Australia. And then I fell in love, so I stayed,” sabi ni Kim sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Noong August 4 ay nag-propose si Jericho kay Kim sa harap ng mga kasamahan nila sa New Life Christian Center sa Alabang.

(Read: Jericho Rosales proposes to girlfriend Kim Jones)

Ano ang pakiramdam ng maging future Mrs. Jericho Rosales?

Sabi ni Kim, “I feel extremely blessed.

"He’s a great man. He’s a loving man. He’s funny, everything.

"I really felt that he’s God’s greatest gift to me.

"What I love the most about him is his sense of humor.

"He’s a perfect end to a stressful day.”

WEDDING PREPARATIONS. Ngayon pa lang ay excited na si Kim sa preparasyon para sa kasal nila ni Jericho sa susunod na taon.

“I think I’m most excited about saying my vows. I’m already sort of starting to think about it.

"I’m gonna try to memorize it, so I can just say it to him on our wedding day.”

Bagamat ayaw muna nilang sabihin ang exact date ng kanilang kasal, sinabi ni Kim na, “I think it’ll happen mid next year. It’s definitely gonna be the beach.”

Maging si Jericho raw ay hands-on sa pagpaplano ng kanilang kasal.

Nakangiting saad ni Kim, “He’s very vocal about the wedding plans—from the invitations, colors, and everything.

"He wants to be involved in everything. I’m glad.”

Dagdag pa ni Kim, pati ang kanyang ina ay excited na ring makita siyang ikinakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sabi ng mommy niya noong nalaman nitong engaged na siya?

“My mom’s very vocal about how much she likes Echo. I think she likes him more than me.

“She’s been very supportive. How can you not love Echo? They get along really well.”



FUTURE PLANS. Ayon kay Kim, tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho kahit kasal na sila ni Jericho.

“We’ve always been asked that. I think people expect things to change.

“There are a lot of things that I still want to achieve in life.

"Echo and I just want to enjoy being newlyweds and being together all the time.”

Kailan nila balak magkaanak?

Sagot ni Kim, “I don’t want to put a time limit, but it’s really not in our plans at the moment.

"We have so much that we wanna achieve first before starting a family.”

SUPPORTIVE GIRLFRIEND. Sa ginanap na premiere night ng Alagwa noong October 7, todo ang suporta ni Kim sa fiancé.

Hindi man siya kasali sa cast ng pelikula, nasaksihan ni Kim ang pagod at puyat ng nobyo sa pagbuo ng pelikulang pinagbibidahan nito.

“I went to Busan with him for the 17th Busan International Film Festival last September.

"I was with him when he was filming in Hong Kong last year.

"I went to Sarawag in Malaysia for the filmfest there. I’ve been around a lot.

“I’m really proud. I’m just blown away by his performance and by the reaction of the people.

"It’s such a powerful movie,” buong-pagmamalaking sabi ni Kim.

Sabi nila, hindi madali ang makipagrelasyon sa isang artista, lalo pa’t kabuntot lagi nito ang intriga.

Pero nakakatuwang naging smooth-sailing ang relasyon nina Kim at Jericho.

Ani Kim ukol dito, “I’ll be honest. It’s not always easy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“His work is very demanding. But he makes it easier because he supports films that move people for the right reasons.

“When you have intentions like that, to make a difference through movies, how can you not back it?”

Sabi pa ni Kim, “give and take” ang relasyon nila ni Jericho.

Todo-suporta rin naman daw ang aktor sa napiling karera ni Kim.

Bukod sa paghu-host ng lifestyle show na ETCetera sa ETC channel, isa rin siyang model, fashion blogger, at sports enthusiast.

Sa katunayan, madalas ay si Jericho ang may kuha ng magagandang litrato ni Kim na naka-post sa kanyang fashion blog site.

Saad ni Kim, “We’re both like that. I think he supports me also. We compromise a lot.”

Hindi rin maitatanggi ang pagiging devoted girlfriend ni Kim kay Jericho.

Mapapansin sa mga post ng aktor sa Instagram at Twitter kung paano siya alagaan ni Kim.

Minsan ay ito pa mismo ang naghahanda ng susuutin ni Jericho sa mga espesyal na okasyon.

Sa kabila nito, isa sa mga bagay na nagustuhan ni Jericho ay ang pagiging independent ng nobya.

Paano nababalanse ni Kim ang oras niya para sa sarili at para kay Jericho?

Sagot ng Fil-British TV host, “I think it’s just having boundaries, really. Knowing when to hold back, knowing when to support.

“Just by being with him, I know what he wants to do, what he wants to achieve, what’s important to him.

“It’s important to do things that I love as well.

"Because when I have my time for myself, I can come back, and I am more beneficial to him.”

ONE OF THE BOYS. Ibinahagi rin ni Kim ang iba niyang interes kapag hindi siya busy sa trabaho.

“I love to work out. I love to be inspired. I love to read.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even to be just in front of my laptop the whole day and surf to death.

"I love to organize shoots for my blog and brainstorm.

"I pursue things that I am passionate about—sports, shopping online, and just hang out with friends.”

Kilalang avid surfer ang boyfriend ni Kim na si Jericho.

Madalas ay magkasama ang dalawa na nagse-surf sa La Union at iba pang beach resorts, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Matagal na ba niyang hobby ang surfing?

Ayon kay Kim, “No, Echo [palayaw ni Jericho] is my influence. He taught me.

"But soccer and other sports, I grew up playing in Australia."

Kuwento pa ni Kim, noong bata siya ay medyo boyish siya, lalo pa’t hilig niya ang iba’t ibang sports—tulad ng swimming, track and field, tennis, volleyball, at soccer.

“Yeah, even to a point now. I’m feminine, but sometimes I have masculine qualities.

“Sometimes Echo laughs at me because sometimes he thinks I’m being the man in the relationship.

“I think it’s a balance now. More so when I was younger, I was a bit of a tomboy!” natatawang sabi ni Kim.

Paano nangyaring ang isang fashionista na tulad niya ay magaling din sa sports?

“I grew up with my brother. My brother always drags me into playing sports with him.

“I think I’m very grateful for that influence in my life.”

Ipinanganak si Kim sa United Kingdom, pero lumaki siya sa Australia, kung saan nakabase hanggang ngayon ang kanyang pamilya.

Ang kanyang ama ay British, samantalang tubong-Davao naman ang kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN