Andi Eigenmann sees no need to rebuild relationship with Albie Casiño

Inamin ni Andi Eigenmann na patuloy pa naman ang komunikasyon nila ni Jake Ejercito, sa gitna ng usap-usapang nagkabalikan umano sila.


Halata kay Andi Eigenmann na masaya siya sa takbo ng kanyang career nang makausap siya sa ASAP 18 noong October 6, Sunday, na ginanap sa Marikina Sports Complex.

Nang kumustahin ang kanyang lovelife, paiwas ang tugon ng single mom.

“Happy po ako kasi nagko-concentrate po ako sa career ko, and I have my priorities right now.

“Yung focus ko po talaga is my career, and it’s for me and Ellie, most especially.

“Kaya para sa akin po, pag gusto mo yung ginagawa mo, wala namang mahirap.”

Si Ellie ay anak ni Andi.



ON ALBIE. Natanong din si Andi tungkol kay Albie Casiño, ang dating boyfriend niya at sinasabing ama ng anak ng aktres.

Ani Andi, nag-apologize na si Albie sa kanya noong nakaraang taon pa, at tinanggap naman niya ito.

Matatandaang naging masalimuot ang pag-iibigan ng dalawa, at umingay ito nang husto sa showbiz noong 2011.

Gayunpaman, tila naka-move on na si Andi sa isyung iyon.

“Para sa ‘kin po, nag-apologize siya, and tinanggap ko naman po ‘yon, and wala naman pong ibang nakakakilala sa kanya…

"Yung mga tao na nanood ng news at napanood kami sa news nung fresh pa yung issue, hindi naman po nila kilala si Albie the way I do.

"So, basta po na-accept ko na po yung apology niya."

Dugtong ng Viva Talent na nakikita sa ABS-CBN, “Pero para sa ‘kin, there’s no need to rebuild a relationship, kasi we both moved on with our own lives and we’re happy that way.”


ON JAKE. Kinumusta kay Andi si Jake Ejercito, na nagkaroon ng on-and-off relationship kay Andi.

Bumalik muli ang komunikasyon ng dalawa, at marami ang may hinalang nagkabalikan na sila.

Pagkumpirma ni Andi, may komunikasyon pa rin sila ni Jake at “okay naman” sila.

Sinabi ni Andi na nasa Singapore si Jake ngayon, at wala pang schedule kung kailan ang balik sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nasambit lang ni Andi ay happy siya ngayon.

Samantala, mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa afternoon teleserye ni Andi, ang Galema: Anak ni Zuma, na dahilan upang matuwa ang aktres.

“Sobrang saya ko po, and ang sarap-sarap ng pakiramdam na marami pa rin po talagang sumusuporta sa akin, sa amin po ni Matteo [Guidicelli].

“First time ko po talaga sa panghapon, so masarap po talaga sa pakiramdam na kahit na bago po ako sa timeslot ay nabigyan po ng buhay, and nagawa ko po ang job ko.

Hindi ba siya nanghihinayang na hindi ginawang primetime ang nasabing teleserye?

“Hindi po, kasi po nagtatrabaho lang naman po ako.

“Sinusunod ko lang po kung ano yung pinapagawa sa akin, and I’m not one to complain or to choose kung saan po ako nararapat.

“For me, what’s important is gagawin ko lang po yung best ko, and no matter what timeslot I’m given, it doesn’t matter as long as nakikita po ng mga tao yung pagod at hirap na binubuhos ko po sa ginagawa ko,” paliwanag ni Andi.

Masaya ring ibinalita ni Andi na magdadalawang taon na si Ellie ngayong darating na November.

Sinabi rin ng proud mommy na mabilis nang magsalita ang kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN