KC Concepcion confirms group date with NBA player Chandler Parsons

“Mabuhay! So much to see, so little time! Fun night with my ladiez & the big boys. @chandlerparsons,” stated KC Concepcion on her Instagram post earlier today, October 10.


Kinumpirma ni KC Concepcion na nakasama niya sa isang group date ang Houston Rockets player na si Chandler Parsons.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang isang photo collage, kung saan kasama niya ang NBA player.

Kasama rin ni KC ang dalawa niyang half-sisters na sina Garie Concepcion at Cloie Syquia-Skarne.

Kalakip ng photo collage ang caption na ito ni KC: “Mabuhay! So much to see, so little time! Fun night with my ladiez & the big boys. @chandlerparsons”

Sa isang report kahapon, October 9, nagsalita si Chandler tungkol sa napabalitang dinner date nila ng Kapamilya star.

Aniya, “I did. We had dinner last night.”

Ipinakilala raw sila sa isa’t isa ng isang common friend.

“We had a mutual friend that put us in contact and, hopefully, we can have some work together in the future.”

Sinabi rin ni Chandler na “I had a good time” pagkatapos nilang lumabas ni KC.

READ: Spin.ph: Rockets rising star Parsons confirms dinner date with actress KC Concepcion

Dalawang beses nagpalitan ng mensahe sina Chandler at KC via Twitter, noong September 2012 at May 2013.

Sa ngayon ay patuloy ang espekulasyon kung ano ang tunay na estado ng relasyon nina KC at Chandler, na nali-link din sa isang nagngangalang Robyn Crowley.

Narito sa bansa si Chandler para sa NBA pre-season game ng Houston Rockets versus Indiana Pacers, ngayong araw, October 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN