Miss World 2013 Megan Young excited to see loved ones in Olongapo, says she has not spoken to rumored bf Mikael Daez

Megan Young vows to give "one hundred percent effort" to her tasks as the reigning as Miss World.


Pasado alas kuwatro ngayong araw, October 10, nakabalik ng bansa si Miss World 2013 Megan Young.

Kasama niyang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang chairperson ng Miss World Organization na si Julia Morley.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga sumalubong sa kanya.

May ginawa pang isang maliit na stage sa arrival area, kung saan nakapagpasalamat si Megan.

Hindi kaagad-agad nakapagsalita ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng Miss World crown. Ito’y dahil daw sa kasiyahang nararamdaman kaugnay ng overwhelming support ng mga Pilipino sa kanya.

Nakangiti ito nang kapanayamin niya ang media, kabilang ang 24 Oras.

“Okay naman po ako,” masiglang bungad ni Megan na galing pa sa London, na siyang magiging residence niya during her reign.

“Medyo matagal ‘yong biyahe namin pero masaya ako na nandidito na ngayon.

“I’m at home!” sabay ngiti ulit niya.

Anu-ano ang mga na-miss niya?

“Ang pinakana-miss ko, siyempre, ‘yong pamilya ko. Excited na akong makita sila.

“Pati ‘yong mga friends ko, ’yong mga kababayan ko, ’yong mga taga-Olongapo.

“So I’m really excited to go around to show them kung ano ‘yong mga gagawin namin dito.

“Overwhelming ang pagtanggap sa akin. Actually, hindi ko ma-explain kung ano ‘yong nararamdaman ko kasi, magkahalong saya at nerbiyos.

"So ibang klaseng pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman!” tawa ulit niya.

Dahil nagsimula na ang kanyang reign, mahirap ba’ng maging Miss World?

“Uhm… actually, hindi, kasi, all you have to do is just be yourself, and that’s the best part of it. You can just be yourself and show them who you are.”

HOMECOMING. Habang nagaganap ang pageant sa Bali, Indonesia, noong huling linggo ng Setyembre, alam ni Megan ang tungkol sa pagbaha at outbreak ng Leptospirosis na nangyari sa Olongapo, ang kanyang hometown.

Ang mensahe ng beauty queen para sa mga kababayan:

“Be strong. Bibisita ako diyan sa weekend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And… I’m just really excited to see everyone, to help out… from my hometown.

“And I can’t wait to be back!” sabay ngiti na naman niya.

ITINERARY. Magiging sobrang busy raw si Megan sa ilang araw na ilalagi niya sa Pilipinas.

Kasama sa kanyang itinerary ang pagpunta sa isang foundation for children sa Alabang.

“Isa po itong foundation kung saan binigyan ng bahay at ng paaralan ang mga street children.

"So ‘yan po ang inaatupag po namin dito ngayon sa homecoming namin.

"And aside from that also, the PGH [Philippine General Hospital] ward, we will also be visiting that because we have something special for them.”

PROMISE. Natanong din si Megan tungkol sa sinabi niyang magiging "best Miss World ever" siya pagkatapos ng kanyang coronation noong ika-28 ng Setyembre.

“Well, in everything you do, you exert your one hundred percent effort.

“And your heart, your soul, and all the hard work that you put into, it’s there.

“It’s not fifty percent. It’s not holding back anything.

“It’s just giving your all throughout your reign for this year.”

Istrikto ba ang Miss World? Marami bang do’s and don’ts? Bawal ba ang magka-boyfriend sa panahon ng kanyang reign?

“Wala naman pong bawal sa kanila tulad ng mga boyfriend, ganyan. Kung ano ‘yong gusto mo, basta nasa tamang paraan ‘yan, payag naman po sila.”

MIKAEL DAEZ. Nangiti ulit si Megan sa tanong sa kanya kung nagkausap na ba sila ng sinasabing special friend niyang si Mikael Daez.

“Hindi pa po. Actually, wala pa po akong nakakausap sa mga kaibigan ko.

“Kahit sina Mama, hindi ko pa nakakausap pagdating ko dito. Mamaya ko pa lang makikita ‘yong pamilya ko.”

Kailan sila huling nagkausap ni Mikael?

“Hindi ko na po maalala!” tawa na naman ni Megan. “Siguro a couple of weeks ago pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISS WORLD EXPERIENCE. Sa panghuli, nagkuwento ito tungkol sa mga nakilalang kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

“Actually, apat kami na M. ‘Yong tatlo, sina Michiko [Tanaka], Malene [Riis Sørensen], and Maria [Anna Zenieris].

“They are my closest friends. They are from Japan, Denmark, and Singapore.

“Pero marami naman talaga akong naging ka-close. Sa sobrang dami, hindi ko na masabi.

“And it was a really good group,” paglalarawan niya sa kaniolang batch sa Miss World 2013 pageant.

“All the girls were just really nice and friendly. And I’m here for them.

“This is… I’m representing the whole group. All the girls that were in the Miss World competition,” nasabi pa ni Megan sa huling bahagi ng interview sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN