Miss World Megan Young about detractors: "They help me become a stronger person."

Miss World 2013 Megan Young relates her unforgettable guest appearance on BBC News in London. "I was shaking a bit at first when I got on stage. But I enjoyed doing stuff like that because it reminds me of what I do back home. So, parang ganon lang din. Yun nga lang, puro English-an!" she quipped.


Buong pagmamalaking ibinahagi ni Megan Young, 23, ang kanyang pagbisita sa London, England, para sa work commitments bilang Miss World 2013.

Una na rito ang live guest appearance niya sa BBC News, kung saan kinapanayam siya ng British broadcaster na si Mishal Husain, noong October 4.

Nakakabilib ang ipinamalas na kumpiyansa sa sarili at intelihenteng mga sagot ni Megan sa naturang interbyu.

Isa raw ito sa mga hindi niya malilimutang karanasan bilang Miss World titlist, lalo na’t hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makilala abroad.

Pero pag-amin ni Megan, kabadong-kabado siya noong mga pagkakataong iyon.

“The fact that I got on BBC was just amazing. It was fantastic. It was such an experience for me.

“I was shaking a bit at first when I got on stage. But I enjoyed doing stuff like that because it reminds me of what I do back home.

"So, parang ganon lang din. Yun nga lang, puro English-an,” natatawang saad ng actress turned beauty queen sa kanyang homecoming press conference, na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino kagabi, October 10.

Nagpunta rin si Megan sa Cannes, France, upang daluhan ang annual MIPCOM trade event.


Dito ay nakasalamuha niya ang advertisers at TV network big bosses mula sa iba’t ibang bansa.

Ani Megan, “I did meet a lot of important people. I got to meet the heads of companies, owners of television networks from Europe, South America, from all over the globe.

"It was really interesting, fun, and exciting because I got to talk to each one of them. They’re all just really charming.”

Isa pang ikinatuwa ni Megan ay ang pagkakataong makapamasyal sa Cannes, na isa sa kanyang dream destinations sa Europa.

“I love Cannes! Cannes is such a beautiful place. It looks very romantic. You walk down the street and you feel like you’re on a movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I did have a very lovely dessert there. It was one of the best ever. I love dessert, who doesn’t?

"It was a very nice day to walk down around the city and to enjoy the MIPCOM,” nakangiting turan niya.

Ngayon pa lang ay excited na si Megan na libutin ang buong mundo, na kasama sa pribilehiyo niya bilang Miss World.

“I was very excited when they told me that we’re going to Kenya and Tugana. I’ve always wanted to go to those parts of Africa.

“It’s exciting to explore different places, different continents, different countries, aside from Asia. I’ve almost gone into all of the countries in Asia.

"So, it’s nice to experience different cultures, different languages, and different people.

"I’m very excited for all our tours. I can’t pick a favorite.”



BEAUTY WITH A PURPOSE. Ngunit hindi lang basta pamamasyal ang focus ngayon ni Megan.

Nais niyang patunayan na ang Miss World ay hindi lang puro glitz and glamour, kundi isang paraan upang mas pag-ibayuhin ang kahalagan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

Umaasa siyang makaka-engganyo siya ng mas malawak na publiko upang suportahan ang mga advocacies ng Miss World.

Paliwanag niya, “Aside from being the first Filipina to be Miss World, I think it’s being able to send that message to people in what Miss World is all about.

"That it’s not just me being this image or this figure that’s able to contribute to so much in charities. But it’s also about getting people involved.

"That’s what I want to do, to get people involved in the organization.”

Kaugnay nito, naniniwala si Megan na malaki ang maitutulong ng paggamit ng social media upang palaganapin ang kanyang adbokasiya.

Ipinangako niya na sa mga susunod na araw ay mas magiging aktibo siya sa paggamit ng Twitter at Instagram, kung saan maaari niyang ibahagi ang kanyang day-to-day activities bilang Miss World titlist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before going to Bali, Indonesia, I was very active in social media in the first place. I told myself that I’ll promote Miss World, whether or not I win the pageant.

“I think social media has a big part in what we’re doing today with the organization. Because it’s the message that you give out, it’s the reach that social media actually does around the globe.

“If you have this message from the Philippines, it can reach Europe, the Caribbean—all different countries.

“It makes so much difference because people now are in the know. People are active and they want to be part of it.

“Being that person to send that message out, it’s a responsibility, and I’m excited to take on that responsibility.”

UNANIMOUS CHOICE. Samantala, ikinuwento ni Miss World-Philippines organizer Cory Quirino na ilang linggo bago ganapin ang Miss World pageant sa Bali, Indonesia, malakas na ang kutob niyang si Megan ang mag-uuwi ng korona.

Lahad ni Cory: “She’s like a magnet. She just attracts a lot of people. And everyone just wanted to be part of her life. Everyone came forward to volunteer to help her.

“Everywhere I go, after the Miss World-Philippines pageant, people will come up to me and say ’she’s the one.’

“For the very first time in my life, I had such a strong feeling. I guess it’s discernment or it’s the presence of grace.

"I just knew that Megan is the one—that she would be the one to bring home the crown.

“It was more than a feeling, more than an intuition. And it is the combined effort of Filipinos who prayed for her.”

Maging ang Miss World organization president na si Julie Moley ay nakita ang malaking potensiyal ni Megan, sa preliminary interview nito sa itinuturing na “second most prestigious beauty pageant” sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Julie: “You might be interested to know that we interview more than once [before the actual competition].

"We’re not just interested with a pretty face. We’re interested in a person with a good heart and lively personality. Someone who can put across the message that we need.

“Megan was at the top in the [preliminary] interview. And during the competition, I think you’ll probably agree that she’s at the top of everyone’s list. She’s the unanimous choice.”


CRITICISMS. Sa gitna ng pagdiriwang ng mga Pinoy sa pagkapanalo ni Megan, mayroon pa ring ilan na bumabatikos sa kanya.

Isa na rito ang napabalitang foreign netizen, na nagngangalang Divina Dediva, na nagpahayag ng racist comment sa Facebook kamakailan.

Sabi ni Divina: “Miss Philippines is Miss World? What a joke! I did not know those maids have anything else in them, Ha Ha Ha!”

Sa kabila nito, hindi natigatig si Megan sa pangungutya ng online basher.

Bagkus, nagpasalamat siya sa pagmamahal at suporta na natanggap niya mula sa kapwa-Pilipino.

Aniya, “Yes, gusto ko talaga magpasalamat sa aking mga kababayan na Pilipino na sumubaybay sa journey ko dito sa Miss World.

“Nakita nila kung paano ko pinaghirapan, kung saan ako nanggaling, and I really appreciate all the kind words.

“But I do appreciate the criticisms as well because it helped me become a stronger person.

“And I don’t know what else to say, but thank you to everyone that has followed the journey. I hope they all continue to follow me in Miss World,” masayang saad ni Megan.

Samantala, ang mismong Miss World organization ay umani ng kritisismo mula sa ibang religious sectors.

Sa katunayan, nagprotesta ang ilang Muslim groups sa Indonesia at sinubukang pigilan ang ginanap na Miss World Coronation Night noong September 28.

Ayon sa report ng CNN News, nagpahayag ng disgusto ang ilang Muslim groups dahil sa pagpapakita ng balat ng beauty contestants, sa swimwear at evening gown competition. Taliwas kasi ito sa tradisyunal at konserbatibong pananamit ng mga babaeng Muslim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal), iginiit ni Cory na malaki ang social relevance ng beauty pageants tulad ng Miss World.

Saad ng Miss World-Philippines organizer: “I think a pageant is more than just what people think. That is, a superficial event of just beauty and a parade of bikinis or swimsuits.

“I think the woman that represents her country becomes the ambassador of goodwill and tourism and love and healing.

“And so, the title and the crown can represent something that bring people together for a greater cause. That’s exactly what Miss World is all about—beauty with a purpose.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN