Rufa Mae Quinto accidentally hits Martin Escudero in jacuzzi scene

Nasubukan na ba ni Rufa Mae Quinto na magkaroon ng boyfriend na mas bata sa kanya? “Hindi ko pa na-try,” pag-amin ni Rufa Mae, na isa sa mga leading ladies ni Martin Escudero sa upcoming TV5 show na Positive.


Mayroong May-December love affair ang mga karakter nina Martin Escudero at Rufa Mae Quinto sa TV5 show na Positive.

Si Rufa Mae mismo ang nagpakita sa piling press ng kanyang jacuzzi scene with Martin Escudero para sa TV5 drama series nila na Positive.

Ipinakita ni Rufa Mae ang video mula sa kanyang iPhone, kunsaan magkaharap sila ni Martin sa jacuzzi para sa kanilang love scene sa serye.

Si Rufa Mae ang isa sa mga babaeng makakatalik ng karakter ni Martin, na isang HIV positive patient.

Nakausap ng media si Rufa Mae sa press con ng Positive, kagabi sa Prime Bar, Tomas Morato.

Kwela niyang ikinuwento ang jacuzzi scene nila ni Martin, kunsaan nakasuot siya ng two-piece at ang aktor naman ay nakasuot ng boxers.

"Naka-lips to lips ko si Martin sa jacuzzi. As in, first time ko mag-love scene at sa jacuzzi pa!" kuwento ng four-time FHM cover girl.

Kamusta ang pag shoot nila ni Martin sa jacuzzi?

Kuwelang kuwento ni Rufa Mae: “Awa ng Diyos, natuhod ko yung ano niya. Hindi ko naman sinadya. Kasi paikot-ikot kami…”

Ang tinutukoy na "ano" ni Rufa Mae ay bahagi ng katawan ni Martin.

Mula sa kanyang upuan, lumuhod pa si Rufa Mae upang ipakita kung paano ang eksena nila sa jacuzzi.

Anong reaksiyon ni Martin nang matuhod siya ni Rufa Mae?

“In fairness kay Martin, ang sabi naman niya, siya na lang ang bahala kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko pa yun na-try na mag-love scene... Never pa sa TV!

“Nagkaroon ako ng mga kissing scenes nung araw Nagkaroon naman ako ng kissing scenes [for movies], pero nakatayo lang, very light lang at hindi ganito.

“Noong huling ginawa ko yun [love scene], Gloria, [Gloria Labandera, 1997] pa. 2013 na.

"Nag labandera ako at ginawa namin sa batis. In fairness, lagi ako sa tubigan,” dagdag ng artistang mas kilala bilang komedyante at TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nakababad sila sa jacuzzi nang matagal, gininaw raw si Rufa Mae at si Martin.

“Ang ginaw pala! Nanginginig na nga [si Martin], e.”

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin kung saang bahagi siya natuhod ni Rufa Mae, natatawa niyang inamin:

"Sa maselan na parte ng aking katawan."

Aniya, "Ready naman ako sa kahit anong mangyari sa panahon na yun. Mas iniisip ko si Ma’am Rufa, e.

"Ako yung nagha-handle. Ako yung nag-aalaga. Kailangan matikas ako."

Anong reaction niya nang matuhod siya sa maselang bahagi niya?

"Naramdaman ko, pero ayoko nang isipin yun kasi ayokong mailang siya. Nagtatrabaho pa rin naman kami.

"Mahirap nang madala sa eksena. Kailangan focused tayo.

"Tuloy lang, kasi parang nahihiya siya o naiilang. Ginagawa ko na lang ang parte ko para maayos ang eksena at hindi kami magkailangan."

Ayon pa kay Martin, "unforgettable" ang eksena nilang iyon ni Rufa Mae.

"First time ko gumawa ng ganung scene na napaka-intimate. Saka yung saplot, napaka konti lang kaya ramdam na ramdam mo talaga."



EXHIBIT FOR A CAUSE. Bago pa man niya nalamang magiging bahagi siya ng Positive, na tungkol sa isang HIV positive patient na si Carlo (played by Martin Escudero), nagpakita na ng suporta si Rufa Mae sa mga taong mayroong sakit na ito.


Nakipagtulungan ang komedyana sa photographer na si Niccolo Cosme upang gumawa ng Headshot Clinic-AWARE exhibit tungkol sa HIV/AIDS.

“Last birthday ko nung May, nag-exhibit kami sa Opus at nag-pictorial ako. Wala pa itong show na ito, sumuporta na ako.

"Ako, bumili ng sarili kong picture at [ang] magiging pera nun, para sa mga kaibigan natin.”



Ano-ano na ba ang mga proyekto ngayon ni Rufa Mae?

“Nag-Wowowillie ako hanggang Sabado. Then anniversary ng Bubble Gang, nag-show kami sa Republic.


“I’ve never been this free!


“Naka-focus ako sa pagbabalik-trabaho, gaya ng dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon na I’m really back, I’m happy being with you all. I’m happy working. Siguro noon, na burn out rin ako. Pero ngayon, na-inspire ako ulit.

“In fairness, dahil sa Wowowillie, parang naaawa ako [sa mga audience]. Parang ang blessed, blessed ko pala...

"Two months ako dun. Pero nag-Wiltime Bigtime rin ako last year.”



SHIFTING TO DRAMA. Bilang isang kilalang komedyana, nahirapan ba si Rufa Mae na mag-shift sa drama para sa Positive?

“Hindi ako nahirapan. Nag-workshop na ako dati para sa Huling Henya with Marlon Rivera.

“Saka experience! Siyempre, may mga drama ka na rin sa buhay, mga heaviness…Nandun na ’ko sa stage na I can try. Let’s try...

"Life brought me here and taught me how to do drama. I think I want to do it para iba naman.

"Inoffer nila, e, so they believe in me, so I have to believe in myself."

Paano siya naghanda para sa first drama project niya?

"Nag workshop na ako dati para sa Huling Henya with Marlon Rivera.

"Maliban pa dun, hindi lang ako inofferan before. Ngayong na-offeran na ako, tutuloy ko na. Todo na ’to!"

Paano niya ide-describe si Martin bilang leading man?

"Gentleman. Sabi naman niya, ako nang bahala. Na-shock naman ako, kasi 23 years old lang siya.

"So ako, gumano’n [leaning her head back]. Tapos siya, kiss-kiss dito [pointing to her neck].

"After that, nabilib ako siyempre kasi ang lakas ng loob nito, di ba?

"Tapos pag-ahon ko, binigay niya yung tsinelas niya, pati towel.

"Sobrang gentleman niya. Bihira yung mga lalaking ganun, kaya sana maging ganun yung iba diyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN