Justin Bieber kisses 2NE1 member Sandara Park on the cheek

Kumalat na sa Internet ang larawang ito, kunsaan hinalikan sa pisngi ng Canadian pop singer na si Justin Bieber ang 2NE1 member na si Dara, o mas kilala ng mga Pinoy bilang Sandara Park.


Naging viral na ngayon ang litrato ni Sandara Park, kung saan hinalikan siya sa pisngi ng international singing sensation na si Justin Bieber.

Kuha ang nasabing larawan sa after-party sa isang club pagkatapos ng concert ni Justin sa Seoul, South Korea, noong October 10.

Sa nasabing after-party ay dumalo ang ilan sa pinakasikat na K-Pop idols, kabilang na ang 2NE1 kung saan isa sa mga miyembro si Sandara—o mas kilala sa South Korea bilang Dara.

Lumabas ang litrato nina Justin at Sandara kahapon, October 11, sa isang artikulo sa www.allkpop.com, na may titulong: "Justin Bieber loves the ladies and couldn’t resist the chance to give 2NE1’s Dara a kiss on the cheek!"

Makikita dito ang nakangiting si Sandara, habang hinahalikan ni Justin sa kanyang pisngi. May isa pa silang kasamang lalaki sa larawan ngunit hindi binanggit sa artikulo kung sino ito.

Ayon pa sa article, “Korean-American celebrity jeweler Ben Baller shared on his Weibo, ’Last night in the VIP room with Justin & Dara #heartbreaker,’ along with the snapshot above of Justin Bieber going for a peck on the cheek. Dara looks pretty composed, considering the superstar cutie beside her who surprised her with a kiss."

Unang sumikat si Sandara sa Pilipinas matapos siyang sumali sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest (2004).

Naging runner-up si Sandara ng Grand Questor na si Hero Angeles.

Naging mainit ang tambalan nina Sandara at Hero. Ngunit ang naging kasintahan ni Sandara ay ang kapwa nila questor na si Joseph Bitangcol.

Umalis si Sandara sa Pilipinas noong 2007, kasama ang kanyang dalawang kapatid at ang kanilang ina, upang bumalik sa South Korea.

Sa panayam noon ng PEP kay Sandara, bago siya umalis, inamin nitong na-depress siya dahil sa paglamlam ng kanyang career.

Unti-unti na rin daw nawawala ang kanyang mga kaibigan.

"Akala ko marami ang nagmamahal sa akin, mga kaibigan ko, pero hindi pala. Nawala rin sila nung kailangan ko sila," malungkot na pahayag noon ni Sandara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Sandara Park quits showbiz, goes back to Korea)

Ngunit ang pagbabalik ni Sandara sa South Korea ang nagbukas ng pinto para sa isang mas malaking oportunidad para sa kanyang career.

Naging trainee siya ng YG Entertainment, isa sa pinakamalaking kumpanya sa Korea, na humahawak ng mga career ng top Korean idols.

Kabilang rito ang Big Bang at ang international sensation na si Psy.

Pagkatapos maging trainee ng ilang taon ay inilunsad si Sandara noong 2009 bilang miyembro ng all-girl K-pop group na 2NE1, kasama sina CL, Park Bom, at Minzy.

Ang nakababatang kapatid naman ni Sandara na si Sang Hyun Park, o mas kilala sa pangalang Thunder, ay miyembro ng all-male K-pop group na MBLAQ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN