Alice Dixson on Derek Ramsay’s positive influence on her health: “Naging health buff ako because of Derek.”

Alice Dixson on her renewed interest in physical fitness: “I’m not out to compete with these young ones. Wala na akong laban sa kanila. Siguro in terms of experience, doon ako nakakalamang na. Like what I said, I’m keeping fit just to make myself feel better. Health is wealth. At siyempre para na rin sa trabaho natin. Kailangan natin ng malakas na katawan para ma-endure natin ang mga long working hours.”


Inamin ni Alice Dixson na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay hindi pa siya gaanong kadalubhasa sa pag-arte.

Unang nakilala si Alice Dixson—Jessie Alice Celones Dixson in real life—noong 1986 matapos siyang manalo bilang Bb. Pilipinas-International.

Nasundan ito ng hit na Palmolive TV commercial, kung saan binigkas niya ang memorable tagline na “I Can Feel It!”

Sa una niyang pagsabak sa pag-artista, agad siyang kinontrata ng Regal Films.

Kinuha rin siya ni Vic Sotto bilang leading lady sa hit sitcom noong 1987 na Okay Ka, Fairy Ko.

Si Alice ang kauna-unahang gumanap bilang Faye Kabisote, bago napunta ang nasabing papel sa iba pang glamorosang artista tulad nina Tweetie De Leon, Dawn Zulueta, at Kristine Hermosa.

Una niyang pelikula ay ang Bobo Cop, kung saan naging leading lady siya ni Joey Marquez. Pagkatapos ng ilang pelikula, binigyan siya ng launching film noong 1990 na Dyesebel.

Kinumpara nga ni Alice ang kanyang sarili kay Ritz Azul, ang kanyang co-star sa TV5 primetime series na For Love Or Money. Sa tingin niya, mas agresibo raw ito at mas marami ng nalalaman kumpara noong kaedad niya ito noon.

“I remember when I was 18 and just starting my life in showbiz. I was awful! I was a bad actress!” tawa pa niya.

“Marami akong hindi alam noon. Basta pinasok ko ang showbiz without knowing what to do and how to handle it.

“Luckily, I was able to work with very good directors na nagtiyaga sa akin, like Maryo J. Delos Reyes, Peque Gallaga, Mel Chionglo, Joel Lamangan, and the late Ishmael Bernal.

“And I was able to survive showbiz and, if not for the struggles that I went through, siguro wala ako ngayon dito sa harapan ninyo.

“There were people who believed in what I do because they saw something special in me.

“Kahit na marami akong pintas na nakuha before, it didn’t bother me at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not the type who would quit that easy. I was determined to finish what I started,” panimulang bungad ni Alice sa press launch ng For Love Or Money sa Mario’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, noong October 7.

IMPRESSED WITH RITZ. Nakikita raw ni Alice na talagang seryoso si Ritz sa pag-aartista.

“I first worked with Ritz in Glamorosa. And doon pa lang, I knew that she is a hard-working person.

“Tapos, dito nga sa For Love Or Money, mas mature na siya, and she’s a lot better now than that last time I worked with her.

“Nakakatuwa, because noong kaedad ko siya, I wasn’t that serious talaga.

“Kung ano na lang ang sabihin sa akin na gawin ko, susunod lang ako.

“Kumbaga, I was just coasting along. As long as I had work that time, wala kang maririnig na reklamo sa akin.

“Ngayon kasi, iba na. If you can’t deliver, madali kang palitan ng iba.

“Kaya naman sobrang sipag ng mga artista ngayon,” kuwento pa ni Alice.

LOOKING BACK. Malaki na raw ang pagkakaiba sa pag-alaga sa mga artista ngayon kumpara noong panahon ni Alice noong ’80s at ’90s.

“Ngayon kasi they are backed up by big TV networks. Lahat ng kailangan nila naibibigay nang mabilis.

"Kami noon, we had to work talaga para mapansin kami ng mga producers.

“I can say that I was lucky kasi I was able to work with all the film companies noon. I was more on doing movies talaga, unlike now na mas kailangan ng mga artista ang TV show just to be visible.

“But just the same, I am thankful to TV5 for giving me another project. Hindi sila nagsasawa sa akin.

“From Babaeng Hampaslupa, Glamorosa, Isang Dakot Na Luha, Enchanted Garden, Never Say Goodbye, and Undercover. Lahat ng ibigay nila sa akin ay magaganda,” pagpapasalamat ni Alice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROLE. Ang For Love Or Money ang second primetime series ni Alice with Derek Ramsay.

Una silang nagsama sa Undercover, kunsaan siya ang kontrabida sa buhay ni Derek.

Ngayon ay gumaganap siya bilang si Kristine, ang babaeng handang magbayad ng sampung milyong piso para maagaw ang isang lalake sa asawa nito.

“Sabi nga nila, bakla lang ang role ko. Handang magbayad ng pera para sa lalake.

“I guess, may mga pinagbabasehan naman silang mga tunay na pangyayari.

“I just don’t know kung may tao ngang handang magbayad ng gano’ng kalaking halaga in real life, but maybe may gano’n nga.

“Gusto lang naming ipakita sa series na ito kung ano ba ang magiging effect ng pera sa pagsasama ng dalawang tao. Makakatulong ba ito or mas makakasira sa kanila?” makahulugan niyang pahayag.

FITNESS TIPS FROM DEREK. Natuwa si Alice na muli silang nagkasama ni Derek dahil ito raw ang nag-motivate sa kanya para alagaan ang kanyang katawan.

“Naging health buff tuloy ako because of Derek.

“When we were doing Undercover, he was really fit. He gave me some tips on doing these types of execises na kaya ko.

“Before I knew it, nage-enjoy na ako working out. Naisip ko rin na kailangan ko ito just to feel better about myself,” pag-amin niya.



CHANGE OF LIFESTYLE. Kaya nga sa edad ni Alice na 44, maganda pa rin ang katawan nito at puwedeng lumaban sa mga nakababatang artista ngayon.

Pero sabi nga niya, “I’m not out to compete with these young ones. Wala na akong laban sa kanila. Siguro in terms of experience, doon ako nakakalamang na.

“Like what I said, I’m keeping fit just to make myself feel better. Health is wealth.

“At siyempre, para na rin sa trabaho natin. Kailangan natin ng malakas na katawan para ma-endure natin ang mga long working hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga batang artista ngayon, kaya nila ang mapuyat kahit na ilang araw. Sa mga kaedad ko, we need to rest talaga para ma-energize tayo.

“Working out gave me that much needed energy to bear the long hours sa set. I don’t get tired easily now. Change of lifestyle lang tayo ngayon,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN