Jackie Lou Blanco prefers to be called "Wowa"

Jackie Lou Blanco on the joys of being a "wowa": “I am still getting used to being called Lola or Wowa. Nakakapanibago, but it’s something that excites me lalo na kapag nakakasama ko ang aking apo. Iba nga pala ang happiness kapag may apo ka na pala. Parang nagiging mother ka ulit. This time, anak na siya ng anak mo. May inaalagaan ka, may kinakarga ka na naman. Iba ang feeling. Naiintindihan ko na ngayon ang mga pinagdadaanan ng mga lola.”


Ipinagmamalaki ni Jackie Lou Blanco ang kanyang unang apo mula sa panganay nila ni Ricky Davao na si Kenneth.

Binibiro nga siya ng mga kaibigan na isa na rin siyang “Mamita,” ang tawag ng marami sa kanyang inang si Pilita Corrales.

Pero nilinaw ni Jackie na hindi Mamita ang gusto niyang itawag sa kanya ng kanyang apo kundi “Wowa.”

“I am still getting used to being called Lola or Wowa. Nakakapanibago, but it’s something that excites me lalo na kapag nakakasama ko ang aking apo.

“Iba nga ang happiness kapag may apo ka na pala.

“Parang nagiging mother ka ulit. This time, anak na siya ng anak mo.

“May inaalagaan ka, may kinakarga ka na naman. Iba ang feeling.

“Naiintindihan ko na ngayon ang mga pinagdadaanan ng mga lola,” panimulang kuwento ni Jackie Lou sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa press launch ng bagong GMA-7 primetime series na Genesis, sa Sequoia Hotel, Quezon City, noong October 8.

Hindi itinatago ni Jackie na hindi kasal si Kenneth sa ina ng anak nito.

Ayaw naman daw makialam nila Jackie Lou at Ricky sa naging desisyon ng anak pagdating sa relasyon nito sa ina ng kanilang apo.

“That is their decision at nasa tamang edad naman na sila to make their own. Kenneth is already 24-years old na, and he can handle it na.

“Kami naman ni Ricky, nandito lang naman kami to support them, at kung may kailangan ang aming apo, mapu-provide namin nang maayos.

“When Kenneth told us about their situation, tinanong namin kung ano ba ang mga plano nila. Nakinig lang kami, and we told him that things will get better.

“Mahirap nga naman na pasukin mo ang isang relasyon kung may mga problema kayo.

“Mabuti na iyong pinag-iisipan nila nang mabuti ang lahat.

“Who knows na in the long run, baka sila pa rin sa bandang huli? We can never tell what might be in store for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante naman ay masaya silang dalawa sa decision nila, at hindi nila pababayaan ang kanilang anak,” diin pa ni Jackie.

Ipinagdarasal naman daw ni Jackie na huwag munang masundan ang apo ng panibagong apo. May dalawa pa kasing anak sina Jackie Lou at Ricky.

“Let us enjoy itong unang apo muna, di ba? I think wala na munang susunod.

"Rikki Mae is only 20 and Arabella is 15. Kung may boyfriend na ba sila? I don’t know. Huwag na muna sana, di ba? Tapusin nila muna ang pag-aaral nila,” panalangin ng aktres at fitness model.

ALL-OUT KONTRABIDA. Kontrabida muli si Jackie sa bagong primetime series ng GMA-7 na Genesis. Gumaganap siya bilang Ramona Escalabre, ang ganid na bise presidente ng bansa.

Sa lahat raw ng mga kontrabida roles na ginawa ni Jackie Lou, ito raw ang masasabi niyang pinakamatindi.

“I’ve done lots of kontrabida roles in the past, pero na-challenge pa rin ako dito sa role na ito.

“So far, sa mga scenes na nakunan namin, napaka-cold, heartless, scheming, at manipulative ng character ko.

"It’s really an all-out kontrabida role, which I like doing.

“Tinatanong ko nga kung ito bang character ni Ramona ay kahit papaano ay makaramdam man lang siya ng konting compassion sa kapwa niya?

“Ang pagkakasulat talaga sa character ko is ganito—walang sinasanto at gagawin ang lahat para lang makaangat siya.

“So I think never nilang mapapanood si Ramona na magiging mabait kahit konti.

“But I guess may some sort of back story si Ramona na iniisipan pa ng mga writers kung bakit siya ganito katigas at ganid. There is always a reason for everything, kaya hintayin na lang nila,” masaya niyang kuwento.

FIRST TIME TO WORK WITH LORNA. First time nga raw niyang nakatrabaho si Lorna Tolentino at kinabahan daw siya sa mga eksena nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal na kaming magkaibigan ni Lorna, and she’s even one of the ninangs of my daughter, Rikki Mae.

“Pero never pa pala kaming nagkakatrabaho sa movies or sa TV man lang.

“Kaya first time ito, and I only realized that noong makapag-take na kami ng eksena namin.

“Malaki ang paghanga ko kay Lorna bilang actress, and to act with her in this series, parang ang laking bagay na para sa akin.

“Noong i-shoot nga ang scene namin for the first time, after na mag-cut si direk, doon lang ako nakahinga nang maluwag. I was like holding my breath for a long time.

“Nasabi ko kay Lorna na kinabahan akong kaeksena siya. Wala pa akong experience working with her kasi.

“Natatawa si Lorna sa akin at sinabing relax lang ako dahil marami pa kaming pagsasamahan na eksena.

“Kung kakabahan daw ako parati, baka naman daw magkasakit na ako sa nerbiyos!” natatawa pa ring pag-amin niya.

LOYAL KAPUSO. Bukod sa Genesis ay abala rin si Jackie Lou sa pag-host ng Walang Tulugan with the Master Showman at sa paggawa ng mga pelikula.

Kailan lang ay napanood siya sa indie film na Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?, na pinalabas sa Sineng Pambansa National Film Festival.

Ngayon ay tinatapos niya ang My Trophy Wife, kunsaan kasama niya sila Derek Ramsay, Cristine Reyes, at Heart Evangelista.

“I am very happy na kahit na wowa na nga tayo, we are still busy and people entrust me with very good roles both on TV and the movies.

“Actually, very thankful kami ni Ricky sa GMA-7 for keeping us both busy.

“Ricky is busy acting and directing in different teleseryes. Ako naman, hindi ako nawawalan ng project with them.

“Kahit na nga may offer ang ibang TV networks, I still make paalam to GMA-7 kahit na hindi ko kailangan gawin iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Out of respect na lang dahil I consider GMA-7 my home studio for so many years.

“Natataon naman na parating may bagong project kaya hindi pa man ako nagpapaalam, naireserba na nila ako. And that makes me feel important sa kanila,” pagpapasalamat niya.

HAPPY FOR NIECE JANINE. Ikinatutuwa rin ni Jackie na bida na ang pamangkin niyang si Janine Gutierrez sa remake ng GMA ng 90’s drama series na Villa Quintana.

Ang ama ni Janine ay si Ramon Christopher "Monching" Gutierrez, na kapatid ni Jackie Lou sa inang si Pilita. Si Eddie Gutierrez ang ama ni Monching, na hiwalay na sa ina ni Janine na si Lotlot de Leon. Si Lotlot ay adopted daughter ni Superstar Nora Aunor.

Ikinuwento ni Jackie Lou na noon ay hindi raw mapilit si Janine na pasukin ang showbiz.

“I am very happy for Janine dahil nabigyan na siya ng opportunity to really prove her worth as an actress.

“Noon ayaw niya talagang mag-showbiz. Ilang beses na ‘yan nilapitan ng kung sino-sino, pero ayaw. May ibang plano ‘yan before. Pero nagulat na lang kami na ayan nasa showbiz na rin.

“I guess hindi mo talaga maiiwasan ang destiny mo, di ba?

“In the case of Janine, both her parents are artistas. Mga lolo at lola niya ay mga artista. Mga tito, tita, at cousins niya ay mga artista.

“It’s in the blood kaya hindi maiiwasan. And we are all happy for her. I pray that she does good and makes her parents proud,” saad ni Jackie Lou, na unang ipinakila sa isang glossy film na pinagsamahan nila ni Sharon Cuneta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN