Betong Sumaya on his first teleserye role: “Pampatanggal-umay kapag nagsawa na sila sa kaguwapuhan ni Dingdong!”

Comedian Betong Sumaya on his role in the GMA-7 sci-fi teleserye Genesis: “Kailangan daw kasi magkaiba at hindi puwedeng parehong guwapo. Madali raw magsasawa ang mga manonood. Kapag medyo asar na sila sa kaguwapuhan ni Dingdong, sa akin naman sila titingin para lalo silang maasar! Kaya balik ulit sila sa pagtingin kay Dong! At least, may rason para mag-standout ang exotic features ko kapag katabi ko na si Dong sa mga eksena namin!”


Ang Genesis ang kauna-unahang teleserye ni Betong Sumaya, ang Ultimate Celebrity Survivor ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.

At isang malaking karangalan daw para kay Betong na siya ang piniling sidekick ni Dingdong Dantes, ang bida ng bagong primetime series ng GMA.

Natatawa na lang si Betong sa mga nagsasabing tinatabi talaga siya sa mga guwapong artista kaya naman kapansin-pansin siya.

“Actually, kinuha ako rito sa Genesis para pambalanse lang—pampatanggal-umay kapag nagsawa na sila sa kaguwapuhan ni Dingdong!” sabay tawa ni Betong, nang makapanayam namin siya sa press launch ng Genesis, sa Sequoia Hotel sa Quezon City kamakailan.

“Kailangan daw kasi magkaiba at hindi puwedeng parehong guwapo. Madali raw magsasawa ang mga manonood.

“Kapag medyo asar na sila sa kaguwapuhan ni Dingdong, sa akin naman sila titingin para lalo silang maasar! Kaya balik ulit sila sa pagtingin kay Dong!

“At least, may rason para mag-standout ang exotic features ko kapag katabi ko na si Dong sa mga eksena namin!”

Hindi naman daw pikon si Betong dahil matagal na raw niyang tanggap na may kakaibang kaguwapuhan siya na kailangan pa raw ma-discover ng siyensya.

“Kailangan nga raw pag-eksperimentuhan tayo para malaman kung ano nga ba meron?” tawa pa niya ulit.

“Pero very thankful ako kay Lord kasi kahit ganito ang pagiging cute natin, hindi naman tayo nawawalan ng trabaho.

“Sabi nga nila, kahit ganito ang hitsura ko ay may silbi pa rin sa mundo!”

BLESSED WITH WORK. Isa na sa pinaka-busy na komedyante ngayon sa TV si Betong, na unang nakilala sa TV feature/magazine program na Probe ni Che-Che Lazaro.

Bukod sa Genesis, mapapanood din siya sa mga programang Ang Pinaka, Day-Off, at Bubble Gang.

Maging sa pelikula ay sunud-sunod din ang nagawa niya, tulad ng Just One Summer, Boy Pick-Up: The Movie at My Lady Boss.

“Blessing po lahat ‘yan kaya hindi tayo puwedeng magreklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na hindi na tayo nakakatulog nang matagal, okey lang kasi binabawi ko na lang sa taping namin.

“Malaking tulong sa akin at sa pamilya ko ang mga trabahong ‘yan, kaya lagi nating pinagbubuti ang bawat paglabas natin.

“Sanay naman tayo sa puyatan kahit noon pa. Kaya enjoy ako sa mga ginagawa ko. Lagi kong iniisip ang pamilya ko kapag may bago tayong trabaho,” ngiti pa niya.

PRIZE MONEY. Kinumusta naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang napanalunang P3 million nang manalo siya sa Survivor Philippines noong 2012.

Ayon kay Betong, hindi pa naman daw ’yon nauubos at may mga natira pa sa kanyang savings.

“Malaking part ng perang iyon ay binayad ko sa bahay namin sa Antipolo City.

“Umabot ng 30 years ang utang namin sa bangko, kaya isipin n’yo na lang ang laki ng binayaran ko.

“At least, bayad na lahat ng utang sa bahay kaya nakabawas sa mga problema namin.

“Binayad din namin sa ilang mga utang, tapos bumili ng mga bagong gamit.

“Promise ko kasi sa family ko na lahat ng mga utang namin ay babayaran ko para wala na kaming iniintindi.

“So far, lahat ng malalaking utang ay bayad na. Yung utang na lang sa sari-sari store ang natitira!” natatawang pagbiro pa ni Betong.

Nagamit nga ni Betong ang napanalunan niyang pera para pasayahin ang kanyang pamilya. Tinupad niya ang mga pangakong bakasyon sa kanyang pamilya noong manalo siya sa Survivor Philippines.

“Na-treat ko ang family ko sa Boracay at sa ibang Asian countries.

“Kahit na gumastos tayo ng malaki, okey lang kasi pamilya naman ang kasama natin.

“Basta lahat ng ’pinangako ko sa kanila ay tinupad ko. Ayokong may masabi sila na wala akong tinupad sa mga sinabi ko.

“’Tsaka mas naging close kaming pamilya noong nagbakasyon kaming lahat.

"Nagbalik-tanaw kami sa mga pinagdaanan namin. Through thick and thin, solid kaming magkakasama,” pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WISHES FOR A STALKER. Kulang na nga lang daw kay Betong ay girlfriend. Gusto naman daw niyang may inspirasyon sa kanyang trabaho.

“Kahit na nga hindi girlfriend, kahit stalker man lang!

“Kaso kahit stalker wala, e. Bakit gano’n, e mayaman naman na ako, di ba? Bakit gano’n?!” sabay tawa nang malakas para pahindian ang unang sinabi.

Nagbiro pa si Betong na baka mag-post na lang siya ng status sa Facebook at mag-tweet na sana ay may mag-stalk sa kanya.

“Gano’n na nga ang gagawin ko para maiba lang! Para may excitement!

“Magpakuha na lang ako ng picture kasama si Dingdong para magkaroon man lang ako ng stalker.

“Tapos yung stalker ay pangangakuan ko na ipapakilala ko kay Dingdong!” natatawang pagtatapos pa ni Betong Sumaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN