Cesar Montano on Sunshine Cruz: “Sorry to disappoint people pero hindi ko siya sisiraan to raise myself up.”

Cesar Montano on Sunshine Cruz: “Siya ay magulang ng aking mga anak at hindi ko siya sisiraan. Siyempre po, ginagawa naman ang lahat para maging mabuting ehemplo sa aking mga anak. Kami po dapat ang unang-una na maging ehemplo sa aming mga anak. Wala pong dapat panghinayangan kasi lagi namang may magandang hinaharap.”


“Kailangan kong magpapayat.”

Ito ang naging reaksiyon ni Cesar Montano nang pansinin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment media ang mas payat niyang pangangatawan ngayon sa opening ng Kirei Medical Group noong Huwebes, October 10.

Sabi pa ni Cesar, “Pinaghandaan ko rin kasi ang fun run na ginawa nitong ano lang, two weeks ago.

“Heto yung Candy Rush and it turned out very, very successful. Alleluia!

“Kailangan ding ma-motivate natin ang mga kabataan para ma-incline sa sports.”

Ang Candy Rush ay ang fun run against diabetes na pinamunuan ni Cesar na ginanap noong September 29 sa Quirino Grandstand.

Kahit pumayat ang action star ay kapansin-pansin pa rin na mas gumuwapo ito ngayon at kitang-kita ang kanyang maaliwalas na mukha.

“Kailangan, kailangan,” nangingiting saad niya.

“Kailangan kasi sa ganitong business... sa showbiz, kailangan mong laging masaya, kailangan mong laging blooming, at kailangang lagi kang excited sa mga ginagawa mo.

“Alam ko, kahit ano ang dumaan sa buhay natin, lahat ng bagay na yun na sa paningin natin ay masama o mabuti, dapat lahat yun ay natututo tayo.

“For the betterment of our character, dapat andun yung adhikain natin na alam nating may mabuting mangyayari,” kuwento niya.

Paano nga ba niya isasalarawan ang totoong estado ng kanyang emosyon sa ngayon?

Pahayag ni Cesar, “Ngayon? E, di maidi-describe ko po na ako ay masaya."

INSPIRED BY LEADING LADIES. “Masaya ako sa nangyayari sa career ko. Masaya ako para sa aking mga kaibigan, na lahat ng na-meet ko sa showbiz, andun pa rin sila.”

Isa nga raw sa nagpapa-bloom sa kanya ay ang mga leading ladies niya sa teleseryeng ginagawa niya ngayon para sa Kapuso network, ang Akin Pa Rin Ang Bukas.

Nangingiti pa ring sabi niya, “’Yan, totoo ’yan. Kasi bukod kay Lovi Poe, kasama ko si Solenn [Heussaff], tapos yung director namin, of course, Direk Laurice Guillen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I think, dahil sa three ladies na ito na nakakasama tuwing taping kaya masaya ang puso ko.

“Masarap silang kausap sa set, masarap maging kaibigan.”

Ilang buwan na rin siyang hiwalay sa asawang si Sunshine Cruz, ngunit hanggang ngayon ay lumilikha pa rin ng kontrobersiya ang nasabing isyu.

ALWAYS WILLING TO LOVE.” Bukas na ba ang kanyang puso sa muling pagtibok nito para sa ibang babae?

“Lagi pong bukas ang puso ko,” natatawang pahayag ni Cesar.

“Hindi ko po isinasara ang aking puso sapagkat ang puso natin ay idinesign ’yan ng Diyos para i-share ang ating pagmamahal sa kahit kanino.

“At anuman ang makikita natin sa landasin natin, maliwanag man o malungkot man, dapat we’re always willing to love.”

Naitanong din sa kanya ng ibang media ang tungkol sa sinabi raw ni Sunshine na sa mapuputi ito mai-in love.

Ano ang reaksiyon niya rito lalo na’t kayumanggi ang kulay niya?

Natatawa uling pahayag niya, “Masaya ako kung saan siya masaya.

“Masaya ako para sa kanya sapagkat, siyempre, siya ay magulang ng aking mga anak.

“Dapat masaya ako kung nasaan siya.

“Sorry to disappoint people pero hindi ko siya sisiraan to raise myself up. Hindi po. Siya ay magulang ng aking mga anak at hindi ko siya sisiraan.”

Dugtong pa actor, director, TV host, “Siyempre po, ginagawa naman ang lahat para maging mabuting ehemplo sa aking mga anak.

“Kami po dapat ang unang-una na maging ehemplo sa aming mga anak.

“Wala pong dapat panghinayangan, kasi lagi namang may magandang hinaharap.”

In love pa rin ba siya sa dating asawa?

Maikling saad ng 51-year-old actor, “In love po ako ngayon sa career ko at sa mga anak ko.”

Kinumusta ng PEP sa kanya ang mga anak na babae nila ni Sunshine na sina Angelina Isabelle (11), Samantha Angelene (8) at Angel Franchesca (7).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matipid na pagmamalaki ng ama ng tatlo, “Mabuti po sila. Sila po ay nag-aaral, at nakikita ko sila palagi.

“At masaya po sila.”

Ano naman ang reaksyon ni Cesar tungkol sa isyung meron daw reklamo ang kampo niya sa financial demands ng asawa, na pinabulaanan naman ni Sunshine.

“I’m sorry po, may gag order,” mabilis niyang tugon.

POSSIBLE DIRECTORIAL PROJECT. Sa puntong ito ay napag-usapan namin ang tungkol sa pelikulang Ang Sugo: The Last Messenger, na nakatakda nang ipalabas sa mga sinehan sa 2014.

Isa itong biographical movie tungkol sa buhay ni Felix Ysagun Manalo, ang kauna-unahang Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo.

Si Cesar ay nakapagdirek na ng mga pelikulang tulad ng Panaghoy Sa Suba (2004) at Ligalig (2006).

May balita kasing siya na raw ang magdidirek ng big-budgeted movie.

“Isa raw ako sa pinagpipilian na maging director ng napakalaking pelikulang ito,” ayon sa award-winning actor.

“Pero, malalaman pa natin kung sino talaga ang magdidirek niyan.

“Heto po ay kung ilabas na ng mga opisyal ng Iglesia kung sino na nga ang magdidirek niyan.

“Interested ako, kasi this is a monumental huge film na hindi na po siguro mauulit after this.

“Lahat ay gustong iderek ito, at kung ako ang mapipili, alleluia... naku, maraming salamat,” panalangin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN