(UPDATED) Matteo Guidicelli on rumored relationship with Sarah Geronimo: “Wala naman akong ’tinatago, I just don’t wanna talk about it.”

Matteo Guidicelli on talk of romance with Sarah Geronimo: “’Wag na nating pag-usapan. I don’t wanna talk about it na. Let put it this way, I’ll keep it private also. One day I will say na lang, not now.


Matunog ang usap-usapang mag-boyfriend na raw talaga sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ayon sa lumabas na balita, isang malapit na tao raw sa aktor ang nagkumpirma nito, pero dahil siguro gustong maging pribado ang relasyon nila ay ayaw magsalita nina Matteo at Sarah.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor kamakailan, agad naming tinanong si Matteo tungkol dito, pero iwas pa ring siyang magbigay ng kumpirmasyon tungkol sa lumabas na balita.

“’Wag na nating pag-usapan. I don’t wanna talk about it na. Let’s put it this way, I’ll keep it private also. One day I will say na lang, not now,” pakiusap niya.

Sa pag-iwas niyang magsalita, marami tuloy ang nagsasabi na mukhang itinatago raw ng dalawa ang totoo sa publiko.

May ilang nagsasabi na takot daw yata si Matteo na masabihang ginagamit niya ang Pop Princess.

Mabilis niyang tanggi, “Wala naman akong ’tinatago, I just don’t wanna talk about it. Whenever I wanna talk about something, I wanna talk about Galema, about the project, dun na naman.

Si Matteo ang leading man ni Andi Eigenmann sa Galema: Anak ni Zuma, ang remake ng 1985 movie na unang pinagbidahan nina Snooky Serna at Max Laurel.

Dagdag pa niya, “Ginagamit? Ay hindi, that’s not true. I will never ever do that. Whatever happens I want to keep it private right now.”

Di naman itinago ni Matteo na may komunikasyon sila ni Sarah hanggang sa ngayon.

Aniya, “Yes we have, we have.”

Sa ngayon ay may fans na rin ang tambalang Matteo at Sarah na nagsasabing, para sa kanila, bagay ang dalawa para sa isa’t isa, bagay na pinagpapasalamat naman ng aktor.

Sabi niya, “Thank you talaga, but I guess this is not the right time to say anything it. If thy will done, thy will be done.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Matteo na hanggang sa ngayon ay di nawawala ang malalim na paghanga niya sa actress-singer.

“Oo naman, Sar’s a wonderful person. I’ve looked up to her since before pa,” pag-amin niya.


OBSTACLES TO ROMANCE. Sa tingin ng mga editors ng PEP, kasama na sa usap-usapan tungkol kina Matteo at Sarah ang inaasahang balakid sa kung anuman ang namamagitan sa kanila.

Kilala sa industriya ang pagiging protective ng parents ni Sarah, na sina Delfin at Divine Geronimo.

Mula kina John Lloyd, Rayver Cruz, at Gerald Anderson, na mga napabalitang nagkaroon ng interes kay Sarah, walang relasyon na talagang nagtuloy-tuloy.

Sinasabing si John Lloyd ay attracted na kay Sarah at ganoon din umano si Sarah kay John Lloyd, noong mga panahong ginagawa nila ang kanilang unang tambalan sa big screen. Ngunit walang nangyari sa kanilang ligawan.

Ni hindi raw kasi nakakarating sa dalaga ang mga padalang regalong pagkain ng binata. At ni hindi makatuntong ang aktor sa bahay ng aktres.

Si Rayver naman ay naging kasintahan ni Sarah, ngunit patago. At sa maraming buwang sikretong mag-boyfriend-girlfriend sila ay dalawang beses lang sila nagkasama.

Ito mismo ang kuwento sa YES! Magazine (March 2011) ni Rayver, na nagsabing kung ipinaglaban lang sana siya ni Sarah sa magulang, malamang ay nagtagal ang relasyon nila.

Noong lumabas na ang sikreto nila, inamin ni Rayver na first girlfriend niya si Sarah at mahal na mahal niya ito. Si Sarah naman, sa mga panahong iyon, ay si Rayver ang tanging inamin na naging boyfriend niya.

Gaya ni John Lloyd, hindi rin nakatuntong sa bahay ni Sarah si Rayver.

Nang dumating sa buhay ni Sarah si Gerald Anderson, inakala ng publiko na iba ito, na tanggap ang binata ng mga magulang ni Sarah. Nagsu-shooting kasi sina Sarah at Gerald noon ng pelikula, at sa set ay mukhang maayos ang pakikitungo ng mga Geronimo sa binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tapos na nilang gawin ang pelikula nang nag-public announcement si Gerald na in-love siya kay Sarah at liligawan niya ito. Matatandaang sina John Lloyd at Rayver ay walang nagawang pag-anunsiyong ganito sa publiko, kaya’t sinasabing mas may pinatutunguhan na ang relasyong Sarah at Gerald.

Ngunit sinasabi ring dito na naging hayagang pormal, o sabihin nang naging malamig, ang pakikitungo kay Gerald ng mga magulang ni Sarah.

Nakatuntong naman si Gerald sa bahay nina Sarah.

Ngunit ayon sa sources ng PEP, hindi naging mahusay ang pagtanggap at pag-asikaso sa kanya ng pamilya Geronimo, kasama na ang mga kapatid ni Sarah. Kinalaunan, nawala na rin ang relasyong ito.

Kaya ngayon ay sinasabing maraming pagdaraanan si Matteo. Pero sinasabi ring ang susi sa pag-unlad ng kanilang relasyon ay wala kay Matteo kundi na kay Sarah—sa gagawin nitong mga hakbang sa mga panahong ito.


Marami naman ang umaasang may gagawin na si Sarah, ngayong 25 years old na ito at nakikitaan pa ng panibagong confidence, hindi lang sa career kundi sa personal na kilos.


Sa pagkakaalam ng PEP, si Matteo na ang panibagong kuwento sa buhay ni Sarah.



HAPPY FOR JESSY MENDIOLA. Alam ng publiko na si Matteo ay nagkaroon ng mahaba-haba ring relasyon kay Maja Salvador.

Nang matapos ito, nagkaroon din ng relasyon ang binata sa dati nitong kapareha na si Jessy Mendiola, ngunit hindi nagtagal ang kanilang samahan at nauwi rin sa hiwalayan.

Ngayong balita na nanliligaw sina Sam Milby at Jake Cuenca sa aktres, masaya naman daw si Matteo para kay Jessy, pero hindi niya itinanggi na wala na silang komunikasyon ngayon.

“I am happy for her, I see her tweets and Instagram, masaya ako para sa kanya. Hindi ko pa siya nababati pero alam naman niya na masaya ako para sa kanya.

“Jessy is a wonderful girl and she’s very beautiful, I’m sure a lot of guys will make ligaw to Jessy. It’s all up to her, basta masaya siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We both have two different paths, I’m busy with my thing, she’s busy with her thing. Pag nagkikita na lang kami nagbabatian, hi lang kami, like sa Star Magic Ball, mga ganyan,” kuwento niya.

DEEPER RELATIONSHIP WITH ANDI. Maganda ang ratings ng Galema, at nandun ang hiling ni Matteo na ngayong pumasok na sila ni Andi Eigenmann, sana raw ay mapanatili nila ang mataas na ratings nito.

“Maraming, maraming salamat mga Kapamilya. Last Thursday or Friday, 19 percent kami, sobrang taas.

"Sana this week na kami ni Andi, sana ma-sustain or sana tataas pa. Kinakabahan talaga kami pero sana,” saad ng binata.

Unang nagkapareha sina Matteo at Andi sa Agua Bendita bago pa man nagbalik-tambalan sa Galema.

Bukod sa mataas na ratings ay masaya rin si Matteo na mas gumanda pa ang samahan nila ng kapareha.

“Maayos kami ni Andi, sobrang open kami sa isa’t isa. Maganda ang relationship namin.

“As an actress, as a person, she’s very different now. We’re deeper, maganda yung pagbabago,” pagpuri niya sa aktres.

INDIE FILM. Masaya ring ibinalita ni Matteo na may pelikula siyang ginagawa ngayon para sa Cinema One Originals.

“I have a movie with Cinema One, Saturday Night Chill, kasama ko si Joseph Marco and Rayver Cruz. Para siyang Hangover pero darker version. Coming out sa festival sa November.”

Ang Saturday Night Chill, na idinirihe ni Ian Loreños, ay kabilang sa sampung kalahok sa Currents category ng Cinema One Originals Film Festival.

Ito ay gaganapin mula November 10-19 sa tatlong sinehan: Glorietta, Robinson’s Galleria, at Trinoma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN