Regine Velasquez wins Best Female Concert Performer at 5th Star Awards for Music

Ipinagpapasalamat ni Regine Velasquez ang hindi niya pagiging abala ngayon dahil napagtutuunan ng pansin ang kanyang anak na si Nate at ang kanyang maysakit na ama na si Mang Gerry.


Si Regine Velasquez ang nanalong Best Female Concert Performer, para sa concert niyang Silver, sa katatapos na 5th PMPC Star Awards For Music, na ginanap sa grand ballroom ng Solaire Hotel sa Pasay City, nuong Linggo, October 13.

Concert of the Year naman ang Foursome, kung saan nakasama nila ng asawa niyang si Ogie Alcasid sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Bahagyang naging emotional si Regine sa kanyang acceptance speech. Ito’y dahil sa aberyang nangyari sa kanyang Silver concert, na ginanap noong November 16, 2012 sa SM MOA Arena.

Hindi natapos ni Regine ang concert matapos siyang dapuan ng virus na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang boses.

Ganun pa man, bumawi ang Asia’s Songbird nang maging okey na siya para sa muling pagtatanghal ng kanyang concert noong January 5, 2013.

Aniya, "Marami akong natutunan sa nangyari. At nagpapasalamat ako sa naging suporta ng lahat sa akin.”

UPCOMING PROJECTS. Sa ngayon, excited si Regine sa nalalapit niyang concert sa Amerika.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Nagpi-prepare na ulit kami.

"Siguro next week, we’ll be doing rehearsal already. We’re leaving on the 23rd [of October].”

Sunod na naitanong kay Regine ang tungkol sa papalapit na Undas. Noong mga nakaraang taon kasi ay tila naging tradisyon na sa pamilya nila na magkaroon ng Haloween party.

“We won’t be here, e. Kasi by that time, nasa States pa ako for the concert. The show kasi is on November 3.

“So, yung aming tradition na Holloween party—may costume party, pero kami-kami lang ‘yon ng family—will probably be delayed.

“Or… I don’t know. Kasi birthday din ng anak ko [Nate] sa November 8. So, we’ll probably do it na lang on the 8th.”

Aside from her concert sa U.S., may iba pa bang aabangan sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman. Walang masyado!” sabay tawa niya.

“Actually kasi, hindi ako masyadong busy itong time na ‘to.

“It’s a good thing na rin kasi my husband is so busy. So I’m able to take care of my son.

“Plus, ‘yon na nga, I was able to see my father [Mang Gerry] who’s in the hospital.

"Blessing din talaga na meron akong time nowadays.”

OGIE’S SHOW. Nabanggit din ni Regine na regular siyang nanonood ng The Mega And The Songwriter, ang show ng mister niyang si Ogie, kasama si Sharon Cuneta, sa TV5.

“Ang ganda ng show! I love it!” aniya.

“Actually, ang daming magagandang feedback.

"And I’m so happy for my husband. I’m so proud of him.

“Tapos, siyempre natutuwa ako dahil kasama niya si Mega. Alam niyo naman ako, I’m eternally a fan.

“So, congratulations to my husband and my eternal idol, Sharon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN