Jackie Lou Blanco pegs her role in Genesis partly in the image of former President GMA: “Parang naging mas madali na... mag-isip ng specific person.”

Jackie Lou Blanco on the model for her role as a mean woman president in Genesis: “It’s not naman only GMA, marami naman tayong presidents, di ba? Puwede namang anybody in authority or somebody who’s ruthless... ”


May pagkasalbahe ang papel ni Jackie Lou Blanco sa bagong Kapuso serye na Genesis.

Gaganap siya dito bilang si Ramona Escalabre, ang dating Presidente ng Pilipinas na masama.

“Oo, sobra!” at tumawa si Jackie Lou.


ROLE MODEL. Sino ang peg ni Jackie Lou sa papel niya?

“Ayokong magsabi, Dios mio!” iwas niya munang sagot sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Pero pahabol niya, “Actually, wala naman akong specifically na, ako on my own, pero parang ano... parang si Presidente GMA [Gloria Macapagal Arroyo] ang… hindi naman kinopya ko, pero parang iyon yung parang pinaka-skeleton.

“I don’t know... not naman na iyon ang sinabi sa akin, pero parang iyon ang mga naririnig ko sa paligid ko, di ba?

“And, I guess, because yung nangyari din sa akin, yung I was ousted, may mga kasong ano... so di ba, parang…

“And it’s not naman only GMA, marami naman tayong presidents, di ba? Kumbaga nabahiran ng ano, di ba? So parang ganoon.

“But then, I also thought of na hindi naman talaga kailangang magkaroon ng one specific peg. Kasi, puwede namang anybody in authority or somebody who’s ruthless...

“It’s just that presidente rin kasi yung role ko, so parang naging mas madali na parang mag-isip ng specific person, di ba?”


MEAN CHARACTER. Mas salbahe raw siya ngayon dito sa Genesis kaysa dati niyang papel sa Indio.

Kuwento niya, “Kasi yung sa Indio ko, yung character ko doon ay mean, salbahe rin.

“Pero minsan, yung salbaheng syunga-syunga [tatanga-tanga], yung salbaheng minsan eenga-enga, yung ganoon.

“Pero here, kasi so far, from the scenes that I’ve done, my character, wala pa akong makitang soft side niya.

“Parang talagang she just wants the power, she’ll do anything para mabalik sa kanya yung slots ng Genesis project.

“She’ll do anything for the advancement of her career—walang kinatatakutan, even if she causes somebody to die. Parang for now, wala pa akong makitang redeeming value.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope at some point, we’ll realize why she is that way. But for now, parang iyon lang yung character niya,” kuwento pa ni Jackie Lou sa presscon ng Genesis kamakailan.

“In the beginning, I’m the President, and then I’ll be ousted. Mapapatalsik ako sa puwesto ko because of certain things that will be found out and ang papalit si Miss LT.”

Gaganap si Ms. Lorna Tolentino o LT bilang si Sandra Sebastian-Trinidad sa Genesis.

Bida namansi Dingdong Dantes bilang si Isaak Macalintal, at si Rhian Ramos ang leading lady niya bilang si Raquel.


PRIORITIES. Kung magiging presidente sa tunay na buhay si Miss Jackie Lou, ano ang problema ng bansa na una niyang sosolusyunan at bakit?

“Maraming problema naman talaga ang bansa. Pero siguro, being a mother siguro, I would like to focus on... yung education.

“Na maging talagang free, you know, na mas marami ang makapag-aral, and then the health services, di ba?

“Siguro iyon , iyon ang naiiisip ko. And of course, so many people na out of jobs, di ba?

“You have to create the environment para mas magkaroon ng mga trabaho.

“Kasi, you can have so many graduates, pero kung kulang naman ang employment services, so siguro iyon... education, health benefits and employment.”


END OF THE WORLD. At dahil tungkol sa katapusan ng mundo ang Genesis, ano naman ang tatlong bagay na gagawin niya bago matapos ang lahat?

Tugon ni Jackie Lou, “I’ll just really be with my family, just spend time with them and ask for forgiveness...

“Kung sino man yung feeling ko na nasaktan ko, that are readily available na nandiyan na puwede kong ano.

“And if siguro I cannot ask for forgiveness from everybody, o kung sinuman yung nasaktan ko, I’ll just say sorry to God and really give thanks sa lahat ng binigay Niya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, “But really, just to be with family... I think when you get to that point, ang iisipin mo talaga is really you go back to the basics.

“What is important is the love that you have for your family, and you’ll be with the people na mahal mo at mahal ka, di ba?

“Iyon lang naman ang pinaka-importante, e.”


RECONCILIATION. At dahil napag-usapan din ang pagmamahalan at pagbubuklod ng pamilya, ano ang naramdaman niya nang muling magkasundo ang ina niyang si Miss Pilita Coralles at ng aktres na si Lotlot de Leon?

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na nagsimula sa paghihiwalay nina Lotlot at ng anak ni Miss Pilita at kapatid ni Jackie Lou na si Ramon Christopher.

Lahad niya, “I’m very happy kasi sobrang dami naman yung pinagsamahan nila e, di ba?

“So I’m happy, na at least… maganda nga, e, everything happens in God’s time.”

Matagal daw pinag-isipan ni Jackie Lou kung papaano mapagbabati ang hindi nagkakasundong ina at hipag.

Sabi niya, “Before that, we would always think, ‘Paano ba natin sila pagbabatiin?’

“Yung minsan mag-iisip ka, ‘Ano kayang okasyon na puwede yung ganoon?’

“But then, you also realize na minsan, you really want something to happen, pero minsan, hindi pa talaga oras, e.

“It’s either hindi pa handa yung mga tao, di ba?”


MEMORABLE CHRISTMAS. Pero nitong ngang nakaraang Pasko, naayos na ang gusot sa pagitan ng dating mag-biyenan.

“E ito, talagang nagulat na lang kaming lahat na okey na sila, na hindi pinalano.

“So I’m very happy, kasi hindi maganda yung may dinadala kang sama ng loob.

“And I really don’t think it does anything, it doesn’t do you any good, wala naman. It will not add sa pagkatao mo, wala naman, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi maganda yung feeling na alam mong meron kang nasaktan, may taong may sama ng loob sa iyo, di ba?

“I think, you also get to an age that... sayang yung ginugugol mo na anger o inis, wala namang…. it doesn’t do anything to you, e, di ba?

“Mas maganda yung, ‘O sige, let’s forgive each other, let’s move on.’ Ganoon na lang, hindi ba?

“It’s a waste of time actually, to have any anger towards anyone.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN