Having a Miss World in the family has its downside, Megan Young’s mom reveals

Isiniwalat ng Mrs. Victoria Talde Young na isang araw ay bigla na lang naisip ng kanyang panganay na anak na si Megan Young na sumali ng beauty contest. Na-inspire daw ito pagkatapos nitong ma-interview si Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon.


Ilang linggo matapos manalo bilang Miss World 2013 ay bumalik na ng Pilipinas si Megan Young noong Huwebes ng hapon, October 10.

Puno ang daily itinerary ni Megan sa ilang araw na ilalagi niya sa bansa: presscon, motorcade, courtesy call sa Malacañang, charitable events, homecoming sa Olongapo, TV guestings, at interviews.

Kahapon, October 13, ay nag-guest si Megan sa Sunday musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Pagkatapos ng kanyang appearance, naiwan sa may lobby ng bagong building ng GMA Network ang kanyang ina na si Victoria Talde Young.

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon upang makapanayam ang ina ng newly crowned Miss World.

“Masayang-masaya ako. Pero at the same time, nagiging malungkot din ako paminsan-minsan,” bungad na pahayag ni Mrs. Young.

Inamin nitong maging silang pamilya ni Megan ay nahihirapang makasama o makapiling ang anak sa dami ng mga ginagawa nito ngayon.

Kuwento pa ni Mrs. Young, “Dahil alam mo ‘yan, aalis siya. Pagkatapos, hindi ko siya makikita nang matagal.

“E, kahit na nandito siya ngayon sa Pilipinas, parang napakalaking challenge sa akin na makita ko man lang siya.

“Naghihintay ako ng pagkakataon. Naghahanap ako ng pagkakataon na makasama ko man lamang siya. Na sana mag-spend a night man lang siya na magkapiling kami.

“Na, alam mo ‘yon, bago kayo matulog, e, dun pa lang kayo magkakaroon ng chance na magkuwentuhan talaga about each other. Pero hindi nangyayari yung ganun.

"Katulad nga, nandito tayo sa GMA, ‘yon lang, sa dressing room. Pero iba talaga kapag magkasama kayo sa bahay.

“And I don’t think meron siyang chance na sa bahay siya matulog or magdi-dinner kami na kami-kami lang. It’s not like that na.

“Normally, ang nangyayari ngayon, pag dinner, nasa public area pa rin."

Patuloy ng ina ni Megan, “We had a chance to see each other the other night [Friday, October 11] nang matapos ang parade sa MOA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But she was very exhausted, so I left her alone.

"Sabi ko, ’Matulog ka na lamang.’ Because she needed it.

“Wala talagang chance na makasama ko siya na kami-kami. And that’s quite a challenge for me na makapiling ko siya nang sarilinan.

“Nung pagdating niya last Thursday, she never had the chance to call me. She was so busy and everybody is around her.

“And… basta ako, naghihintay lang ako. Nagpa-private message siya, pero paisa-isang linya lang. Kasi, she’s very tired.

“Pero hindi naman sumasama ang loob ko. In fact, I’m really very proud of her.

“As her mother, I’m very proud na nakapagbigay siya ng malaking karangalan sa ating bansa.

"For me, it’s a big thing, and I consider that as a great achievement of her life as well as mine.

“Nalulungkot lang ako paminsan-minsan.”

VISIT IN OLONGAPO. Hanggang kailan mananatili si Megan dito sa Pilipinas?

“Hanggang this Tuesday [October 15] lang yata. Tapos, balik na siya ng London.

“Yesterday [Saturday, October 12], nagpunta siya sa Olongapo. At sobrang napakainit ng pagtanggap ng mga tao roon sa kanya.

“Dumaan din siya sa bahay namin doon. Dinalaw niya ang lola niya. Pero fifteen minutes lang sila nagkausap ng lola niya, because everybody was waiting for her.

“Ang ginawa na lang niya nga, pinasok na lang niya ang lola niya sa kuwarto. Dalawa lang sila, pero nandun din ako.

“Naku, ang liga-ligaya ng lola niya nung makita siya!”

CHRISTMAS WITHOUT MEGAN? Dahil magiging abala si Megan sa buong taon ng kanyang reign bilang Miss World, malamang ba ay hindi nila ito makasama sa Pasko?

“Nagkausap kami ni Miss Julia Morley nung bumisita nga sila sa Subic.

"She was telling me na hindi naman daw mawawala si Megan for the whole year.

“Sabi pa niya, ’Don’t worry ‘coz you will see her. You will be surprised, you will see her as often sa she can.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Julia Morley ang chairman ng Miss World Organization.

LAUREN. Ang isa pang anak na babae ni Mrs. Young na si Lauren ay sinasabing potential beauty queen din.

Pero madalas sinasabi ng young actress na wala siyang planong sumali sa beauty contest.

Takot daw kasi si Lauren na hindi mapantayan ang na-acheive ni Megan, na hindi lang basta naging Miss World Philippines kundi naging kauna-unahang Pinay rin na nag-uwi ng Miss World crown.

Ano ang masasabi dito ni Mrs. Young?

Sabi niya, “Megan was like that before. Sinasabi niya dati, she wasn’t ready yet.

“And kilala ko rin naman silang mga anak ko. Na kapag pinush mo sila, that’s when they’re not really going to do it.

“E, si Megan, one day, she just woke up na gusto na niyang mag-join.

“Tinanong ko nga siya what inspired her to join. Sabi niya… apparently, when she interviewed yung first runner-up natin sa Miss Universe, si Janine Tugonon, for her segment sa ASAP, sabi niya, she’d like na nga raw to join a beauty pageant.

“Na-inspire daw siya ni Janine.

“Si Lauren naman, one day siguro, magwi-wake up din siya na gusto na rin niyang mag-join sa beauty pageant.

“Hindi siya matatakot dahil nanalong Miss World si Megan. Knowing Lauren, she’s not afraid of anything.

“She has that personality na gusto niyang nagdi-discover. She’s not afraid.”

MIKAEL DAEZ. Ano naman ang masasabi ni Mrs. Young sa actor-TV host na si Mikael Daez, na napapabalitang "special friend" ni Megan?

“Well, that might be true. But I can’t speak for Megan.

“And sa amin kasi, kapag lumalabas silang magkakabarkada o magkakaibigan, kasama ako. So, we always go out together.

"In fact, the other night, we went out to dinner, without Megan. Talagang magkakasama kami.”

Baka sinusuyo din siya ni Mikael dahil siya ang ina ni Megan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, not bad at all!” natawang sabi ni Mrs. Young. Kasi, napakabuti naman niyang bata. Mabait si Mikael."

Boto ba siya kay Mikael para kay Megan?

“Oo naman. Ang bait niya kasi, e.”

Pero bilang reigning Miss World, magbibiyahe sa iba’t ibang bansa si Megan. Makakasalamuha nito ang maraming tao at hindi malayo ang posibilidad na maraming kalalakihang magkainteres na manligaw sa kanya.

Hindi kaya maging tagilid dito si Mikael?

“Basta ang pag-ibig, kung saka-sakaling maging sila...

"Siyempre pag-ibig na ‘yan, kahit pa anong mangyaring tukso diyan, hindi kayang tibagin ‘yan!” sabay tawa ng ina ni Megan.

ELMO MAGALONA. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon na tanungin si Mrs. Young tungkol naman sa rumored boyfriend ni Lauren na si Elmo Magalona.

Sabi niya tungkol dito, “Elmo is actually very nice!

“And kung saka-sakali mang ligawan si Lauren ni Elmo o magiging sila, e, he’s really a nice guy din naman.

“Si Elmo, katulad din ni Mikael, we go out together. And si Mrs. Magalona [Pia Magalona, Elmo’s mom] is Lauren’s manager. So I always see her also.

“That’s why a lot of times, makikita niyong magkakasama sina Lauren at Elmo.

“It’s because Lauren goes to Pia. And Elmo is there. So you would see them together more often.”

Pero tila mas umi-effort si Mikael na maging close sa kanya kumpara kay Elmo?

“I think it’s just a natural thing!” tawa ulit ni Mrs. Young.

“It’s not really a hard effort na ano… it’s just a natural thing because magkakaibigan talaga sila.

"And knowing na ako naman ay approachable siguro for him [Mikael], so more likely, talagang nagkakasama naman kami nang madalas.”

MEGAN’S PRIZE. Wala pang lumalabas na balita tungkol sa mga premyo ni Megan kaugnay ng kanyang panalo bilang Miss World 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw alam ni Mrs. Young ang tungkol dito dahil wala raw nababanggit si Megan sa kanya.

“I tried to Google it. Kasi, normally, in any competition or beauty pageants, they announce the prizes that the winner is going to have.

“But for Miss World, nung matapos na yung coronation night, sabi ko, ’Ano nga ba yung mga premyo? Parang hindi ko yata narinig?” natatawang biro ng ina ni Megan.

“So, I tried to Google it. Pero, wala!

“But I have talked to people who have experience in Miss World pageantry. Ang sabi nila, every time she [winner] has activities na pupuntahan to raise money, meron naman daw honorarium.

“And you know, I think ang mga benefits diyan is… kung siya ay magkakaroon ng mga endorsements. Na, she will have a great rate.”

Pero sa Miss World Philippines, hindi ba’t may one million pesos na premyo si Megan?

“Opo," pagkumpirma ni Mrs. Young.

“Si Megan naman, she takes care of her own finances naman.

“Ang sabi niya, she’ll take care of us… yung place na titirhan namin. Kasi, right now, she has her own condo.

“And now, being back here in the Philippines, na dito na ulit ako magwu-work, I will be joining my two other children—si Lauren at saka si Victor.

“So, mas gusto ni Megan na iisang bahay lang kami. And that’s what she’s planning to do.

“I don’t know. Maybe it’s not gonna be very soon.

"But I think she would like to make it happen na magkakasama kami sa isang bubong lang. Kasi si Lauren din has her own unit. Although magkapitbahay lang sila, pero magkahiwalay pa rin.

“But we still have a home din naman in Subic.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN