Willie Revillame tops BIR 2012 list of celebrity taxpayers; Kris Aquino drops to sixth place

Ang TV host-comedian na si Willie Revillame (kaliwa) ang nanguna sa hanay ng mga artistang nakapasok sa listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Top Individual Taxpayers for 2012. Nasa ikalawang puwesto si Willie pagkatapos magbayad ng P63.9 million na buwis noong isang taon. Si Kris Aquino (kanan), ang No. 1 taxpayer noong 2011, ay bumaba sa ika-anim na puwesto noong nakaraang taon.


Ang TV host-comedian na si Wilfredo "Willie" Revillame ang nanguna sa hanay ng mga celebrity na nakapasok sa listahan ng Top Individual Taxpayers ng 2012 na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Umakyat sa ikalawang puwesto ang Wowowillie host, mula sa ika-181 puwesto noong 2011, pagkatapos magbayad ng P63.9 million na buwis noong isang taon.

Ang dating nasa unang puwesto na si Kristina Bernadette “Kris” C. Aquino ay bumaba sa ika-anim na puwesto ngayong taon sa pamamagitan ng P44.933 million.

Ang Top Individual Taxpayer ng 2012 ay si Vivian Que Azcona, presidente ng Mercury Drug, na nagbayad ng kabuuang buwis na P131.43 million. Wala si Azcona sa ranking ng BIR noong 2011.

Bukod kina Willie at Kris, nakasama rin sa listahan ng BIR ng Top Individual Taxpayers For Taxable Year 2012 ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz, na nagbayad ng P42.791 million.

Umakyat si John Lloyd sa ika-walong puwesto kumpara sa ika-205 na puwesto niya noong 2011.

Nasa ika-siyam na puwesto naman ang Megastar na si Sharon Cuneta, na nagbayad ng kabuuang buwis na P42.04 million. Noong 2011 ay nasa ika-191 na puwesto ang Kapatid prime star.

Nasa Top 50 rin sina Judy Ann Santos, 32nd, P24.09 million; Piolo Pascual, 34th, P23.36 million; Manny Pacquiao, 36th, P22.38 million; Bea Alonzo (Phylbert Angelie Escalante Ranollo), 44th, P20.74 million; at Anne Curtis, 50th, P19.17 million.

Ang iba pang celebrities na nakapasok sa Top 500 Individual Taxpayers for 2012 ay sina: Sarah Geronimo (59th, P18.3 million); Robin Padilla (60th, P18.2); Derek Ramsay (68th, P16.7 million); Mike Enriquez (71st, P16.5 million); Coco Martin (79th, P15.6 million);

Vic Sotto (89th, P14.6 million); Boy Abunda (110th, P13 million); Michael V. (118th, P12.59 million); Vice Ganda (137th, P12 million); Joey de Leon (156th, P11 million);

Dingdong Dantes (216th, P9.48 million); Angelica Panganiban (226th, P9.06 million); KC Concepcion (311th, P7.4 million); Solenn Heussaff (327th, P7.2 million); Toni Gonzaga (390th, P6.6 million); Angel Locsin (398th, P6.6 million); at Jessica Soho (447th, P6.2 million).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hanay naman ng TV executives, nangunguna sa listahan ang TV5 chairman na si Manuel "Manny" V. Pangilinan, na nasa ika-30 puwesto, dahil sa kanyang binayarang buwis na P24.671 million.

Ang chairman at CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon ay nasa ika-41 na puwesto, pagkatapos magbayad ng kabuuang buwis na P20.9 million noong isang taon.

Ang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio "Gabby" Lopez III ay nasa ika-43 na puwesto, sa pamamagitan ng P20.75 million.

Ang may-ari ng TAPE Inc. na si Antonio "Tony" Tuviera ay nasa ika-53 puwesto, pagkatapos magbayad ng kabuuang buwis na P18.9 million.

Ang president at COO ng GMA Network na si Gilberto Duavit Jr. ay pang-61, dahil sa kanyang binayarang buwis na P18.23 million.

Ang dating presidente ng TV5 na sa Atty. Ray Espinosa ay nasa ika-81 puwesto dahil sa kanyang binayarang buwis na P15.38 million.

Ang CEO at presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ay pang-190 matapos magbayad ng kabuuang buwis na P10.074 million.

Dalawa pang executives ng Kapamilya network ang nasa Top 500 Individual Taxpayers—sina Cory Vidanes (296th, P7.6 million) at Laurenti Dyogi (456th, P6.1 million).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN