Hayden Kho Jr. walks the spiritual path, puts acting career on hold

Bagamat nasimulan na niya ang kanyang acting career, gusto raw munang ipagpaliban ito ni Hayden Kho Jr.: “Sabi ko nga, dahan-dahan namang ire-reveal sa akin ni God kung ano yung importante. Kung ano ang gusto Niyang gawin sa buhay ko... So, I will trust Him to tell me, to dictate me what is appropriate career or job for me.”


Nakakapanibago ang mga salita ni Hayden Kho Jr. kapag nakakausap ngayon ng media.

Malayo ito sa Hayden na nakilala ng press bago siya nasangkot sa sex video scandal noong 2009.

Ngayon ay madalas na tungkol sa kanyang spiritual renewal ang paksa ng usapan. Ito umano ang sentro ng bagong buhay na sinisimulan niya.

“Mabuti naman!” nakangiting sagot ni Hayden nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng 5thPMPC Star Awards for Music na ginanap noong Linggo ng gabi, October 13, sa grand ballroom ng Solaire Hotel, sa Pasay City.

Dagdag niya, “My life is very good. I’m very fulfilled about everything that’s happening in my life.

“I’m focusing on myself. I’m doing Apologetics… studying. And building foundations, basing it on Christ and God. And everything else.

“I think the foundation that everyone need is Christ and God.

“I need to have a strong foundation in God so I won’t be troubled or disturbed.”

Ang Apologetics ay isang field ng Christian theology, ayon sa Wikipedia, "which aims to present a rational basis for the Christian faith, defending the faith against objections."

RELATIONSHIP WITH GOD. Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang magwakas ang relasyon ni Hayden sa cosmetic surgeon na si Vicki Belo.

Kumusta ang puso niya ngayon? Mayroon na ba siyang bagong special someone?

“A, wala!" bulalas ni Hayden. Sa ngayon, wala na lang muna. Off muna tayo diyan.

“The only relationship that I’m fixing and working out right now is my relationship with God and my relationship with myself.

“I think that’s the most important thing.”

Malabo na ba talaga silang magkabalikan ni Dra. Belo?

“I’m not gonna answer that question,” nakangiting pag-iwas ni Hayden.

Matatagalan pa ba bago niya maisip na humanap ng special someone, at bumuo ng sarili niyang pamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam. Uhm… ewan ko, hindi ko masasagot yung tanong na ‘yan,” sagot ng 33-year-old former cosmetic surgeon.

Kung sakaling magkaroon siya ng panibagong karelasyon, dapat ba ay renewed Christian din gaya niya?

“Ideally, yes! Otherwise, we’ll convert,” sabi ni Hayden.

Ayaw na niya ng celebrity na karelasyon? “Tingnan natin. Sabi ko nga, hindi ko pa masasagot, e.

“Hindi ko pa masasagot. Let’s see na lang in the future."

PAST MISTAKES. Ngayong isa na siyang renewed Christian, hindi na ba pumapasok sa isipan niya ang mga hindi magagandang nangyari noon sa kanya, bunga ng kontrobersiyal na sex video scandal niya?

Pag-amin ni Hayden, “It’s still there. It’s still there. But, ang importante naman is, hindi naman yung nangyari dati, kundi kung ano yung nangyari sa akin after.

"Kung anong stages ang nangyari sa akin after.”

May bagong buhay nang sinisimulan si Hayden ngayon. Pero ano nararamdaman niya ngayong masaya na rin sa kani-kanilang buhay ang mga nasangkot sa kontrobersiya niya noon na sina Katrina Halili at Maricar Reyes?

Si Katrina ay may anak na sa boyfriend nitong si Kris Lawrence. Habang si Maricar naman ay kasal na sa singer na si Richard Poon.

“I’ll keep the answer to that to myself na lang,” nangiting pag-iwas na naman ni Hayden.

ACTING CAREER. Bagamat nasimulan na ni Hayden ang kanyang acting career, sa pamamagitan ng pelikulang The Bride and The Lover (2013), hindi pa raw niya alam kung ipagpapatuloy niya ito.

“Off muna tayo diyan. Sasagutin natin ‘yan kapag ready na tayong sumagot. Pero sa ngayon, wala pa akong maisagot diyan.”

Pero may offer sa kanyang gumawa ng pelikula?

“I was supposed to do an indie film, kaso nag-backout ako.

“Because, like I said, I needed to rebuild foundation and focus on my relationship with God.

“I think, ipinapalabas na yung movie na ‘yon na gagawin ko dapat sana. Ayoko na lang sabihin yung title.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya nagustuhan ang story o yung role niya sa nasabing indie film?

“No, no... It’s really my focus on my relationship with God.

“I’m trying to be a different man—and that’s more important to me right now.”

How different is he now?

“I can’t say that!” bahagyang natawa si Hayden. “We can’t say that in degrees. And it’s hard to describe.

“Let’s see. Time will tell. So we’ll just wait for that.”

Posible kaya na maging pastor siya kalaunan?

Sagot ni Hayden, “Kung iyon ang ginusto ng Panginoon, bakit hindi natin gagawin, di ba?

“Malalaman na lang natin. Makita na lang natin next year kung ano yung result. Kung ano yung plano.

“Now, it’s really not for me to say. I’m just relying on God to reveal to me inch by inch what He plans for me.

“He is God, Giver of things. And I really trust, after this whole thing, He will reveal beautiful things out of my life.

“Sabi ko nga, dahan-dahan namang ire-reveal sa akin ni God kung ano yung importante. Kung ano ang gusto Niyang gawin sa buhay ko.

“The way I was… my personality, my everything that I am is designed from God.

"So, I will trust Him to tell me, to dictate me what is appropriate career or job for me.”

Kahit sexy pictorials, ayaw na rin niya?

“I’m trying to stay away from that, yes.”

Okay naman daw ang takbo ng perfume business niya. Bukod dito, may iba pa raw siyang pinasok na investments.

“Well, I invested in several businesses with my friends. So, that’s good!”

Kumusta na ang pag-apela niya sa pagbawi ng kanyang medical license dahil sa sex video scandal niya?

Ayon kay Hayden, “I have no update yet... we’ll see na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“These are things na sa akin na lang muna. I can’t reveal anything yet.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN