Quezon City Mayor Herbert Bautista aims for third term

"Kapag malapit na ang election season, tsaka natin pag-usapan." Ito ang sagot ni Quezon City Mayor Herbert Bautista nang matanong siya sa kanyang mga susunod na hakbang sa pulitika.


Sinabi ni Mayor Herbert Bautista na gusto niyang matapos ang tatlong termino bilang mayor ng Quezon City.

Sa kasalukuyan ay nasa ikalawang termino na niya si Mayor Herbert.

Gayunpaman, hindi tinukoy ng actor-turned-politician kung ano ang susunod niyang hakbang kung sakaling matapos nga niya ang tatlong termino bilang alkalde ng Quezon City.

"I’m looking forward to a third term, pero what I want as mayor is that if I put up politics, it’s not term-based, it’s institutional, it’s long-term.

"Pero I look at my political [career] as per term-based.

"Politics kasi ’yan, e, every three years lang naman talaga ’yan," pahayag ni Mayor Herbert nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Local Education Policy Workshop na ginanap sa Crowne Plaza, Pasig City, noong nakaraang linggo.

Bakit hindi pa siya nakakapagdesisyon sa kanyang susunod na mga plano sa pulitika.

Paliwanag niya, "Katatapos lang noong June ng eleksyon, e.

"Mga ganito muna para gumawa ng policies, institutionalize the policies.

"And then, kapag malapit na ang election season, tsaka natin pag-usapan."

Landslide ang naging panalo ni Mayor Herbert noong May 2013 elections laban sa mga nakatunggali niyang sina Johnny Chang at Henry Samonte.

Una siyang naluklok bilang mayor noong 2010.

Bago iyon, naging vice mayor muna siya ng Quezon City sa loob ng 12 taon, at nagsilbing konsehal mula 1992 to 1995.

PUBLIC EDUCATION. Sa kasalukuyan, ang 45-anyos na actor-politician ay nagsisilbi ring presidente ng League of Cities of the Philippines at chairman ng Social Development Committee of the Regional Development Council of the Metro Manila Development Authority.



Kaya naman naging malaki ang partisipasyon ni Mayor Herbert sa ginanap na Local Education Policy Workshop, nooong October 9 at 10, na pinangunahan ng Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP, kasama ang The Asia Foundation – Coalitions for Change (CfC) at Australian Aid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Layon ng nasabing workshop ang makabalangkas ng plataporma sa mga isyung pang-edukasyon sa bansa.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng 40 mayors at governors mula sa iba’t ibang probinsiya at bayan sa buong Pilipinas.

Matatandaang noong Mayo ay isinabatas na ni Pangulong Noynoy Aquino ang K-12 program, kunsaan ang isang estudyante ay kailangang pumasok sa kindergarten, magkaroon ng anim na taon sa elementarya, at ang dating apat na taon sa high school ay madadagdagan ng dalawang taon.

Sabi ni Mayor Herbert, "This year kasi ang start ng implementation ng K-12. And by 2016, e, kailangan fully operational na siya. So, kailangan mag-workshop.

"Ano ba yung mga concerns sa umpisa pa lang, maliban sa infrastucture, yung finance? Merong source ng funds, yung SEF [Special Education tax], pero yun yung Real Property Tax.

"Pero it’s a political thing that has to be addressed by the national government."

Ayon sa www1. worldbank.org, ang Real Property Tax ay ang "most important tax revenue of local governments."

Isang porsiyento ng Real Property Tax ang naka-allocate sa SEF na inilalagak para sa public education.

Ganito rin ang paniniwala ni Mayor Herbert upang mapondohan ang bagong curriculum.

Saad niya, "I think the local government could provide for the Real Property Tax, and one percent of the Real Property Tax goes to special education fund for public elementary and high school education."

Mungkahi pa niya, "Medyo political ’yon. E di, depoliticize nila ’yon, makakagawa ng paraan. Mahirap talagang umandar ’yan kung walang funding.

"Masyado nang highly developed yung metropolitan area. Or even yung component cities, mataas na mataas na.

"Bakit di natin i-capacitate yung rural areas, yung mga municipalities?

"Dun naman mag-focus yung mga efforts ng national government."

Sa gayon daw ay hindi mapag-iiwanan ang ibang mag-aaral sa mga malalayong probinsiya.

Sabi pa ng alkalde, bahagi ng mentalidad ng mga Pilipinong magulang na ang edukasyon lamang ang tanging maipamamana nila sa kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Education is really cultural in the concept of a Filipino family," sabi niya.



OBJECTIVE OF K-12. Ayon kay Mayor Herbert, ang pinakalayon ng bagong education curriculum ay upang itaas ang kalidad ng impormasyon ng mga mag-aaral sa high school, at nang sa gayon makapagtrabaho agad ang estudyante pagkatapos ng high school.

"This time, dapat provided with all of the guidelines by NEDA [National Economic Development Authority].

"Kunwari, sa Metro Manila, sa tourism ’yan. Sa CALABARZON, industrial zone ’yan, eto agricultural pa rin.

"Kung ano yung needs ng mga lugar na ’yon, dapat dun naka-focus yung education natin para ma-focus natin."

Sa palagay ni Mayor Herbert, isang hamon pa rin ang full implementation ng K-12 pagdating ng 2016, lalo pa’t marami ang dapat isaalang-alang.

"But at least the policy has been led. The concerns have been looked into at this early stage.

"Kung anuman yung pumutok three, four, five years from today, na-anticipate na ’yan—except that kulang lang ng pondo," aniya.

Ang mga napag-usapan sa nasabing workshop ang magiging basehan para sa policy proposal sa pagpapahusay ng local education governance.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN