Angelica Panganiban shaken by first-hand experience of Bohol earthquake, asks for prayers on Instagram

Angelica Panganiban had the scare of her life when she experienced the powerful earthquake in Tagbilaran City earlier this morning, October 15. "Pray for Bohol… Pray for our safety.. Hindi na matanggal sa isip namin ang nangyari ngayong umaga. Sana tumigil na nga ang mga aftershocks.. Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag akala mo magpapaalam ka na sa mundo. Pero safe naman na daw kami. Sana tuloy-tuloy na. God bless Philippines,” wrote Angelica in her photo


Nayanig ang sambayanang Pilipino sa balitang isang matinding lindol ang tumama sa mga lalawigan ng Bohol, Cebu at iba pang karatig-probinsiya, dakong alos-otso ng umaga ngayong araw, October 15.

Nasa 7.2 magnitude ang tumamang lindol sa mga nabanggit na probinsiya.

Ayon sa naunang reports, ilang tao ang namatay at marami ang nasugatan, sanhi ng mga gumuhong gusali.

Mabilis ding kumalat sa Internet ang mga larawan ng mga nasirang historical landmarks sa iba’t ibang bayan ng Bohol, kabilang na ang sikat na Loboc Church.

Kasabay nito ay ang pagdagsa ng simpatiya at pakikiramay ng local celebrities para sa mga naapektuhan ng lindol, sa pamamagitan ng Twitter at Instagram.

Sa pagkalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyon tungkol dito, napag-alaman naming mismong ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban ay kasalukuyang nasa Bohol nang maganap ang lindol.

Ang aktres ay nag-post sa Instagram ng larawan ng nasirang gusali ng Tagbilaran City Hall, bandang alas-onse ng umaga kanina.

Kalakip nito ay ang caption, kung saan ibinahagi ni Angelica ang kanyang first-hand experience sa naganap na lindol sa Bohol.

Tila na-trauma ang aktres, ngunit agad niyang nilinaw na nasa mabuting kalagayan na siya ngayon at ang iba pa niyang kasama.

Saad ni Angelica sa kanyang Instagram post: “Pray for Bohol… Pray for our safety.. Hindi na matanggal sa isip namin ang nangyari ngayong umaga. Sana tumigil na nga ang mga aftershocks..

“Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag akala mo magpapaalam ka na sa mundo. Pero safe naman na daw kami. Sana tuloy-tuloy na. God bless Philippines..”

Samantala, ang ibang local celebrities ay nag-alala rin para sa sinapit ng mga kababayang taga-Bohol, at pati na rin sa katabing-probinsiya tulad ng Cebu at Negros Occidental.

Maging si Kim Chiu ay nag-alala para sa kaligtasan ng kanyang lola na nakatira sa Cebu.

Ani Kim sa kanyang Instagram post: “Saw these photos this morning... Nakuyawan ko and called my lola dayon sa Cebu if she’s ok. Thank God ok raw siya pero nahadlok siya kasi kusog kuno kayo ang linog, first time daw niya to maexperience sa Cebu… I pray for everyone’s safety sa Cebu. Pag amping mong tanan. #prayforcebu #prayforphilippines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Megastar na si Sharon Cuneta ay ipinaabot din ang kanyang panalangin para sa mga biktima ng lindol.

Saad ng Megastar sa kanyang Twitter account: “Oh dear Lord God... Please bless our kababayan in Cebu and Bohol... Please give them strength during this time...

"My heart is aching... My beloved Cebuanos, please be strong... Dear Boholanos, my heart goes out to you all... My love and prayers are with you.

"Negros, too?! Pls be strong! Love and prayers.”

Ganoon din si Sunshine Cruz, na ibinahagi sa kanyang Instagram ang ilang larawan ng mga gumuhong historical landmarks sa Cebu at Bohol.

Aniya: “This is heartbreaking. :( #prayforbohol #prayforcebu #prayfornegros.”

Ang K-pop superstar namang si Sandara Park, miyembro ng 2NE1, ay nagpaaboot din ng kanyang pakikiramay sa mga kababayang Pinoy, sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag #prayforbohol at #prayforcebu, sa kanyang Twitter account.

Habang sina Anne Curtis, Agot Isidro, Conney Reyes, at Assunta de Rossi ay hinikayat ang kanilang Twitter followers na ipagdasal na sana ay wala nang nagbabadyang panganib para sa mga taga-Bohol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN