Richard Poon owns up, "I’m not as clean as everybody thinks," as talks persist about wife Maricar Reyes’s past

" data-url="https://www.pep.ph/news/40737/richard-poon-owns-up-i39m-not-as-clean-as-everybody-thinks-as-talks-persist-about-wife-maricar-reyes" data-desc="Richard Poon says he would be polite in a chance encounter with Hayden Kho. Reveals that Maricar herself is "magalang" with Dr. Vicky Belo and Hayde" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0a52d678c.jpg">

Marami ang humanga kay Richard Poon nang pakasalan niya si Maricar Reyes noong June 9, 2013, sa kabila ng kontrobersiyang pinagdaanan ng aktres. Paliwanag dito ng singer, ’When you marry somebody, it’s good and bad, e. Everything about her ay kailangan mong tanggapin, e."

Mahigit apat na buwan na ang nakalilipas mula nang ikasal ang singer na si Richard Poon sa aktres na si Maricar Reyes.

Ikinasal ang dalawa noong June 9, sa Bellevue Hotel, sa Alabang, Muntinlupa.

May ilang naghinala noon na baka hindi matuloy ang kasal ng dalawa.

Ito ay dahil daw sa "urong-sulong" na pag-uugali ni Richard. At isama na rin ang kontrobersiyang pinagdaanan noon ni Maricar bago pa siya nag-artista.

Ngunit sa kabila ng mga ito ay pinatunayan ni Richard kung gaano niya kamahal si Maricar nang pakasalan niya ang aktres.

Ang tungkol dito ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin ang crooner, pagkatapos ng production number niya sa 5th Star Awards for Music noong Linggo, October 13, sa grand ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Pahayag ni Richard, "Well, alam ko na... It’s a personal belief ko lang naman, na it was taught to me na, dapat daw ang karapat-dapat daw na makuha ng babae, kung naging kayo, ay kung meron kang at least plano man lang na pakasalan.

"Meaning, it is a long-term commitment. Kasi kung hindi, it’s just a temporal pleasure.

"’I just get what I want from you sa relationship. And when it gets bad, back off ka.’"

Dugtong pa niya, "Actually, the reason why I was urong-sulong was that, unlike before na kapag meron akong relationship, wala akong iniisip, honestly.

"I wasn’t a commitment-type of guy. Tipong ang gusto ko ay now lang. I’m not... Yung halimbawa, tomorrow ay kakausapin mo ako tungkol sa commitment, ayoko.

"But I guess, na-meet ko si Maricar at the time na, ’Ayoko na, e.’ Yung to hop around, ayoko na, e. It’s an unfulfilling world.

"Nang ma-meet ko siya, sabi ko, ’Gusto ko ’to.’

"Tapos, nag-pull back ako for a while, in 2009, kung totoo ang nararamdaman ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And when I came back in 2010 hanggang 2012, talagang friends kami. Lumalabas kami, group. Kailangan kong pigilan na kaming dalawa lang.

"Noong una, ganoon lang, until I decided to formalize it."

NOT BOTHERED BY SCANDAL. Ayon pa kay Richard, hindi naging dahilan ang pinagdaanang eskandalo ni Maricar noon para hindi niya ituloy ang nararamdaman para sa doktorang naging artista.

Aniya, "2009 was a bad year for her dahil lumabas nga ang scandal.

"2010 was a test of our friendship.

"Tsaka, when you marry somebody, it’s good and bad, e. Everything about her ay kailangan mong tanggapin, e.

"So, kailangan ko ring mag-isip, ’Kakayanin ko ba?’

"Baka nagmamagaling lang ako, pero eventually ay baka bumigay din ako, di ba? ’Kaya ko ba?’

"And at the same time, tinatanong ko rin siya, ’Kaya mo ba ako?’

"Hindi naman ako perpekto. May sarili naman akong weaknesses.

"So, years yun na binuild [build] until, nang naging kami, I said, ’I wanna marry you.’

"Seriously, hindi ako nagloloko. Kasi, sure na ako."

Ngayong nagsisimula na silang bumuo ng sariling pamilya, inalam ng PEP kay Richard kung ang nakaraang public scandal sa buhay ni Maricar ay parang isang multo na laging nagpapaalala sa kanya.

Seryosong sagot ng singer, "Maraming nagpapaalala sa akin.

"Even in Facebook, there are nasty Filipinos... Filipinos from other countries... marami silang nasty comments regarding Maricar’s past... the videos and all.

"Ako, it’s always a practice, e. An opportunity to practice two things.

"Una, to be able to forgive somebody and to remember that once in my past ay ganun din ako.

"Masakit din pala kapag ikaw ang nakatanggap.

"So, ganun lang. It’s a practice na huwag mong patulan... I-block mo na lang."

HAYDEN KHO. Noong 5th Star Awards for Music ay naroon din si Hayden Kho Jr. bilang presentor.

Si Hayden ang model-actor at dating boyfriend ni Maricar, na kasangkot din sa sex-video scandal na pinag-usapan sa lokal na media noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inalam ng PEP kay Richard kung ano ang magiging pakiramdam niya o magiging reaksiyon kung sakaling nagkita silang dalawa ni Hayden sa nasabing lugar.

Sagot niya, "I’ll probably be polite, but I don’t think I’ll be yearning to be close.

"I think eveybody needs to be respected at some level.

"I’ll probably say ’Hello... kumusta?’ Ganito, pakilala. After nun, I don’t think na may gagawin ako."

Paglilinaw pa ni Richard, "I’m not saying I’ll be everybody’s close friend. Kasi, I feel... respect lang.

"Kasi kahit si Mars [Maricar] ay ganoon din. When she sees [Vicki] Belo or when she sees Hayden, she’s magalang.

"I think they’ve met after the incident of 2009, and naging respectable naman.

"I think eveybody deserves respect.

"Parang... it’s like this, e, I may not like what somebody does or has done to me, pero di naman ako perpekto, e.

"At one point ay nanakit din ako, ayaw din akong kausapin ng sinaktan ko. So, ako, hinihingi ko lang ay mag-sorry.

"At hindi naman kailangang maging close tayo, patawarin lang ako.

"And the worse you can give is huwag mo siyang kausapin, treat him like hindi siya tao."

Paano kung si Hayden ang gumawa ng paraan at lumapit sa kanya? Ano ang magiging reaksiyon ni Richard?

"I think I have to be polite nga about it, ’hi and hello’ lang.

"But to talk about... is there anything to talk about? Better huwag na lang siguro."

KNIGHT IN SHINING ARMOUR. Marami ang humahanga kay Richard dahil sa ginawa niyang pagpapakasal kay Maricar, sa kabila ng nakaraan ng kanyang misis.

Sinasabi ngang sa bansang gaya ng Pilipinas, mas kawawa ang kababaihan kapag nadadawit sa isang sex scandal, kumpara sa mga kalalakihang sangkot din.

Liban pa rito, matagal makalimot ang publiko sa ganitong mga kaganapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pahayag ni Richard tungkol dito, "You know, I dread the day that Maricar would tell me, ’You know, you have a bad past.’

"I dread that day. Everybody has a bad past.

"Ako, ayoko namang gawin sa akin yun. So, everybody deserves a space of respect.

"Okay lang na mag-away kayo, pero just have some respect."

Dagdag pa niya, "You know, I don’t think na napakalaking bagay yun.

"I think, I’ve done more mistakes... hindi lang...

"I think I’ve done wrong things and have hurt a lot of people, but the world tends to view it na, ’Wow, Richard, natanggap mo siya?’

"Pero, if you knew my story, siya [Maricar] ang papalakpakan ninyo at hindi ako, because I’m not as clean as everybody thinks.

"But when we marry, we did not marry just for the heck of it. We married ’coz good and bad, tatanggapin mo."

Dalawang bagay raw ang nagbibigay-lakas kina Richard at Maricar para ilagay sa ayos ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

"Kumakapit ako, one, kay God. I think, Siya lang ang puwedeng magmahal ng tunay sa tulad kong palpak.

"Number two, I pick mentors that have gone through the fire. I pick married people na hindi sila perpekto, pero masaya sila.

"So, Maricar and I have a regular weekend meetings with these couples where we learn a lot from them. We just take down notes.

"Kasi, para sa amin, mas maganda yung maging kaibigan mo ay yung mga masaya.

"Kasi kapag yung hindi, baka pati ako ay magalit na rin, di ba? Mahirap, e."

Ibig bang sabihin nito, anuman ang naging nakaraan nila, hindi nito kayang tibagin ang pundasyon ng kanilang buhay mag-asawa?

Makahulugang sabi ni Richard, "I believe that I don’t know how people can take my past.

"I believe that some people will always tell me, ’Alam mo, Richard, if I were in your shoes, I wouldn’t accept Maricar’s past.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I guess, God is gracious na binibigyan ka Niya ng isang tao na... yung galit sa iyong tao na yun ay meron namang isang tao na nagmahal sa iyo.

"Exactly the same kung ano ka, and that’s who God is. Siya yung nagbibigay sa iyo ng tao na bagay para sa iyo.

"So, I think, as long as accepted ako ng God, despite who I am, susubukan ko na tumanggap ng pagkakamali ng iba. Susubukan ko lang.

"Pero, for Maricar, gagawin ko ang lahat para tanggapin ang lahat."

" data-url="https://www.pep.ph/news/40737/richard-poon-owns-up-i39m-not-as-clean-as-everybody-thinks-as-talks-persist-about-wife-maricar-reyes" data-desc="Richard Poon says he would be polite in a chance encounter with Hayden Kho. Reveals that Maricar herself is "magalang" with Dr. Vicky Belo and Hayde" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0a52d678c.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40737/richard-poon-owns-up-i39m-not-as-clean-as-everybody-thinks-as-talks-persist-about-wife-maricar-reyes" data-desc="Richard Poon says he would be polite in a chance encounter with Hayden Kho. Reveals that Maricar herself is "magalang" with Dr. Vicky Belo and Hayde" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0a52d678c.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40737/richard-poon-owns-up-i39m-not-as-clean-as-everybody-thinks-as-talks-persist-about-wife-maricar-reyes" data-desc="Richard Poon says he would be polite in a chance encounter with Hayden Kho. Reveals that Maricar herself is "magalang" with Dr. Vicky Belo and Hayde" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0a52d678c.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40737/richard-poon-owns-up-i39m-not-as-clean-as-everybody-thinks-as-talks-persist-about-wife-maricar-reyes" data-desc="Richard Poon says he would be polite in a chance encounter with Hayden Kho. Reveals that Maricar herself is "magalang" with Dr. Vicky Belo and Hayde" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0a52d678c.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40737/richard-poon-owns-up-i39m-not-as-clean-as-everybody-thinks-as-talks-persist-about-wife-maricar-reyes" data-desc="Richard Poon says he would be polite in a chance encounter with Hayden Kho. Reveals that Maricar herself is "magalang" with Dr. Vicky Belo and Hayde" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0a52d678c.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40737/richard-poon-owns-up-i39m-not-as-clean-as-everybody-thinks-as-talks-persist-about-wife-maricar-reyes" data-desc="Richard Poon says he would be polite in a chance encounter with Hayden Kho. Reveals that Maricar herself is "magalang" with Dr. Vicky Belo and Hayde" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0a52d678c.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/40737/richard-poon-owns-up-i39m-not-as-clean-as-everybody-thinks-as-talks-persist-about-wife-maricar-reyes" data-desc="Richard Poon says he would be polite in a chance encounter with Hayden Kho. Reveals that Maricar herself is "magalang" with Dr. Vicky Belo and Hayde" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0a52d678c.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN