Regine Velasquez gets set for new soap opera after two-year hiatus

Tungkol sa tema ng bago niyang teleserye, sabi ni Regine Velasquez, "Ang daming pwedeng... after kasi ng My Husband’s Lover... I guess our audience are open to a lot of new ideas now…" Pahabol nito, nagbibiro: "So, excited ako kasi pwedeng iba naman, ibang tema naman ng soap ang gagawin ko... lalake naman na talaga ako!"


Pinirmahan ni Regine Velasquez ngayong araw, Oktubre 15, ang bago niyang kontrata sa GMA Network.

Sa isang simpleng brunch press conference sa Manila Golf and Country Club, sa Makati, ibinahagi ng Asia’s Songbird na kabilang sa kanyang two-year contract ang paggawa ng soap opera, na sisimulan sa 2014.

"I’m actually excited to go back to doing soap, kasi I haven’t done that in a while."

Huling napanood si Regine sa teleseryeng I Heart You, Pare, na hindi niya natapos dahil sa maselang kundisyon ng kanyang pagbubuntis noong 2011.

Pinalitan siya ni Iza Calzado hanggang sa matapos ang serye.

Bagamat handa siyang makatrabaho ang kahit na sinong artista, nais sana ni Regine na muling makatrabaho ang kanyang leading man sa I Heart You, Pare na si Dingdong Dantes, "Kasi nga we were cut short, e."

Willing din si Regine na muling makapareha sa bago niyang serye si Mark Anthony Fernandez, na naging ka-loveteam naman niya sa remake ng Korean comedy-drama na Ako Si Kim Sam Soon noong 2008.

Gayundin si TJ Trinidad na nakasama naman niya sa Diva noong 2010.

Interesado rin si Regine na makatrabaho ang mga bida ng My Husband’s Lover na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Tungkol naman sa magiging tema ng kanyang teleserye, ay wala pang maibahagi si Regine dahil sa ngayon ay inaayos pa lamang daw ito.

"Ang daming pwedeng... after kasi ng My Husband’s Lover, parang ang daming... I guess our audience are open to a lot of new ideas now.

"And even iyong network natin, kaya na nating magbigay ng ganoong klaseng programs.

"So, excited ako kasi pwedeng iba naman, ibang tema naman ng soap ang gagawin ko... lalaki naman na talaga ako!" pabirong sabi nito.

LIMITATIONS. Ang pagdating ni Nate Alcasid, anak nila ng asawang si Ogie Alcasid, ang naging dahilan ng pagkawala ni Regine sa primetime scene noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas ginusto kasi niya na maging hands-on mother, lalo pa’t sanggol pa lamang si Nate.

"Of course, at that time, I couldn’t really do a soap, pero hindi naman nila ako minadali.

"They gave me time, and I appreciate that very much, and as much as possible, I wanted to be there nga for my son."

Pinasalamatan ni Regine ang kanyang mga boss sa network dahil sa nakalipas na dalawang taon ay pinagbigyan siya sa schedule na gusto niya.

"Like, I was given H.O.T. TV, and then one variety show, and Sarap Diva."

Pero ngayon, handa na raw ang GMA icon na muling sumabak sa madugong taping schedule ng isang teleserye.

"I just requested na if it would be possible, na medyo hahabaan namin ng konti iyong canned.

"Para pag may emergency ako kay Nate, hindi ko maaabala iyong show, hindi ako biglang magka-cancel, kasi abala iyon, e.

"At saka siyempre may involved na money... mahirap.

"So, at least, medyo maluwag iyong ano ko... na pagka may kailangan ako, may emergency ako, hindi ako matatakot na magsabi sa kanila na kailangan ko munang umuwi, iyong gano’n ba.

"Iyon lang naman iyong ni-request ko, but otherwise, I can work naman. I’m okay na to work.

"Anyways, two years old na si Nate by then... baka hindi na nga niya ako kailangan, e.

"Baka nag-o-office na rin siya!" muli niyang pagbibiro.

OTHER PROJECTS. Samantala, tuloy pa rin ang cooking and talk show ni Regine na Sarap Diva.

"I really enjoy doing Sarap Diva.

"Naka-one year na nga pala kami. Hindi na lang naman napansin, basta we were just doing our own thing.

"One year na akong tawa lang nang tawa," wika niya.

Para sa first anniversary ng programa, "We’re planning sana to do like a concert... Iyon iyong gusto naming gawin para maiba naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi muna ako magluluto, kakanta lang ako, so that’s what we plan on doing."

Mananatili namang once a month lang ang paglabas niya sa weekly-variety show na Sunday All Stars.

Paliwanag ni Regine, "SAS, I’m doing once a month because kasi it’s Sunday, it’s family day, parang... lalo noong nagkasakit si Papa, parang nakita ko iyong importance ng kailangan makita ko ang parents ko kahit every week man lang."

Kasalukuyang nasa ospital ang ama ni Regine na si Mang Gerry.

Nakasaad din sa bagong kontrata ni Regine ang paggawa niya ng isang bagong musical show.

Wala pang detalyeng maibigay si Regine tungkol dito dahil kasalukuyang binubuo pa lamang ang konsepto ng show.

Sa Oktubre 23 naman ay lilipad si Regine patungong Amerika para mag-concert.

Dalawang linggo rin siyang mawawala, kasama ang anak na si Nate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN