Tintin Bersola-Babao reveals formula for lasting marriage to Julius Babao

Tintin Bersola-Babao on growing old with husband Julius Babao: “Ang importante, pareho kami ng vision sa buhay, na nakikita ninyo na you will grow old together, travelling the world together, kahit na nag-retire na kayo.”


Sampung taon na ang pagsasama nina Christine "Tintin" Bersola-Babao at Julius Babao bilang mag-asawa.

Kahit na magkaiba sila ng pinagtatrabahuhang istasyon—si Tintin ay nasa TV5 at si Julius naman ay nasa ABS-CBN—hindi raw ito sagabal sa masaya at matibay nilang pagsasama.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tintin kung ano ang sikreto nila ni Julius.

“Marami... sex! Joke!” natatawang biro niya.

May oras pa ba sila ni Julius para sa kanilang sex life?

“Iyon nga yung secret, kaya nga ten years na!” at tumawa muli si Tintin.

Seryoso na niyang sabi, “Hindi... I have three formulas na nagwo-work sa amin.

“Yung extreme love namin for each other talaga, yung pagmamahal namin.

“At saka, pareho kami ng vision sa buhay, na pagtanda namin, mawala man yung romance… nawawala ‘yan, di ba?

“Mawawala ‘yang sex life, mawawala ‘yan, tatanda kami, di ba?

“Ang importante, pareho kami ng vision sa buhay, na nakikita ninyo na you will grow old together, travelling the world together, kahit na nag-retire na kayo.

“Tapos, pangatlo, hindi kami nag-aaway kahit sa pera, kahit sa in-laws, yung ganyan.

“Bihirang-bihira kaming mag-away, kasi magkasundung-magkasundo talaga kami.

“So, iyon ang secret—find your soulmate.

"Kasi napakabait talaga ni Julius.”

Nakausap ng PEP si Tintin sa presscon ng bagong programa nila ni Gelli de Belen sa TV5, ang Face The People, noong October 11, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.



CRUSHES. Vocal ang asawa niyang si Julius sa paghanga nito kay Miss World 2013 Megan Young, pero hindi raw ito pinagseselosan ni Tintin.

“Lahat naman ng maganda, nagagandahan siya, e. Pero ako pa rin ang wagi!

“Ako pa rin ang Miss Universe, Miss World lang si Megan,” tawa pa rin ni Tintin.

Dagdag pa niya, “Ako ang Miss Galaxy niya. Ang Miss Forever niya, ako, kaya okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s healthy for a married couple to have crushes.

“Ako, may Hugh Jackman ako.

"Para lang naman siyang tatay ni Megan!” pagtukoy pa ni Tintin sa kanyang mister.

Wala raw crush na local celebrity si Tintin kundi ang mister niya.

“Hindi ako ma-crush, e, kasi napakabait talaga ni Julius.”



IN HARMONY. Wala rin daw silang naging matinding away.

Sabi ni Tintin, “Wala. Tanungin ninyo ako, tanungin ninyo si Julius.

“Ano ang pinakamatindi? Wala! Parang... hindi ko alam kung bakit.

“Kasi siguro mabait siya, tapos ako, madali akong mag-adjust.

“Ako nag-a-adjust sa mga hilig niya sa art, mga ganyan. So, wala talaga kaming pinag-aawayan.

“Tsaka good provider siya, alam mo yun?

“Di ba, usually, ano ang pinag-aawayan ng mag-asawa? Ganito, pera, hindi marunong mag-provide or maraming bisyo.

“Wala siyang bisyo, marunong siyang mag-provide, okay.

"So, wala na yun, wala kaming away doon.

“Maganda career niya, kaya niyang mag-provide.

“Pangalawa, selos.

"Wala akong dahilan para magselos, wala siyang dahilan para magselos.

“Hindi siya tumitingin sa iba. E, napakaganda ko naman na para tumingin pa siya sa iba!” tawa na naman si Tintin.

Patuloy niya, “Third is in-laws. Hindi namin pinag-aawayan ang in-laws.

“Si Mommy Cena Babao, sa amin nakatira simula nang mamatay ang tatay ni Julius.

“Ang bait din ng nanay ko, so tanggap na tanggap ng in-laws ang isa’t isa.”

TIME FOR EACH OTHER. Saad pa ni Tintin, “Tapos, time.

"Akala ng tao walang time si Julius.

“Ganito, mag-aano ako, Good Morning Club ng 5 a.m. to 8 a.m., uuwi ako ng 9.

"Gigisingin ko siya, magbe-breakfast kami.

“Pupunta siya ng DZMM, 11 a.m. to 12:30. Uuwi ‘yan, magla-lunch kami together.

“By then, gumising na ako kasi nagsi-siesta ako, e, dahil nga ang aga ko nagising, di ba?

“Lunch kami together. After noon, aalis siya, gagawa ng Bistado.

“Dinner, magkikita kami, kakain kami, manonood ng sine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After noon, hatid ko siya sa Bandila, magba-Bandila siya.

“Pag-uwi niya from Bandila, mag-e-exercise siya, aakyat ‘yan ng kuwarto, 2:30. Ako, gigising ako ng 3:30, overlap.

“Pero nakapag-date na kami, nakapag-breakfast na kami, nakapag-lunch pa kami.”

Paano ang sex life?

“Ay! Puwedeng afternoon delight, may madaling-araw!

“Tandaan ninyo, wala akong show pag weekends!” tawa pa rin nang tawang kuwento ni Tintin.

Sabi pa niya, “Buti na lang forty-three na ako, I can talk about this. Kasi I am forty-three years old.”



REPLACEMENT HOST. Dapat ay si Amy Perez ang kasama ni Gelli de Belen sa Face The People.

Pero hindi natuloy si Amy kaya ang pumalit sa kanya ay si Tintin.

Ayon kay Tintin, may blessing ni Amy ang pagkakapalit niya bilang host ng show.

Sabi niya, “In fact, hindi ko agad tinanggap ito because ayoko na masaktan siya.

“Talagang only when she gave me her blessing at sinabi niya na, ‘Ikaw ang pinili ko for that,’ tsaka ko lang siya tinanggap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN