60-year-old legendary singer Freddie Aguilar is helplessly in love with 16-year-old girlfriend

Ayon kay Freddie Aguilar, hindi pa nila pinaplano ng kanyang 16-anyos na kasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. Pero inamin ng legendary singer na napag-uusapan na nila ang pagkakaroon ng anak. Kuwento ni Freddie, "Sabi ko sa kanya, ’Parang ang bata mo pa para magka-baby.’ Sabi naman niya, ’Hindi, gusto kong magka-baby, e.’ So, we’re talking about it."


Marami ang naging curious sa ka-date ng legendary folk singer na si Freddie Aguilar sa 5th Star Awards for Music noong Linggo, October 13, sa Solaire Resort and Casino, Pasay City.

Tumanggap si Freddie ng Lifetime Achievement Award noong gabing iyon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Freddie sa backstage ng Solaire, matapos siyang mabigyan ng parangal, ay tinanong namin kung sino ang kasama niya.

"Yung kasama ko, girlfriend," pagkumpirma ni Freddie. "Yung kasama niyang buntis, girlfriend ng anak kong si Jeriko."

Ang 60-year-old singer na rin ang nagsabi kung ano ang edad ng kasalukuyang girlfriend niya.

"Yung gf ko, ano... sixteen nga lang siya, e," sabi niya.

Kuwento pa ni Freddie, "Hindi ko alam na sixteen siya noong niligawan ko. Nung malaman ko, sabi ko, ’Andun na, e. Ano pa ang magagawa ko?’ Aatras ka ba noon, e, na-in love na, e?"

Hindi na pinabanggit ni Freddie ang pangalan ng kanyang 16-year-old girlfriend.

Ano ang sinabi ng mga magulang ng kanyang kasintahan? "Yung mga magulang niya, tanggap na rin siguro. Sabi lang daw sa kanya, ’Mag-ingat ka diyan, babaero daw ’yan!’

"Mag-iingat ako, kasi kung may magrereklamo, alam mo na, baka may magkatuwaan.

"Pero yung consent ng mga magulang, nasa akin."

AGE GAP. Lumalabas na 44 na taon ang agwat ng edad ni Freddie sa kanyang girlfriend. Hindi kaya maging problema ito sa takdang panahon?

Sagot ng singer, na nagpasikat ng kantang Anak, "Actually, ang maganda sa kanya ay she’s trying na bumagay sa akin.

"Ako naman, bumababa ako sa level niya. Halimbawa, gusto niyang mag-Jollibee, sasamahan ko siya doon. Minsan naman, gusto kong mag-fine dining, sasama naman siya sa akin.

"Gusto niyang mag-sine, kahit di ako mahilig mag-sine, sasamahan ko siya. Pero grupo kami."

Hindi ba siya nangangamba na mapagsabihan siyang "cradle snatcher?"

Tugon ng music legend, "Nasabihan na akong ganyan dati. Di ba, doon sa third wife ko? She was only seventeen nang maging girlfriend ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko napigil na may nagsulat, kaya sabi ko, wala pa akong nabasa sa dictionary na ang meaning ng love ay you have to look for the same age as you are. Walang nakalagay doon.

"Walang love means na dapat pareho kayo ng religion o pareho kayo ng estado o magkababayan kayo... walang ganun."

Dahil medyo maselan ang topic, ipinagpaalam namin kay Freddie kung maaari naming isulat ang tungkol dito.

Aniya, "Okay naman. Kaya lang, baka kung anu-ano na naman ang maging criticism sa akin.

"Pero, na-in love ako, what can I do?"

Ganito ba talaga ang tipo niyang babae, ang higit na mas bata sa kanya?

Paliwanag ni Freddie, "Hindi naman... they tend to like me also.

"Nagtataka nga ako, kasi ang naa-attract kong followers sa kababaihan ay it’s either mas matanda sa akin o mas bata. Walang gitna, e.

"Parang, nagugulat nga ako, kapag nata-traffic ako noong hindi pa masyadong tinted ang car ko, may pupuntang mga bata tapos kakantahin ang mga kanta ko.

"Nakakatuwa, kasi sabi ko, hindi pa nga ipinanganak ang mga ito... " Noong sumikat ang kanyang mga kanta, ang ibig sabihin ni Freddie.

"Parang dinadagdagan ang lakas ko na..."

WEDDING TALKS. Handa bang pakasalan ni Freddie ang girlfriend niya ngayon?

"Oo naman, oo naman!" bulalas niya. "Pero sa ngayon, hindi pa kami puwede."

Dito sa Pilipinas, ang mga nasa edad na 18 hanggang 21 ay kailangang mayroong parental consent bago magpakasal. At dahil 16 pa lang ang girlfriend ni Freddie ay hindi pa ito maaaring ikasal.

Dagdag ni Freddie, "Hindi pa namin pinaplano. But we’re talking about having a baby. Yun ang pinag-usapan namin.

"Sabi ko sa kanya, ’Parang ang bata mo pa para magka-baby.’ Sabi naman niya, ’Hindi, gusto kong magka-baby, e.’ So, we’re talking about it.

"Pero sabi ko sa kanya, gusto ko lalaki, para tigil na rin ako. Kung kaaawaan ng Diyos na makabuo kami ng baby, pampitong anak ko na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ewan ko sa kanya, baka may plano siyang iba na kung ilan ang gusto niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN