Lauren Young hopes for holiday season reunion with sister Megan Young, here or in London

Bagamat nami-miss ni Lauren Young kanyang ate na si Megan Young, alam daw niyang masaya ito mula nang makoronahang Miss World. Sabi ni Lauren, "Miss World naman is taking good care of her, and she’s enjoying what she’s doing kahit alam kong pagod siya. And she gets to travel around the world, and she gets to give back at the same time."


Sa sobrang hectic ng schedule ng Miss World na si Megan Young mula nang bumalik siya sa Pilipinas noong October 10, hindi naging madali para sa kanyang mga mahal sa buhay na makasama siya.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakababatang kapatid ni Megan na si Lauren Young, sa dressing room ng Sunday All Stars noong Linggo, October 13, sinabi nitong kinabukasan (October 14) pa nila inaasahang makapiling nang matagal-tagal ang kapatid.

Ayon kay Lauren, sila na lang ang pupunta kay Megan sa tinutuluyang hotel nito.

“Kasi tight yung schedule niya and for security purposes. So, we might go na lang sa hotel niya or kung saan siya nandun.”

Ayon pa sa Kapuso young actress, maging ang pakikipag-usap online ay hindi na raw magawa ni Megan.

Dahil dito, hindi raw maiwasan ni Lauren na ma-miss ang kanyang ate. Pero sanay na rin daw siya, kahit papaano, dahil isang taon na rin silang magkahiwalay ng tirahan ni Megan.

“Miss World naman is taking good care of her, and she’s enjoying what she’s doing kahit alam kong pagod siya.

“And she gets to travel around the world, and she gets to give back at the same time.

"So, masaya naman siya.”

HERO’S WELCOME. Si Megan ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng koronang Miss World.

Ano ang pakiramdam ni Lauren sa hero’s welcome na ibinigay kay Megan pagdating nito sa bansa?

Saad niya, “Ako, as a sister, I’m so happy that people, nakikita nila yung achievement ng ate ko, na-appreciate nila yung lahat ng hardwork na ginawa niya.

"And it paid off naman dahil nanalo siya. And nakakatuwa dahil sa bagay na ito, nagkakaisa tayong mga Pilipino.

“Super proud talaga ako, kasi she’s my family.

"It’s just nice na people are very appreciative and they supported her from the start pa lang hanggang sa matapos yung competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana hanggang sa mga charities, suportahan pa rin siya. Kasi it’s another thing na magampanan mo yung duties mo as a queen, and she cannot do that alone.

"So, sana magsama-sama tayong mga Pilipino na suportahan siya, hindi lang dito sa Philippines kundi sa ibang lugar kung saan siya may charity works.”

BASED IN LONDON. Kinumpirma ni Lauren sa PEP na sa London titira si Megan sa loob ng isang taong reign nito bilang Miss World.

Pero hindi pa raw niya alam kung dito sa Pilipinas magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ang kapatid.

Sabi ni Lauren, “Sana, we’re wishing for that. Kasi hanggang ngayon, hindi pa namin alam kung anu-ano ang mga schedules niya.

“Kung hindi man dito, sana kami na lang ang makapunta sa kanya sa London para makapunta naman kami doon.

“Gusto kong pumunta ng London, gustung-gusto kong pumunta.”

MIKAEL DAEZ. Bagamat wala namang ginawang kumpirmasyon si Megan tungkol sa kanyang lovelife, balitang ang karelasyon nito ang Kapuso actor na si Mikael Daez.

Tinanong namin si Lauren kung nagkikita at nagkakausap sila ni Mikael.

Sagot niya, “A few days ago, nagkita kami ni Mikael. We had dinner kasama si Mommy. Wala si Megan.

"He’s a very good friend of ours."

Sina Megan at Mikael ba ay nagkakausap o nagkikita pa rin?

Ayon kay Lauren, “Feeling ko, hindi rin naman masyado, kasi Megan doesn’t even have time talk to us, talk to my mom.

"So, I think she has no time to talk to anyone.”

Hindi ba nag-aalala si Lauren na baka matulad akanyang ate sa ibang beauty queens, na nasira ang lovelife pagkatapos manalo?

“Ano lang naman ’yan, e, if two people really wanted [their relationship] to work, no matter what they do, it will work.

"Given naman yun na things will come to break two people apart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung gusto talaga ng dalawang tao na mag-stay together, no matter what na dumating sa kanila, they will make sure or they will find a way to make it work.

"Nasa dalawang tao naman kung gusto nilang mag-work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN