Lauren Young says it’s up to Elmo Magalona to admit their relationship or not: "Kung anuman meron kami, bahala siya."

Kung sakaling magsama sila ni Elmo Magalona sa isang proyekto, hindi nababahala si Lauren Young kung ano ang magiging reaksiyon ng fans ng JuliElmo loveteam. Ani Lauren, “Ay, hayaan mo sila! Hindi naman dapat ini-entertain yung mga ganun, di ba? You know, I don’t wanna waste my time to those things when I have so many good things happening to me and to my family right now."


Kung ang Miss World na si Megan Young ay nauugnay sa aktor na si Mikael Daez, ang nakababatang kapatid naman ni Megan na si Lauren Young ay matagal nang sinasabing may relasyon sa young actor-rapper na si Elmo Magalona.

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lauren, tinanong namin kung kumusta na sila ni Elmo.

“Okey kami,” mabilis niyang sagot.

Biro naming tanong: Bakit hindi pa sila umaamin?

“Ha? Siya ang tanungin ninyo,” pagtukoy ni Lauren kay Elmo.

Pero masaya naman sila?

“I’m very happy.”

Totoo bang dalawang taon na ang relasyon nila ni Elmo?

“Grabe ka! Ten years! Chos!” natatawang sabi ni Lauren.

Ano ang mayroon sa relasyon nila at tila masaya sila sa isa’t isa?

“Relationship talaga?” balik-tanong ng 19-year-old actress.

Yung samahan nila?

“Our friendship.. or whatever ’ship’... it’s up to him.

"Ano lang, Elmo is a very nice guy.

"We enjoy each other’s company. We’re happy together.

“Ako, masaya lang. Sana masaya rin siya.”

TO SHARE OR NOT TO SHARE. Darating kaya ang panahon na aamin din silang dalawa ni Elmo, o ililihim na lang nila ang kanilang relasyon?

Sagot ni Lauren, “Siya, bahala siya.

"Kung anuman meron kami, bahala siya.

"Ako naman po kasi... I don’t know...

"Iniisip kasi ng ibang tao na maarte kami. Maarte ako. Ayaw kong magsalita.

"Ang sa akin lang naman po, I don’t need to share my business with the whole world.

“Kasi ako, hindi naman ako nandito para pagtsismisan ng mga tao.

"Hindi naman ako nandito para i-admire nila ako sa mga ginagawa ko sa totoong buhay.

“It’s mostly I want to be a serious actress. I want to be known na, ’Uy, siya yung magaling na artista.’

"Kung si Megan may korona, gusto ko naman, ako, maraming awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang mawawala yung atensiyon sa ganun kung magpu-focus lang sila sa mga nangyayari sa buhay ko.

“Saka what’s happening in my personal life, hindi naman siya talaga sobrang special na nangyayari naman sa ibang teenager, sa ibang mga babae.

"Nangyayari rin naman sa akin, so whatever is happening to them, ganun din naman sa akin.

“I’m not a special person naman or something important para... I mean, I’m just a normal person who’s working in the industry.

"Yun ang tingin ko sa sarili ko. I don’t need to share everything naman in my life.”

NOT IMPOSSIBLE. Imposible bang magsama sila ni Elmo sa isang project sa GMA?

Ayon kay Lauren, “Kami ni Mo? Hindi naman po imposible. Ako, I’d like to work with him.

"If the right project comes along, oo naman, hindi naman ako tatanggi.”

Hindi ba siya natatakot sa fans ng tambalan nina Elmo at Julie Anne San Jose?

“Ay, hayaan mo sila!" pagkikibit-balikat ni Lauren.

"Hindi naman dapat ini-entertain yung mga ganun, di ba?

"You know, I don’t wanna waste my time to those things when I have so many good things happening to me and to my family right now.

“So, parang ngayon pang nandito na uli si Mommy... she’s living here again after living in the States for two years.

"So, parang tinuruan niya ako na, you know, we do not entertain people like that. Everyone has their own opinion.

“I believe kasi, you can choose your own happiness. So, ako, I choose to be happy kahit na if people have something to say about you.

"Whether you do good or something wrong, they will always say something about you. Nasa sa iyo na yun kung magri-react [ka].

“So, ako dati, lagi akong nagsasalita. Pero ngayon, huwag na lang. It’s not worth my time. Kasi hindi rin naman sila titigil.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN