Zsa Zsa Padilla still keeping conversation with Dolphy going

“I don’t cry everyday anymore. Yun ang napansin ko, but I still talk to him every day and I miss him a lot.” Ganito inilarawan ni Zsa Zsa Padilla ang estado ng emosyon niya mahigit isang taon mula nang pumanaw si Dolphy.


Nag-post sa kanyang Instagram account si Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadila) ng larawan ng puntod ng yumao niyang partner na si Dolphy, na nadedekorasyunan ng mga bulaklak at may caption na, “Remembering you this month #dolphy.”

July 10, 2012 nang pumanaw ang Comedy King, at nakalibing ito sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

“Oo, kasi every month dumadalaw ako pag 10th, yung anniversary,” paliwanag ng 49-anyos na singer nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa Jollibee Family Values Awards kagabi, October 15, Martes, sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas Center, Pasig City.

Gayunpaman, para sa buwang ito ay nakabisita si Zsa Zsa sa puntod ni Mang Dolphy noong Linggo, October 13.

Paliwanag ng Divine Diva, “Nag-abroad kasi kami ni Zia [bunsong anak nina Zsa Zsa at Dolphy]. Nagbakasyon kami sandali, so sabi ko hindi muna ako nakapunta ng 10th.

"So, pag-uwi namin… yun lang, every month…

"Mahilig ako sa bulaklak. So, gusto kong i-decorate ‘yon.

"Napakasimple lang ng kanyang tomb, di ba?

"And talagang naisip namin, ganun lang kasimple, talagang ganun ka-accessible sa lahat.

"Kasi, talagang naging ganun yung buhay niya.”

Noong mga nakaraang buwan ay very vocal si Zsa Zsa pagsasabing nangungulila pa rin siya kay Dolphy.

Sa katunayan, lagi pa rin daw niya itong kinakausap.

Nang makapanayam uli ng PEP si Zsa Zsa noong Martes, inusisa namin kung ano na ang estado ng kanyang emosyon makalipas ang isang taon at tatlong buwan mula nang pumanaw si Dolphy.

“I don’t cry every day anymore. Yun ang napansin ko.

"But I still talk to him every day and I miss him a lot… nandudun.

“Kaya nga minsan, kanina sa rehearsal, ang sakit nun, e, [yung lyrics] ‘I’ll wake up with no one to kiss…’ parang huwag mo nang personalin."

Ang tinutukoy ni Zsa Zsa ay ang kanta ni Natalie Cole na “I Live For Your Love,” na kinanta nila ni Karylle sa nasabing awards night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan ganun, e, minsan feeling mo lahat ng love songs, para sa ‘yo.”


NOT READY TO DATE. Nang matanong kung puwede pa ba siyang umibig muli, ang mabilis na tugon ni Zsa Zsa: “Hindi pa namin iniisip at wala namang nagtatangka, e."

Pagbibiro pa niya, “Yun nga, e. Hurt na rin ang ego ko, ‘no. Wala… ganun talaga, e, okay lang ‘yon.

“I don’t think I’m ready to date yet.

"[It’s] not even an issue, kasi nga wala namang lumalapit, e. Walang nagti-text, walang anything.

“Yung telepono ko nga, ipinamimigay ko kahit kanino, kasi wala talaga siyang sikreto, sa ngayon.”



TIME FOR FAMILY. Patapos na ang teleseryeng ginagawa ngayon ni Zsa Zsa sa ABS-CBN, ang Juan Dela Cruz, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sampung buwan daw ang itinagal ng kanilang taping. Pagkatapos ng teleserye ay magpapahinga muna raw siya.

“Rest muna. Kailangan ko ng time for family naman, hindi naman lahat puro trabaho,” pahayag niya.

Napansin daw kasi niya na nagiging abala na siya sa trabaho at ang kanyang tatlong anak na sina Karylle, Nicole, at Zia.

“Ikaw din ang nakapansin, yung hindi kami kumakain sa bahay namin nang sabay-sabay ngayon.

"May conscious effort talaga na kumakain kami kung puwedeng sabay-sabay. Kahit may sari-sarili kaming pagkain, pero sama-sama kami.

"Ngayon, panahon naman para sa pamilya, hindi ba?”

Matatagalan pa raw ang panahon na tuluyan na siyang titigil sa trabaho, lalo pa’t siya raw ngayon ang tumatayong haligi ng tahanan.

“Noon pa talaga may pagka-workaholic na ako. I started working when I was eighteen, pero lalo na ngayon siyempre.

“Palagi kong naiisip na, ’Ikaw ang padre de pamilya, kailangan mong magtrabaho.’

"Hindi naman lahat ng panahon may trabaho, di ba?

"Kailangan din kahit papa’no makapag-ipon tayo.

“I’m already starting to think about business, ganyan.

"Hindi kasi ako businesswoman talaga, e, pero sabi ko, napapanahon na… kailangan talaga,” saad ni Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN