Diva Montelaba shies away from beauty pageants despite pressure to be the next beauty queen from showbiz

Diva Montelaba on being tagged as "the next Megan Young": "Nakakahiya man sabihin, pero sinasabi nilang ’the next Megan Young’ daw, ganoon-ganoon. Pero deep inside, may konting pressure—bakit nila ako tinatawag na ganoon? So, feeling ko, pag sumali ako, sobra-sobra yung expectation nila sa akin and sobra-sobra rin yung mararamdaman kong pressure."


Lalong tumindi ang pressure kay Diva Montelaba na siya na ang susunod na taga-showbiz na lalahok sa isang beauty pageant.

Ito ay matapos masungkit ni Megan Young ang Miss World title pagkaraan ng anim na dekada na paglahok ng Pilipinas sa naturang international beauty pageant.

Ano ang reaksiyon ni Diva sa sinasabing siya na ang susunod kay Megan?

“Naloloka nga ako, e. Napi-pressure ako, wala pa naman!” natatawang sabi ng StarStruck alumna.

“Pero tini-take ko rin siya as a compliment.

"Nakakahiya man sabihin, pero sinasabi nilang ’the next Megan Young’ daw, ganoon-ganoon.

“Pero deep inside, may konting pressure—bakit nila ako tinatawag na ganoon?

“So, feeling ko, pag sumali ako, sobra-sobra yung expectation nila sa akin and sobra-sobra rin yung mararamdaman kong pressure.

“Pero isa rin ‘yan sa mga pinagpe-pray ko kay Lord, na sana bigyan ako ng sign, ‘Go ka na Diva, go ka na this year or the next two years.’

“Pag naramdaman ko ‘yan, sasali at sasali na talaga ako.”

Pero sabi ni Diva, sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), wala pa siyang planong sumali ngayon.

Paliwanag ng Kapuso young actress, “Lagi ko naman sinasabing I’m not closing my doors at all.

“Gusto ko, pero naniniwala ako na ang pagsali kasi doon, hindi lang one year or two years [ang preparation].

“As much as possible, pinaghahandaan mo nang matagal, para pag sumali ka...

"Once in a lifetime lang yun, e.

“Dapat makuha mo na yung crown—yun ang prinsipyo ko.

“Kung next year, hindi pa ako ganoon ka-ready. Meron pa rin akong mga priorities na gusto kong gawin muna bago yung pageant-pageant.

“Siguro sa palagay ko, mga two to three years pa, twenty-one pa lang naman ako.

“Siguro, at that time, hinog na ako at go na go na ako.”



MINIMAL TRAINING. Konti na lang ang gagawing pagsasanay ni Diva kung saka-sakaling magdesisyon na siyang sumali sa beauty contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Kasi, di ba, yung mga beauty pageants na ‘yan ang naging source of income ko dati noong sumasali pa ako bago ako mag-StarStruck?

“So, kahit paano, hindi na rin ako baguhan sa mga beauty pageants.

“Kung sakali man, hindi ko pa alam, may mga friends naman ako na nakausap ko na at willing na tulungan ako sa mga training.”

Hindi lang mga kaibigan kundi mismong buong pamilya ni Diva ay hinihikayat siyang sumali na sa beauty pageants, pero wala pa raw talaga sa isip niya ang tungkol dito.

Paliwanag niya, “Kasi iniisip ko, both sides. Kung sasali ako, dapat ready ako.

“Pinaghandaan ko na para mas malaki yung chance na manalo ako.

"Ayoko namang paulit-ulit akong sasali.

“Gusto ko, pag sumali ako, makukuha ko na siya.

"Kaya dapat paghirapan mo, paghandaan mo, walang pagsisisi.”


STARSTRUCK CO-ALUMNI. Aminadong pressure nga kay Diva ang pagkapanalo ni Megan, na sinabayan pa ng pag-e-encourage sa kanya ng marami na sumali siya.

“Pressure rin yun, e, parang natatakot rin ako, though I’m happy for Megan.

“Pressure rin for me kasi malaki ang expectation sa amin, lalo na pareho kami ng pinanggalingan, nag-StarStruck din ako. Galing din siya doon."

Si Megan ay galing sa second batch ng reality-based artista search ng GMA, habang si Diva naman ay kabilang sa fifth batch.

Patuloy niya, "Parang hindi ko kakayanin yung pressure, so gusto ko, totally ready na ako.

“Si Megan, alam ko nag-train siya, nag-diet siya, nag-gym siya.

"Pero kasi, si Megan got it all, e… maganda, sexy.

“Alam mo, she’s ready to go, alam kong pinaghandaan niya.

"May nagsabi sa akin at nag-go siya, nakuha niya.”

Paano kung sa loob ng dalawa o tatlong taon ay magkaroon siya ng launching project?

“Yun na. Yun ang sinasabi ko na everything happens for a reason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung mangyayari man yun, mas gugustuhin ko muna yung pag-aartista.

“Kaya nga ako nandito, e, dito naman ako nakilala bilang Diva Montelaba, e.

“Kung dumating yung time na wala akong ginagawa, e, di go na ako.

“Kung anuman ang dumating, yun ang gusto ni Lord na mangyari.”


BREADWINNER. Bago sumali sa Miss World Philippines si Megan, kakatapos lang ng mini-seryeng Misibis Bay sa TV5 kung saan gumanap siyang kontrabida.

Dapat ay may gagawin pa siyang bagong TV show, pero tinanggihan niya ito para sa Miss World.

Reaksiyon ni Diva sa desisyon ni Megan, “Siguro kasi, mas malaki yung urge o yung intention niyang makuha yung crown, yun ang mas nangingibabaw.

“Ako kasi, mas iba kasi’ng nangingibabaw sa akin—yun ay ang magtrabaho.

“Bilang ako ang breadwinner ng family, kailangan ko talagang magtrabaho.

“And joining in a certain pageant, kailangan ko talagang mag-stop sa showbiz to focus on that.

“Gusto kong magtrabaho muna kasi may mga brothers akong nag-aaral pa. It’s a matter of setting your priorities.

“In as much as I really wanna join beauty pageants, I’ve got some responsibilities to do muna for my family.

“Mas gusto kong gampanan muna yung responsibilidad ko sa family kasi marami sila.

“Saka sayang rin naman, e. Sobrang nahirapan akong makarating sa showbiz.

“And since meron naman akong work na ginagawa ko ngayon, ayoko muna siyang i-stop para gawin yung isa pang dream ko.

“Kung anuman yung dumadaloy na blessings sa akin, yun nga ay ang acting, doon muna ako magpu-focus.

“And in time, kung wala na akong masyadong ginagawa… alam mo yung mararamdaman mong ready ka na?

“Yun, sasali talaga ako, promise! Sasabihin ko sa buong mundo, ‘Guys, I’ll be joining!”

Ano naman ang pinagkakaabalahan ni Diva ngayon?

“Ayun, in a couple of weeks... kakatapos lang ng Maghihintay Pa Rin, tapos Sunday All Stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, I’ll do workshops—dancing, singing, acting—yun muna. Waiting for another work.”


EX-BOYFRIEND. Tungkol naman sa kanyang ex-boyfriend at kapwa niya Kapuso network talent na si Steven Silva, ayon kay Diva ay magkaibigan sila nito ngayon.

“Hanggang doon na lang, we’re good friends. Mas okey yun, di ba?

“Noong kami, na nag-commit pa kami sa isa’t isa, wala din naman kaibahan sa nag-lie low kami, kasi ganoon din naman.

“Noong nag-commit kami sa isa’t isa noong kami pa, focus muna kami sa work.

“So, ngayon, binigyan namin ng time ang isa’t isa, mas naging focused kami sa work.

“And it’s a good thing for both of us kasi, I think, kailangan ko na ring mag-focus sa mga bagay-bagay sa buhay ko, which is, you know, show business.”

Hindi niya muna gustong ma-in love?

“Mas gugustuhin ko munang makipag-deal muna sa lahat ng klaseng tao sa showbiz. Tama na muna yun, doon muna ako.

“Kasi, ang hirap kaya noon na marami kang iniisip, marami kang bina-balance.

“Mahirap talaga kahit gaano ka ka-responsible na tao. So, kailangan mong i-give up ang isang bagay para makapag-focus ka.”

Puwede bang sabihing meron pa rin silang mutual understanding ni Steven na hindi lang bilang magkaibigan?

Mabilis na tugon si Diva, “Oo naman!”

Matatawag bang sila pa rin pero unofficial?

“Hindi ko alam, e. Malabo ako sa mga terms-terms na ganyan.

“Ang naiintindihan ko lang ay pag-igihan mo ang trabaho mo, pag-iigihan ko ang trabaho ko. Pag nagkita tayo, usap tayo.

“Lagi kaming nag-uusap, ‘Uy, anong nangyari sa iyo this weekend, kumusta na yung show ninyo?’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN