The Voice runner-up Klarisse de Guzman clamps down intrigues pitting her against Angeline Quinto, affirms admiration for the older singer

Klarisse de Guzman on being runner-up in The Voice of the Philippines: “Naka-recover na ako, naka-move on na ako, masaya naman ako. Tanggap ko naman na hindi ako yung nanalo. Sana magtulu-tuloy yung career ko.”


Nakapag-move on na ang The Voice of the Philippines runner-up na si Klarisse de Guzman sa pagkatalo niya sa nakaraang grand finals ng U.S.-franchised singing search.

Sa apat na finalists na naiwan, pumangalawa si Klarisse kay Mitoy Yonting, na siyang itinanghal na grand champion.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Klarisse sa 5th Star Awards for Music noong Linggo, October 13, sa Solaire Resort and Casino.

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing mas deserving siyang manalo kaysa kay Mitoy?

Sagot niya, “Ay, maraming salamat naman po sa mga nagsasabi noon, pero ginawa ko po yung best ko.

“Maraming salamat sa mga naka-appreciate, pero talagang hindi po para sa akin yun.

"Ayun po, tanggap ko naman po.”



HOMETOWN DECISION? Ano ang masasabi niya sa reaksiyon ng supporters niya na kung hindi raw sa Resorts World ginawa ang finals ng The Voice, malamang siya ang manalo.

Regular kasing tumutugtog sa Resort Worlds ang bandang kinabibilangan ni Mitoy bago pa ito sumali sa singing search ng ABS-CBN.

Napangiti muna si Klarisse saka sinabing, “Saan po gaganapin dapat, sa bahay ko po or sa barangay namin?

“Opinyon po nila yun, wala po akong masabi.”

Somehow ba ay naisip niya rin na sana ay sa ibang lugar na lang ginanap ang The Voice?

“Somehow po naisip ko rin po yun, pero ginawa rin po ni Tatay Mitoy yung best niya.

“Deserved rin po niya kung ano yung napanalunan niya. So, move on na po tayo.”

Paano nabago ang buhay niya matapos ang finals?

Kuwento ni Klarrise, “Sobrang dami ng pagbabago.

“Dati, nasa bahay lang po ako pag walang ginagawa. Pero ngayon po, ang daming nakakakilala sa akin, nakaka-appreciate.

“Sinasabi sa akin na bilib sila sa talent ko.

“Ang sarap po ng feeling na eto na yung pinapangarap ko dati.”

At masaya naman daw siya sa kaganapan sa buhay niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, naka-recover na po ako, naka-move on na ako, masaya naman po ako.

“Tanggap ko naman po na hindi ako yung nanalo. Sana magtuluy-tuloy po yung career ko po.”



COMPETITION. Nakatakda nang gumawa ng kanyang kauna-unahang album si Klarisse sa ilalim ng MCA Universal. Ano naman ang plano sa kanya ng ABS-CBN?

“Ayun po, may album po soon, may mga nakapila pong mga projects sa amin.”

Pero gaya ng dapat asahan, iniintriga na agad siya kay Angeline Quinto, bilang pareho silang produkto ng singing search sa Kapamilya network.

Si Angeline ang nanalo sa Star Power: The Search For The Next Female Superstar noong 2011.

Sabi ni Klarise, “Kung magkaroon po ng ganoon? Siguro part po talaga ng showbiz yun.

“Sa stage lang po yun, pero sa likod po, talagang friends po kami.

"Sana nga po maabot ko yung naabot nila kasi ang taas na nila, e.”

Sinasabi kasing posibleng lumiit na ang estado ni Angeline sa Kapamilya network dahil sa pagpasok ni Klarisse.

Agad namang dumepensa si Klarisse para kay Angeline.

Sabi niya, “Ay, hindi naman po. Magaling po si Angeline.

“Sana nga po makatrabaho ko rin po si Ate Angeline, sana po maabot ko rin yung mga naabot niya.

“Kasabayan ko rin po si Ate Angeline sa contest, nakakasama ko siya.

“Masaya po ako dahil ngayon magkakasama na ulit kami [sa ABS-CBN].”

Naniniwala ba si Klarrise na hindi intensiyon ng management ng ABS- CBN o Star Magic na pagtapatin sila ni Angeline?

“Hindi naman po. Kasi ang intensiyon nila, magkaroon pa po ng iba bukod kina Angeline, hindi naman po siguro paglalabanin.”


PROUD FRIENDS. Nakikilala pa ba siya ni Angeline?

“Ay, opo! Si Charice… masaya ako kasi nakakasama ko sila sa mga events, nagugulat nga kami.

“Ayan si Coach [Sarah Geronimo]... masaya po ang feeling na ‘eto po ulit.”

Ano ang sinasabi ng mga kasabayan niya na napasama siya sa finals ng The Voice?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, nakakatuwa po! Ayan nga po si Charisse, tweet nang tweet.

"Si Angge [Angeline], tinu-tweet nila ako, good luck nang good luck sa akin.

“Nakakatuwa po kasi sinusuportahan nila ako bilang dati po ay magkakasama kami sa mga singing contest.”

Pangarap din ba niyang maging artista, tulad nina Angeline at Sarah?

“E, kung bibigyan po ako ng pagkakataon, puwede naman po, kakayanin," sagot niya.

Sino naman ang gusto niyang makatambal?

Pag-amin niya, “A, showbiz crush ko po talaga, si Sam Milby.

“Pero nakasama ko rin po siya sa [U.S.] tour. Naks!

"Sobrang guwapo. Kasi po, talagang guwapo,” kinikilig niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN