KC Montero says he and Rhian Ramos are far from any wedding decision

KC Montero shares how he and girlfriend Rhian Ramos keep the spark alive in their relationship: “I try to make her feel special all the time. For her birthday, I made her a song. I rapped a song and had Kyla sing to her. I played it on the radio a couple of times."


Mahigit isang taon na ang relasyon nina KC Montero at Rhian Ramos, pero sweet na sweet pa rin sila sa isa’t isa.

Lalo na sa parte ni KC. Masipag itong magpaabot ng random sweet messages para sa nobya sa Twitter.

Tulad halimbawa nito: “I have a crush on @whianwamos.”

O di kaya naman ay nagpo-post siya ng larawan ng aktres sa Instagram para lang sabihin: “I could stare at you all day.”

Marahil ay isa ito sa mga simpleng paraan ng radio disc jock/entrepreneur upang iparamdam kung gaano kahalaga si Rhian para sa kanya.

Balik-teleserye na kasi ulit ang aktres kaya nabawasan ang quality time nila para sa isa’t isa.

Ganunpaman, todo-suporta si KC sa sunud-sunod na natatanggap na proyekto ni Rhian sa GMA Network, kabilang na ang bagong teleseryeng Genesis.



PROUD BOYFRIEND. Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni KC na masaya siyang makita muling nanunumbalik ang kinang ni Rhian sa showbiz.

Medyo nanamlay ang career ni Rhian pagkatapos ng kontrobersiyal na hiwalayan nila ng dating nobyong si Mo Twister.

“She’s doing a teleserye. She’s shooting an indie movie. She’s very [much] in demand right now.

“Her stars are right back where it should be after all the drama the last couple of years.

“I’m very proud of her. I’m very happy for her.

"She can continue to be busy as much as she wants as long as she knows that I’m there.

“Maybe it’ll be weeks before we see each other, but that’s fine. I’m just a phone call away,” masayang bungad ni KC nang makausap siya ng PEP sa Lee Jeans do-it-yourself workshop, na ginanap sa URBN restobar ngayong araw, October 16.



SWEET SURPRISE. Hindi man daw sila magkita, malaking tulong ang iba’t ibang mobile messaging applications sa cellphone para tuluy-tuloy ang komunikasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas ba silang mag-video chat?

Ani KC, “Before, we used to Skype once in a while.

"But now she’s on location. She doesn’t have a lot of connection.

"We just do WhatsApp, Viber or we just call or text each other.”

Isa pang patunay kung gaano ka-in love si KC kay Rhian ay ang romantic gesture na ginawa niya para sa kaarawan ng aktres noong October 3.

Ginawan daw niya ang aktres ng kanta at ipinatugtog niya sa The Wildside, isang daily morning talk show sa Wave 89.1, kung saan kabilang si KC sa radio hosts.

“I try to make her feel special all the time.

"For her birthday, I made her a song.

“I rapped a song and had Kyla sing it to her. I played it on the radio a couple of times.

"It’s panget ‘coz I’m in it!” natatawang kuwento ni KC.

Dagdag pa ni KC, handa niyang suportahan kung ano man ang gustong gawin ni Rhian sa buhay.

“I always want her to know that she’s very special to me. She knows that I’m always there.

"As confusing as her world would be, she knows that I’m always just there for her.”



LESSONS ON LOVE. Isang bagay na natutunan ni KC sa pakikipagrelasyon ay ang pag-ingatan na huwag masakal ang karelasyon.

Hindi raw dapat umiikot ang mundo nila sa isa’t isa.

“She has her own life. I have my own life.

"When you start clamping down and you try to become possessive and you’re trying to keep people from doing what they want to do, that’s when the other person start neglecting and regretting the relationship.

“When someone tells you, ‘You can’t do this. You can’t do that,’ you start disliking that person.

“She’s young. She has a lot of things that she’s doing and still has to do,” pagtukoy ni KC sa pagiging abala ni Rhian sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng radio host/entrepreneur, sa totoo lang ay natuto siyang mas maging mature sa pag-handle ng relationship mula nang naging girlfriend niya si Rhian.

Hindi raw clingy-type of girlfriend ang aktres, kumpara sa huling nakarelasyon niya.

“You know, its funny. She’s younger than me, just a little bit, but she has helped me mature.

“I won’t say possessive, but I used to be more, ‘Where are you? What are you doing? Come home.’

“But that was because that’s the type of relationship I was in. My ex at that time was that way. So I was that way as well.

“Rhian is not. Sometimes, she won’t answer my texts because she doesn’t look at her phone much. She’s doing something else.

“But I trust her,” giit ni KC.

MARRIAGE. Nang tanungin kung may plano na ba silang magpakasal, sinabi agad ni KC, 35, na masyado pang bata si Rhian, 23, para lumagay sa tahimik.

At base na rin sa sarili niyang karanasan, alam ni KC na hindi basta-basta lang ang pagpapakasal.

Sagot ni KC, “No, no, no. For one, she has so many good things going for her right now. I don’t think she needs to get married.

“And I don’t want her to miss out on her years. Being a young person, enjoy your time while you can. I’ll be around.”

Sa ngayon, maging si KC ay hindi pa raw handang bumuo ng sariling pamilya.

Aniya, “No. Well, maybe when I’m forty. It is what it is.

“I can’t make somebody do anything. It’s a decision that we both have to make.

"We’re far from that decision.”

Matatandaang anim na taong nagsama bilang mag-asawa si KC at ang singer na si Geneva Cruz. Ngunit noong 2010 ay nagpasya silang maghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang taon ay opisyal na napawalang-bisa ang kasal nila matapos mag-file ng divorce si Geneva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN