PEP EXCLUSIVE: Amy Perez finally reveals why she resigned from Face To Face

Hindi itinago ni Amy Perez na nilisan niya ang dating programang Face To Face nang may sama ng loob. Sabi niya, "Nakakasama lang ng loob, kasi ako pa ginawa nilang masama after all ng mga paghihirap namin together nang nagsisimula pa lang ang show na iyan."


Binasag na ng TV host na si Amy Perez ang kanyang katahimikan kaugnay ng mga espekulasyon sa pag-alis niya sa Face To Face at ang tuluyan niyang pagkalas sa TV5.

Matatandaang kumalat ang balita noon na nagkaroon diumano ng alitan sa pagitan ni Amy at ng production staff ng Face To Face.

Ito ay nangyari matapos ang maternity leave ni Amy sa programa, na pansamantalang pinamahalaan ni Gelli de Belen bilang host.

Pagkatapos isilang ang pangalawa nilang anak ng kanyang partner na si Carlo Castillo, bumalik sa programa si Amy ngunit dito na nagkaroon ng problema sa pagitan niya at ng production staff ng Face To Face.

Pagkatapos ng halos apat na taon sa ere ay natapos ang Face To Face noong October 11.

May kasunod sanang programa si Amy sa TV5, ang Face The People, kasama si Gelli de Belen.

Ngunit hindi natuloy rito si Amy, at tuluyan na siyang nag-resign bilang talent ng TV5. Ang pumalit sa kanya sa programa ay si Tintin Bersola-Babao.

Noong September 21 ay naglabas ng official statement ang TV5 tungkol sa paglisan ni Amy sa istasyon.

Ayon sa statement, “TV5 Management and Ms Amy Perez have mutually agreed to part ways. TV5 respects the decision of Ms. Perez to leave the Network due to personal reasons. She had been a valuable talent of TV5 and we wish her well and the best of luck in her future endeavors.”

AMY’S SIDE OF THE STORY. Kahapon ng gabi, October 16, nakatanggap ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Amy, sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa social networking site na Twitter.

Dito ay binigyang-linaw ni Amy ang ilang mga katanungan tungkol sa kanyang pag-alis sa Face To Face.

Nilinaw rin ng TV host ang isyung diumano’y nagpatanggal siya ng tao sa show.

Sinabi rin nitong mas pinili niyang magkaroon ng "peace of mind" kaysa "financial gain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Amy, “Just to be clear sa mga nangyari, never kong sinabi sa management na magtanggal ng tao sa Face To Face.

"What happened really ay gusto nila mag-taping ng four episodes a day, at sinabi ko lang naman na di ko pa kaya since kakapanganak ko pa lang at first time ko na-CS [caesarean].

"After nun, nagparinig na sa FB [Facebook]. Ano naman ang laban ko dun?

"Kaya nag-resign na lang ako kasi di ko na kaya ang ganung betrayal."

Hindi direktang tinukoy ni Amy kung sino ang "nagparinig" sa Facebook.

Giit pa niya, “I swear to God, I never asked the management.

"Kasi, ako na nga nagparaya. Di ba, lahat sila may work now?

"Mas pinili ko ang peace of mind kesa kumita ako.

"Kasi, lahat naman sila may work pa now, kaya I’m happy for all of them.

"Ako na lang ang iiwas.”

Inamin ni Amy na nasaktan siya dahil pinalalabas daw na siya pa ang masama.

Aniya, “Nakakasama lang ng loob, kasi ako pa ginawa nilang masama after all ng mga paghihirap namin together nang nagsisimula pa lang ang show na iyan.

"Pero ganun siguro, hanggang dun na lang ako.

“At the end of the day, alam mo yung pag di ka na masaya, talagang mas pipiliin mo ang peace of mind kesa financial gain.

"Kaya ako na lang umiwas para na rin happy lahat.”

Samantala, masaya raw si Amy na may show ang kanyang mga kasamahan sa Backroom na sina Gelli at Tintin.

“I’m happy na may work sila, may show si Gelli at Mamu [Tintin], kasi Backroom sisters ko sila.

“Pero siguro, talagang hanggang doon na lang ako.

"Sad at masakit, kasi puwedeng naging maganda ang ending, alam mo yun?

"Kaya ako na umiwas.”



"A GOOD TIME FOR ME TO HEAL." Tiniyak naman ni Amy na maganda ang naging pamamaalam niya sa bigwigs ng Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Even our president, Sir Noel [Lorenzana], naunawaan niya how hurt I was sa nangyari.

"Kaya sabi niya, it’s also a good time for me to heal.”

Dagdag ni Amy, “Di natin masasabi, malay mo, after three years, Kapatid ulit ako.

"Kaya maayos kami naghiwalay nila Sir Noel, Ma’am Wilma [Galvante], Ma’am Luchi [Cruz-Valdes], at ni Sir Perci [Intalan] at sir Bob [Barreiro]... alam ang totoong nangyari.

“Too much lang yung pain and hurt ko, felt so betrayed.

"Kaya mas pinili ko nang umiwas para, alam mo na, happy na lahat.”



SHOW WITH RODERICK. May lumabas na balitang matapos umalis si Amy sa TV5 at sa kanyang morning show na Good Morning Club, papasok naman diumano siya sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Bagamat totooong magbabalik siya sa ABS-CBN, itinanggi ni Amy na papasok siya sa morning show na Umagang Kay Ganda.

Ang programa raw na sasalihan niya ay ang magbabalik na The Singing Bee, na dating hinost ni Cesar Montano.

Makakasama raw niya dito ang kanyang dating hosting tandem na si Roderick Paulate, na gaya ni Amy ay balik-Kapamilya rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN