KC Montero happy that ex-wife Geneva Cruz is finally getting her wish, a second child

Radio host/entrepreneur KC Montero says he’s on good terms with Geneva Cruz long after their separation: “She’s happy with what she has. I think our time together was a learning experience for her. That guided her to where she is now."


“I am happy for her.”

Ito ang pahayag ni KC Montero tungkol sa balitang engaged na ang dating asawang si Geneva Cruz sa Fil-Australian boyfriend nitong si Lee Paulsen.

Matatandaang nagpakasal sina KC at Geneva sa Seattle, Washington, noong January 4, 2004.

Anim na taon silang nagsama bilang mag-asawa, hanggang sa naghiwalay sila noong 2010.

Noong nakaraang taon, 2012, ay opisyal na napawalang-bisa ang kanilang kasal matapos mag-file ng divorce si Geneva.

Sa kasalukuyan, masaya raw si KC na nakahanap si Geneva ng taong karapat-dapat sa pagmamahal nito.

Mismong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pa raw niya nabasa ang tungkol sa nakatakdang pagpapakasal ni Geneva ngayong taon.

(Read: Geneva Cruz engaged to Fil-Australian boyfriend)

“We don’t really keep in touch that much. But I’m really happy for her. Super excited!

“I found out from the news. I think I found out from PEP.

"And I was like, ‘Wow, she’s getting married!’” bulalas ni KC nang eksklusibong makapanayam siya ng PEP sa Urbn restobar kahapon, October 16.

PREGGY GENEVA. Nabalitaan din ni KC na bukod sa malapit nang ikasal si Geneva ay buntis din ngayon ang dating asawa.

Aniya, noon pa man ay gustung-gusto na ni Geneva masundan si Heaven, ang 17 taong gulang na anak ng aktres sa unang asawa nitong si Paco Arespacochaga.

(Read: Pregnant Geneva Cruz hospitalized)

“And then I saw another article where buntis siya. Oh, shoot!

“That’s good because I know that she wanted a baby before.

"We actually tried. But it didn’t have any...” saad ni KC na biglang preno sa kanyang pagkukuwento.

Ang ibig sabihin ni KC ay binalak din nila ni Geneva na magkaroon ng anak noong mag-asawa pa sila.

Sa kasamaang-palad, tatlong beses nakunan ang aktres—na isa sa mga rason kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila.

Saad pa ni KC, “So I’m really happy for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’m glad that she found somebody to take care of her. And that they’re happy together.”

Kailan ba sila huling nagkausap ni Geneva?

“I think the last time we talked was about Heaven.

“But I left her a message on Instagram. I’m not sure if she saw it though. There’s really no way to tell if anybody saw it.

“If she’s watching this, ‘Congratulations, Gen!” mensahe pa ni KC habang kinukunan siya ng video ng PEP

Nakakatuwa na sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nanatiling maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Hindi tulad ng ibang celebrity couples na nasisira ang samahan sa oras na sila ay maghiwalay.

Pero ayon kay KC, naniniwala siyang posibleng maging magkaibigan ang mag-ex tulad nila ni Geneva.

“Yeah. Paco and Geneva were friends. I was friends with her ex.

“I don’t think that there’s any problem with that. She’s happy with what she has.

“I think our time together was a learning experience for her. That guided her to where she is now.

“And I’m sure she’ll probably feel the same way as well.”



BACK TO HOSTING. Samantala, ibinalita ni KC na bumalik siya sa paghu-host ng isang morning show sa FM station Wave 89.1.

“I’ve been doing it for two months now. It’s called The Wildside.

"It’s crazy fun. Sometimes we have topics, sometimes we don’t.

"Our point is just to be something very loose, something light in the morning.

“We don’t talk about love problems or sexy stuff. We’re not very heavy.

"What we aim for is you turn the radio on and as soon as you hear it, you laugh.”

Sampung buwan tumigil si KC sa paghu-host ng radio program sa naturang FM station dahil inasikaso niya ang sariling negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Part-owner siya ng mga kilalang specialty stores tulad ng Team Manila, Trilogy boutique, at Phi bar.

“I stopped because I was busy setting up a lot of companies. So I couldn’t dedicate my time to the radio show.

“I have a viral video company. I have a social media networking company.

“Last year, we set up twenty different retail shops. We own the company.

"I was doing a lot of the marketing as well.”

Bukod sa mga nabanggit, balak din ni KC ipagpatuloy ang paggawa ng videos at podcasts para sa kanyang sariling website.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN