Maricar de Mesa and husband Don Allado plead for a baby after seven years of marriage

Maricar de Mesa on doing supporting roles: “Kung may magandang roles na ibigay kahit supporting roles, wala namang masama doon. Wala namang maliit na role—nasa sa iyo yun kung paano mo gawin.”


Pitong taon nang kasal ang aktres sa basketbolistang si Don Allado.

Ikinasal ang dalawa noong December 1, 2006, sa Our Lady of Consolation Parish Church, Quezon City.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaanak.

Sabi ni Maricar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hopefully ay magka-baby na soon—yun naman ang inaabangan namin.

“Yung first years talaga, plinano namin na enjoy muna kami.

“It’s been only in the last two years na nag-decide kami na, sige, ready na kami.

“Pero yung timing kasi, yung under pressure kami na gustung-gusto naming magkaanak, wala namang problema sa aming dalawa.

“Timing lang talaga, hindi kami magtugma.”



SPECIALIST. Nagpakonsulta na raw sila sa doktor na ang specialization ay tungkol sa tulad nilang hindi pa nagkakaanak.

“Oo, pumunta na kami sa espesyalista,” kumpirma ng dating sexy star.

“Yung galing sa Japan, kumbaga, Japan technology sila. And, hopefully, ang balita ay early next year.

“Before, may duda rin kami sa isa’t isa kung sino may problema.

“Kaya nga nagpa-check na kami para malaman kung talagang may problema at kung sino.

“Pero we’re okay and we’re both good, we’re both healthy.

“Ang tagal na namin, it’s about time [na magka-baby].”

Sobra na raw ang kagustuhan ni Maricar na magkaroon na sila ng baby ni Don.

Pag-amin niya, “Sobra! Tingnan ninyo naman, ang lungkot namin sa bahay.

“Kahit pamangkin, wala, e. Sa both sides kasi namin, walang bata, e, wala kaming mahiram.

“Thirty-three na ako, thirty-five na siya [Don], it’s about time.

"Makaisa o makadalawa man lang sana kami. Kung kambal, suwerte, bakit hindi?

“Kaya nga ngayon, habang kaming dalawa pa lang, we travel a lot together, lakwatsa kami lagi.

“We love travelling, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa, basta makakita kami ng butas.

“Kasi ang gulo rin ng off-season nila at ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung walang soap o movie na ginagawa, talagang umaalis kami.”



JEALOUS FACTOR. Nagseselos pa ba siya sa ibang babae?

“Oo naman,” pag-amin ni Maricar. “Ang dami pa ring umaali-aligid.

“Kasi he goes out with his friends, panay lalaki sila.

"Ako naman, I go out with my friends.

“Minsan ay magkasama kami, tapos may mga babae na medyo malambing ang pagkakaganyan sa kanya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Who’s she?’ May ganyan akong factor.

“Siyempre naman, di ba? Ako ang asawa. Wala pa naman ako yung... as in sugod.

“Yung iba kasi, parang may ibinubulong sa kanya, e, kung makabulong naman, nasa tenga na ng asawa ko.

“I don’t go to her, siyempre doon ako sa asawa ko.

"Sasabihan ko, ‘Masyado ata kayong sweet... close kayo?’

“Nakikita ko naman yung effort niya na, ‘Teka, back off, ha? Nandidito ang asawa ko.’”

Hindi naman daw kasi maiwasan ito, lalo na’t celebrity rin ang asawa niya.

“Korek! Kasi, exposed din talaga siya.

“Siyempre, basketball player, medyo social person din siya, hindi talaga maiwasan.

“Siya naman, ipinararamdam din naman niya na dapat relax lang ako.

“Minsan kasi, masarap din na merong selos factor, di ba? Nakakasawa din na kung parati lang kayong laging chummy-chummy.

“Colorful din yung may konting issues kumbaga.”



COMMUNICATION. Paano nila nere-resolve kapag dumadaan sila sa ganoong sitwasyon?

Saad ni Maricar, “Usap lang. Minsan sasabihin niya na, ‘Kaw, ha? Nakita ko yun, ha?’ Yung halimbawa may lalaking medyo sweet sa akin.

“Ang importante ay pinag-uusapan ninyong dalawa. And after that, sweet-sweetan na uli kayo sa isa’t isa.

“‘Wag nang pahabain pa ang usapan, ‘Te. Kayo rin lang naman ang magkakasakitan.

“At the end of the day, ang mukha ninyong dalawa rin naman ang magkikita, di ba?”



DIREK WENN’S FAVORITE. Isa si Maricar sa paulit-ulit na kinukuhang artista ni Direk Wenn Deramas sa kanyang mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad sa Bekikang: Ang Nanay Kong Beki, ang launching film ni Joey Paras.

“Sabi niya, meron siyang Wenn Deramas pool of talents, at natutuwa ako na parte ako noon,” pahayag ni Maricar.

Huling pelikula ni Maricar kay Direk Wenn ay ang box-office movie na Bromance (2013) na pinagbidahan ni Zanjoe Marudo.

Patuloy niya, “Siyempre proud ako. Si Direk Wenn na hindi ko matanggihan.

“Kahit minsan, magte-text lang siya.

"Minsan ay sabihin lang niya na, ‘O, ‘Nak, ilang shooting days lang ito pero gusto ko ay ikaw ang gumawa. Ikaw na gumawa kahit late ka nang dumating.’

"Ang hirap niya talagang tanggihan at hindi puwede.”

Ayon kay Direk Wenn, gusto niyang kunin ang mga dati na niyang nakatrabaho, kasi pakiramdam niya ay kalahati ng kanyang trabaho ay tapos na.

Tested and proven na niya kasi ang galing at professionalism ng mga artistang paulit-ulit niyang kinukuha sa kanyang mga proyekto.

Dagdag pa ni Maricar, “Kahit sa TV kapag kinukuha niya ako, binibigyan niya na ako ng role na tipikal ko nang ginagawa.

“Hindi lang kontrabida lagi, may roles na mabait naman o nakakaawa. Hinuhugot niya ang iba pang puwede kong ilabas.”



FORMER BIDA. Dati nang nag-lead si Maricar sa pelikula, gaya ng Nympha (2003) at Bayaran (2003)

Ngayon ay supporting roles na lamang ang kanyang ginagawa, okay lang ba ito sa kanya?

Aniya, “Alam ninyo, ang masasabi ko diyan ay para akong barkong dumaan lang.

“Nagkaroon nga noon na solo movies sa Regal Films na medyo sexy, so na-experience ko na rin yun.

“Siyempre, hindi naman ako bumabata. Nagma-mature, nagbabago ang roles na puwedeng gampanan.

“So, kung may magandang roles na ibigay kahit supporting roles, wala namang masama doon.

“Wala namang maliit na role—nasa sa iyo yun kung paano mo gawin.”



GIVING IMPORTANCE. Kaya nga bilib si Maricar kay Direk Wenn sa pagbibigay ng importansiya sa mga tulad nilang malaki ang pagpapahalaga sa trabaho—bida ka man o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, oo, sobra!” bulalas niya.

“Tingnan mo ang movies niya, parang iisa lang ang mga mukhang nakikita.

“Lagi niya kasing sinasabi na, ‘O, ayan, lagi ko kayong kinukuha kasi alam kong artista talaga kayo. Sana lahat ay tulad ninyo para mas magaan ang trabaho.’

“Nakaka-proud din naman, parang sobra niya talaga kaming mahal kaya sinusuklian din namin yun.

“Kailangang on time kami sa set, kailangan alam na namin ang dialogue namin.

“Pag trabaho, trabaho talaga… saka na ang sobrang tsikahan after the shooting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN